CHAPTER 12: Warning shot

13 5 0
                                    

Authors POV...


"There was a posibility that the case of Julie Antolin is related to the case of Joyce Gironella." Sir Alvir explained. Everyone is inside the Meeting Room and was talking about the report of Adira.

"Kung konektado ang kasong ito kay Joyce then we will go back to zero." Sir Jury.

"Kulang din ang ebidensiyang hawak natin. If we are going to reinvestigate then we need more solid evidence." -Butler Dee.

"We have some information about Julie Antolin's case. Ang kailangan ay mapasakamay natin ang diary na hawak ni Chloe para maimbestigahan iyon." -Julius (Black Eagle)

Napatingin ang lahat kay Adira dahil sa sinabi ng ama nito.

"W-what?" -Adira.

"Magsisimula tayo sa kaso ni Julie."

Tila nabuhayan ng dugo si Adira dahil sa sinabi ng ama niya. Sa wakas ay magkakaroon na ito ng pagkakataon upang matulungan si Chloe. Ang tanging naisip niya ngayon ay kung paano niya makukuha ang diary ni Julie mula sa kaibigan.






Gironella Residence...

Isang malutong na sampal ang tumama sa pisngi ni Aldos mula sa ama. Nanggagalaiti ito dahil ilang gabi nang hindi umuuwi sa tamang oras ang anak.

"What do you think you're doing? Wasting money and wealth? Where have you been to this past few nights?" singhal ni Jacob at muli sanang sasampalin ang anak, ngunit biglang dumating si Yuno, ang panganay nito.

"Dad!" humarang ito sa harap ng kapatid upang protektahan ito. "Stop hurting Aldos." pakiusap niya sa ama.

"Yuno, kaya hindi natututo yang kapatid mo dahil lagi mo siyang pinoprotektahan!" diin ni Jacob.

"Pagsasabihan ko siya." -Yuno.

"Pagsasabihan? Nakikinig ba?" -Jacob.

Hindi nakatiis si Aldos kaya iniwan nalang ang dalawa.

"Where are you going? I'm not done with you!" their Dad shouted.

Yuno tapped his Dad's shoulder. "I'll talk to him."

Buong buhay ni Aldos Gironella ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal ng Ama. Magmula kasi ng mamatay ang asawa niya sampung taon na ang nakakalipas ay mas lalong nagbago ang ugali nito. Mabuti na lamang at laging nandiyan ang kaniyang Kuya na siyang nagpaparamdam na mahalaga ito.

Laging pinapagalitan at sinasaktan ni Jacob Gironella ang bunso nitong anak, at lagi namang ipinagtatanggol ni Yuno ang nakababatang kapatid. Nangako ito sa sariling hindi niya pababayaan si Aldos at ipagtatanggol niya ito sa kahit kanino man sa abot ng kaniyang makakaya. 

Pagpasok ni Yuno sa kwarto ng kapatid ay sumalubong sa kaniya ang madilim na kwarto. Nagsusulat si Aldos at tanging desk lamp lang ang nagsisilbing ilaw niya.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Yuno ngunit hindi siya nakatanggap ng sagot. Nang mapansin niya ang pasa sa pisngi ng bunsong kapatid ay nag-alala ito.

Ibinaba niya ang tray na naglalaman ng pagkain sa katabi nitong lamesa at ipinatong ang ice pack sa pisngi ni Aldos. Natigilan naman ang isa sa pagsusulat at iwinasiwas ang kamay ng kuya, dahilan para malaglag sa sahig ang ice pack.

"Aldos."

Muli ay hindi ito sumagot.

"Maiwan na muna kita. Kumain ka pagkatapos ng ginagawa mo, wag kang magpapagutom." -Yuno.

MONDEJAR 1: Innocent's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon