CHAPTER 28: Girl's Talk

3 1 0
                                    

Thaddeus's POV


Nang makarating kami sa talon ay tumigil kami ni Adira sa puno ng mangga na hitik sa bunga. Bigla na lamang siyang pumitas ng isa at lumapit sa tubig para hugasan ito.


''Wait! You're gonna eat that?''


''Oo bakit?'' nagtatakang tanong niya.


''Hindi ka nagpaalam sa may-ari.'' Paalala ko. Bigla siyang tumawa na siyang ipinagtaka ko.


''Tumingin ka sa paligid,'' aniya at agad ko namang ginawa ang sinabi nito, ''may kabahayan ba?''


''Wala.'' Sagot ko.


''Oh diba? Ibig sabihin walang may-ari ng punong ito and everyone can eat the fruits. Ganyan dito sa probinsiya, minsan nga kahit may nag-mamay-ari ng puno hindi nagpapaalam ang mga bata tapos tatakbo nalang ganun.'' Natatawang wika niya bago kinagat ang hawak na manga.


''You eat that with the peel?''


''Tao ka ba Thaddeus o hindi? Masarap kumain ng mangga lalo na kapag hindi binabalatan tapos isasawsaw sa asin na may sili, arrgghh favorite!''


''I thought rich people don't eat like that. Specially foods coming from anywhere.'' Napa-iling ako.


''Masarap kumain ng mangga lalo na kapag bagong pitas o bagong nakaw.'' -Adira.


Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya natawa ito. Hindi ko aakalaing ang isang Mondejar na kagaya niya ay walang ka-arte-arte lalo na sa pagkain.


*Bzzttt bzzttt*


Natigil ang usapan namin ng biglang may tumawag sa cellphone ko.


Kuya Yuno calling...


Nagtinginan kami ni Adira. I put it in loudspeaker so she can hear it.


''Thaddeus! Have you seen Aldos? He's not home for how many days for pete's sake!'' bulalas ni Kuya Yuno mula sa kabilang linya.


He's worried. I can feel it. Hindi ako makapaniwalang siya ang dahilan sa likod ng kaguluhan na ito. He always care for Aldos, he loves him, and acts like a mother and father when Aldos loss Tita Joyce.


''Hindi ko po alam Kuya.'' Pagsisinungaling ko. Hindi ko pwedeng sabihin na nasa poder ng mga Mondejar si Aldos dahil hindi nila iyon magugustuhan.


''Please let me know if ever you'll encounter him. Call me ASAP okay?''


''Okay.'' Sagot ko bago niya pinatay ang tawag.


''I wonder how Aldos will react when he will know the truth.'' Napatingin ako kay Adira na hanggang ngayon ay kumakin pa rin ng mangga.

MONDEJAR 1: Innocent's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon