CHAPTER 17: Kids in Danger

5 4 0
                                    

Author's POV...

Namamanghang pumasok ang batang si Jerik sa underground mansion ng mga Mondejar kasama si Louise. Sinalubong sila ni Adira, Thaddeus, Butler Dee, Julius (Black Eagle) at Alvir. Mula sa likod na kinaroroonan ni Alvir ay pasimple itong sumilip sa bata, maputi ito, may itsura, at katamtaman ang tangkad para sa 13-anyos na lalaki. Nais man niya itong lapitan agad ay hindi niya magawa.

''Magandang gabi po.'' Nahihiyag bati ni Jerik.

''Wala ka bang maalala tungkol sa mga magulang mo iho?'' –Julius Mondejar. 

''Wala po. 6 years old po kasi ako noong kinuha ako ng mga kidnappers.''- Jerik.

Napatingin ang lahat kay Alvir. Anim na taon ang anak niya noong mawala ito. Hindi namalayan ni Alvir na unti-unti na pala siyang papalapit sa bata.

''Anak!'' bigkas ni Alvir, nagingilid ang luha sa mga mata nito. Tuwa at pangungulila ang nararamdaman niya.

''Sino po kayo?'' nagtatakang tanong ng bata.

''Ako ang tatay mo. Hindi mo na ba ako kilala? Heto!'' inilabas ni Alvir ang wallet nito at ipinakita ang larawan nilang tatlo kasama ng asawa niya. ''Ako ito, ito ang nanay mo, at ikaw ang batang ito.'' Alvir explained while pointing the people in the picture. 

Napatitig si Jerik sa batang nasa larawan hanggang sa mapagtanto niyang siya nga ang batang itinuturo ng lalaking nasa harapan niya.

''Papa.'' Lumuluhang wika niya.

Naiyak na lamang si Alvir sa narinig at agad na niyakap ang anak. Napangiti naman ang mga kasama nila. 






...
''Anong gagawin natin?'' nagngingitngit sa galit na sabi ni Aragon Villafuerte. Nasa Office ni Jacob silang lahat dahil sa napanood na news sa TV.

''Wala tayong magagawa kundi isakripisyo ang mga kasama natin.'' Tanging nasabi ni Armando Dolores.

''Anong ibig mong sabihin? Hahayaan lang nating mahuli si Julry Soria?'' –Jacob Gironella. 

''Kung iyon ang ikakabuti natin, Oo! Nakakasiguro akong isusunod nila ang mining site ni Edward Rizarre dahil konektado ang dalawa.'' –Anthony Corrales.

''Hindi pwede iyon! Kapag nadamay tayo, paano ang pagtakbo namin ni Jacob bilang Mayor at Bise Mayor?'' Aragon said with nervous in his voice.

''Isa lang ang naisip kong paraan.'' Napatayo si Danilo Escobar mula sa pagkakaupo. ''Let them be capture by the Police and dispose all the things and evidences that can point out that we are their accomplice. Kapag naitago o masisira natin ang mga ebidensiyang kasabwat tayo, walang maniniwala sa dalawa at sasabihin ng police na dinadamay lang tayo.''

And then they started to burn all the transactions and connections related to the two. 

''Alas diyes ng gabi ay nilusob ng kapulisan ang isang mining site na pag-aari umano ni Edward Rizzare kung saan natagpuan ang ilan pang mga bata. Ayon sa isang saksi ang mga batang ito ay ipinagbili umano ni Julry Soria sa kaibigan upang gawing manggagawa ng mining site. Isa sa mga batang biktima ay ikwinento ang paghihirap na dinanas nila.'' –Reporter.

''Ginugutom po nila kami at bihirang binibigyan ng maiinom at makakain. Ang iba pong mga bata ay namatay at nagkasakit dahil sa gutom at pagod.'' Kwento ng isang bata na blurred ang muka upang walang makakilala.

''Saan dinadala ang mga bangkay nila?''- Reporter.

''Itinatapon po sa ilog.'' –Bata



MONDEJAR 1: Innocent's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon