CHAPTER 22: Protecting Adira

5 4 0
                                    

Adira's POV...

Tahimik akong pumasok ng School nang mapansin kong pinagtitinginan ako ng lahat. Hindi lang pinagtitinginan tila pinapatay nila ako sa mga isip nila. Anong nangyayari? Bakit tila galit ang lahat sakin? 

''That's her! The fake girl!''

''She's a Mondejar!''

''She's a criminal. Nakakatakot naman.''

''She don't deserve to be here.''

Bulong ng lahat. 

Paano nila nalaman? Isa ba sa kanila Chloe ang nagsabi? Galit pa rin ba sila sakin kahit alam na nila ang kwento 10 years ago?

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang cellphone upang malaman ang nangyayari. Pagbukas ko ng social media ay tumambad sakin ang mga pictures ko at ang tunay kong pangalan. Everyone knows I'm a Mondejar now!

Maglalakad na sana ako nang mapatigil ako. 

Isang itlog ang nahulog sa ulo ko. It came from the second floor of the building. I look up and saw some of my classmates looking at me while crossing their arms in front of their chest, may hawak silang mga itlog at kamatis. Pinapanood ako ng lahat, tinitignan na may halong pandidiri at galit. Muli, ay isang kamatis ang ibinato nila sakin hanggang sa nagtuloy-tuloy na sila sa pambabato. Wala na akong nagawa kundi mapa-upo sa semento habang yakap ang sarili.

Is this the payback for lying and pretending? Is it wrong to hide my true identity in order to protect my family? Why is everyone mad at me? Why do they hate my family? Kung hindi ba ako Mondejar hindi ko ba mararanasan ito? Sana naging ordinaryong tao na lang ako. Malaya at masayang mamuhay kasama ng iba. Bakit kailangang pagdaanan ito ng pamilya ko? 

''Hey! What the hell?'' isang sigaw ang narinig ko mula sa likod. It was Nicole's voice. Babatuhin rin ba niya ako?

''Tumigil kayo!'' Chloe shouted at my back. Patuloy pa rin akong binabato at pinagtatawanan ng lahat. Everyone was watching and recording video and none of them tried to stop and help me. 

Please, anyone help me!

Then something unexpected happen. Nicole and Chloe came to hug and cover me from being hit by eggs and tomatoes. They are protecting me. The tears I had been holding back fell, akala ko walang magtatanggol sakin. Akala ko'y nandito din sila para pagtawanan ang nangyayari sakin. But I was wrong, they are here to protect me. 

Mula sa second floor ay isang estudyanteng lalaki na may hawak na timba ang tumingin samin. Ibinuhos niya ang tubig na laman nito, ngunit bago pa ito tumama samin ay dalawang blazer ang humarang sa tubig. It was Aldos and Thaddeus. They came to save us! They block the eggs and tomatoes to avoid us from being hit. Lumapit ang iba pang mga estudyanteng nasa baba at pinagsisipa kaming lahat. Thaddeus and Aldos covered and hugged us so that they will be the one who'll receive the kicks. 

''Adira! Okay kalang?'' nag-aalalang tanong ni Thaddeus sakin nang makapasok kami sa Elite Room. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Marumi na rin ang suot niyang damit gaya ni Aldos.

''Girls do you have extra clothes?'' Aldos asked Nicole and Chloe. 

''I have two. I can lend Adira.'' Sagot ni Nicole.

''How about you Chloe---shit! Nasugatan ka.'' Nag-aalalang sambit ni Aldos nang makita ang sugat sa tuhod ni Chloe ngunit hindi niya ininda ang sakit sa likod niyang pinagsisipa ng mga estudyante. 

''It's fine---.''

Aldos cutted Chloe's sentence by pulling her to the sofa then he get the first aid kit. Ginamot niya ang sugat ni Chloe.

MONDEJAR 1: Innocent's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon