CHAPTER 2

9 0 0
                                    


Aimee POV

"OMG! How did you find my FB name?!" gulat kong nasabi habang titig na titig sa mukha ni Jungkook sa screen. Ang gwapo niya talaga.

Hindi ko tuloy maiwasang mahiya. Maganda ba ako sa FB profile? Teka! Wala naman akong na shared post na hindi kaaya aya no? What if they stalked my profile? eotteke!

Over thinking nang malala.

"ulineun dangsin-ui ileum-eul geomsaeghalyeogo haessseubnida. un johgedo, naneun dangsin-ui gyejeong-eul chaj-assseubnida. maenijeoga neoui peiseubug chingulaseo neoui geos-ilaneun geol al-a."

Trans: We tried to search your name. Luckily, I found your account. I know it's yours because manager Min is your Facebook friend.

Nakatulala lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Shuta! Ang gwapo niya talaga no? Wala akong maintindihan sa sinabi niya pero para akong tanga nakangiti at tumatango na parang na ge-gets ko ang mga sinabi niya. Jungkook seems lively today.

"Who's that?" I heard RM asked.

Lumingon sa kaliwa si Jungkook.

"Ami," he said using his lively tone.

"Ami? Ami?!"

"Jinjjayo?!"

Maya't maya ay nakarinig ako nang sunod sunod na yapak ng mga paa papunta sa direksyon ni Jungkook. Hanggang sa bigla umuga ang camera tapos lumitaw sa camera ang mga mukha ni RM, V, Jimin at Jin. They look so surprise and when our eyes meet. Ngumiti sila nang pagkalaki laki tapos sabay sabay na kumaway.

For the second time, napatakip ako sa bibig dahil sa overwhelm sa nangyayari ngayon. Nag e-emote lang ako kanina dahil miss na miss ko na sila tapos heto at kausap ko na sila.

"Wow! We miss you, Ami. It's nice to see your pretty face," sabi ni RM. Di ko na makita si Jungkook pero siya pa rin ang may hawak ng cellphone.

Pawisin at medyo magulo rin ang buhok nila kagaya ni Jungkook.

Mahaba haba kumustahan ang naganap for todays vidyow. Naupo na ako sa damuhan habang hawak hawak pa rin ang cellphone. Isinandal naman nila ang cellphone sa isang bagay para makita ko silang lahat sa camera. Habang magkausap kami ay kumakain na sila.

I said to them that I really miss them so much and they are too.

"Nado Bogoshipeo," Jhope said.

Tapos sabay sabay na nag-agree yung anim.

Sinabi naman ni RM na katatapos lang daw ng dance practice nila kaya pahinga muna sila ngayon. Sakto naman daw dahil nahanap na ni Jungkook yung fb name ko at natawagan ako. I feel so kilig. Si Jungkook daw ang nagtyaga hanapin ang pangalan ko sa fb kahit busy siya dahil gustong gusto niya na daw ako makausap. Kaya walang duda kung bakit sobrang happy ni Jungkook nong makausap ako.

Jusko naman! Why is he eager to see and talk to me? Jungkook naman! Huwag mo akong paasahin.

Ako unang nag kwento sa kanila. Syempre straight in English kaya medyo nahirapan ako pero kung may nahirapan man dito. Si RM yun. Panay tanong kasi sa kanya yung iba kung ano daw ang sinasabi ko. RM translates it to Korean. Nag sorry naman sila saakin dahin doon sa issue kumalat sa social media. I said its okay. Walang problema.

"We're excited to see again in person, Ami. If we have free time we will visit you," RM said.

"Awts! Totoo? Really? Don't worry after I graduate I will go there and visit you instead."

Naging masaya at unforgettable ang usapan namin. Tatawagan nalang daw ulit nila ako.

They are preparing for their comeback and concert.

Nagpaalam na sila isa't isa sa akin.

Suga and RM waved their hands at me while saying goodbye and take care. Sinabi naman ni Jin na ipagluluto niya ako kapag nagkita kami ulit in exchange papasalubongan ko siya ng paborito niyang chicaron at Mang inasal na chichiraya.

V told me na marunong na siya magtagalog. He invited me na kapag nagkita kami samahan ko daw siyang manuod ng tagalog movie sa sinehan. Jhope said naman na may ibibigay siya sa akin at si Jimin naman ay bibigyan naman ako ng libro pinangako niya sa akin.

I gulp nong mapansin ko solo nalang sa screen si Jungkook. Nakangiti siya sa akin na hindi labas ang ngipin tapos nakatingin lang siya sa mukha that makes my heart beats so fast. Kung nagkakarera lang ang puso ay baka nasa finish line na ako.

"Bogoshipeo, Ami," he said with his soft and gentle voice.

"Nado," I said using my normal voice pero deep inside gusto ko ng maglupasay sa kilig.

He open his mouth again to speak but he stop and smile at me instead. Parang may ibig na naman siya sabihin pero hindi niya natuloy. At the end, he said goodbye na rin and told me to take care and see you soon.

--

Naniniwala na talaga ako sa power of manifestation. Grave ka po Lord. Ano po ba ang nagawa ko kabayanihan sa past life ko? I never imagine myself to be this lucky.

Bumalik na ako sa loob after magpaalam sa akin si Jungkook. Ang laki ng ngiti ko at naghu-hum pa habang naglalakad papuntang sala.

Nasa sala si mama at kuya Manuel habang nanunuod ng Ang probinsyano. Nilingon ako ni kuya na kunot na kunot ang noo.

"Bakit ngiting ngiti ka diyan?" irita nito sabi. Ano ba yan! Pinaglihi ba sa akin si Kuya Manuel? Bakit palagi niya nalang ako pinagdidiskitahan?

"Bawal?" sagot ko sa kanya. Lumapit ako kay mama at naupo sa tabi niya.

Tutok na tutok siya sa Tv. Kapag nanunuod talaga siya hindi mo na siya ma-i-isturbo. Fan na fan si mama ng ang probinsyano. Parang ako sa Bangtan kaya we both understand each other hindi katulad ng isa diyan na nakatingin na nang masama sa akin ngayon.

Kuya Manuel is such a KG and walang taste. Buti pa si Kuya Kenneth and speaking of...

"Ma tumatawag si Kuya Kenneth," sabi ni Kuya Manuel habang hawak ang cellphone ni mama.

Na excite naman ako bigla.

"Si kuya Kenneth? Ako na kuya Manuel."

"Ikaw ba si mama?"

"Parang tanga naman 'to," inis kong usal sa kanya tsaka nag death glare sa kanya.

Inabot ni kuya Manuel ang cellphone kay mama. Kinuha naman ni mama ang cellphone nang hindi inaalis ang mata sa TV.

"Oh ano ma? Kakausapin mo si Kuya Kenneth o isasara ko ang Tv?"

"Hoy! Tumigil ka nga!"

Tumawa si Kuya Manuel sa pang aasar kay mama. Napatawa din naman ako. 

MY EUPHORIA (MSAPO ending new version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon