CHAPTER 3

7 1 0
                                    

Aimee POV

Nagising ako ang diwa ko sa tunog ng alarm clock na nakapatong sa lamesa na nasa gilid ng kama. My eyes are still close. My hang over pa ako sa holiday break.

Pwede ba e-extend?

Kinapa ko ang alarm clock at pinahinto ang pagbulabog sa akin habang nakapikit.

Hindi na ako sanay magising nang maaga. Ang sakit sa ulo.

"5 minutes," bulong ko sa sarili at saka nagkumot sa boung katawan.

Sarap na sarap ako sa tulog. I thought limang minuto lang ang ginugol ko sa another round of sleep but I was wrong.

Kuya Manuel kept punching my butt using one of the pillows. Akala ko nong una panaginip lang but I heard his angry voice.

"Hindi ka ba talaga gigising diyan ah?!"

Napabangon ako wala sa oras.

Inis kong kinamot ang ulo ko habang pumipikit pa ang mata.

Nakasuot na siya ng uniporme ng college niya.

"Kuya naman eh!"

"Ano?! Hindi mo ba alam na late na ako?!"

Anong pake ko kung late na siya. Hawak ko ba yang paa niya.

'yan sana ang sasabihin ko pero huwag nalang dahil baka lalong magalit siya sa akin.

"Late ka na pala kuya. Bakit hindi ka na umalis?" sagot ko.

"Ibinilin sa akin ni mama na ihahatid daw kita kaya bumangon ka na diyan kung ayaw mo buhusan kita ng malamig na tubig," banta niya.

"What?!"

"Bilis!"

I hate him!

Wala na akong nagawa kundi ang magmadali magtungo sa banyo. Bumaba na siya at sinabi hihintayin niya ako sa labas. Binigyan niya lang ako ng 15 minutes at kapag hindi daw ako umabot sa itinalaga niyang oras ay iiwanan niya ako.

Okay, lang naman.

Maglalakad nalang ako papuntang school since malapit lang naman yun pero mala-late naman ako nang pasok.

Surely, lalagyan ni Alexander ang attendance ko na absent. Bwesit na yun!

Limang minuto lang ako naligo pagkatapos ay mabilis na akong nag ayos sa sarili.

Wala pala ngayon si mama si bahay. Pinuntahan niya si tita Richel. Mamaya pa hapon ang balik ni mama.

Si kuya Jeric naman ay nasa school na rin.

Walang maiiwan sa bahay.

Pagkatapos kong magbihis at mag ayos. Halos lumipad na ako palabas ng bahay. Nakita kong nakatayo sa gilid ng kotse si kuya Manuel habang kunot kunot ang noo nakatingin sa wrist watch niya.

Napaangat ang ulo niya nang mapansin papunta na ako sa deriksyon niya.

"Ang tagal mo!'

"Sorry na."

Binuksan niya ang pinto ng front seat.

"Pasok."

Nag-thank you naman ako sa kanya.

Hindi na ako nakapag almusal pero buti nalang at may dala si kuya ng cupcakes. Ibibigay niya sana daw sa girlfriend niya pero binigay niya nalang sa akin dahil baka daw mamatay ako sa gutom, patay gutom pa naman daw ako.

Sweet but harsh. Ang sama!

   _____

Mukhang hindi lang ako ang may hang over sa holiday break pati mga teachers ko ganoon din kaya hindi muna sila nag lecture.

MY EUPHORIA (MSAPO ending new version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon