CHAPTER 6

4 1 0
                                    



Aimee POV

Bandang alas dyes ng gabi kami naka uwi ng bahay. Sa Mansyon matutulog ang tatlo. Bukas ng madaling araw ang balik nila sa Korea.

Naiiyak ako kasi they really took a risk na pumunta sa Pilipinas para bisitahin lang ang isang tulad ko. I felt so special.

Sobrang na enjoy ko ang bonding namin kanina at ganoon din naman ang tatlo. Nakita ko kung gaano sila kasaya.

Sobrang hype kanina ni V. Game na game siya sa mga rides. May muntik nang makakilala sa kanya pero buti nalang dumating ako at sinabing 'guni guni mo lang iyon, te. Imposible nandito ang nag iisang Taehyung.'

Madami naman nakain na street foods si Jhope. Favorite niya daw yung paa ng manok at isaw. Hindi naman siya nakawala kay V. Palagi kasi siyang sinasama ni V sa rides kahit na ayaw talaga ni Jhope sumakay. Pinipilit siya ni V kaya ayun nong bumyahe kami pauwi. Nakatulog siys sa sobrang pagod.

Lastly, si Jungkook. Ang saya saya niya daw. Sinabi niya iyon kanina habang nasa Van kami. Nabusog daw siya sa pagkain ng mga street foods at na enjoy niya rin daw ang pag sakay sa mga rides.

Bukod doon, may gusto siyang sabihin sa akin. Curious ako kung ano ba talaga ang sasabihin niya. Last year niya pa iyan binabanggit eh. May sasabihin daw siya pero hindi niya naman sinasabi.

Napaka importante ba iyon na ikakagulat ko? Sa sobrang importante ay hindi siya makahanap ng tyempo para sabihin lang iyon.

Nakahiga na ako sa kama habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang itsura ni Jungkook.

Sobrang gwapo niya talaga. My Ghod! Well, lahat naman talaga sila pero kanina talaga ibang iba ang aura niya. Last year ang cute cute niyang bata, parang ang sarap ibulsa pero ngayon feeling ko nag-mature na siya. Yung katawan at kung paano siya kumilos. Wala pa ngang isang buwang no'ng sila umuwi galing bakasyon pero malaki na ang pagbabago niya.

Namula ako sa iniisip ko.

"Ang swerte ng magiging girlfriend mo," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin na sa poster ni Jungkook.

Ewan pero na-a-attach na ako sa kanya.

Lord naman!

Huwag niyo ho akong hayaan mahulog sa katulad niya. Malaki pa ang tyansa magkatuluyan kami ni Alexander sungit pero si Jungkook. Sobrang imposible po!

______

Alas kwatro ng umaga ang flight nila kaya alas tress palang, gising na ako. Tulog pa sina mama at mga kuya ko pero nakapag paaalam naman ako sa kanila na gigising ako ng alas tress para mag paalam sa tatlo.

Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Baka kasi umalis sila ng mas maaga. Hindi na ako nag abala pa magpalit ng damit. Nakapang tulog pa ako pero kahit papaano naman ay nagsuklay na ako, naghilamos ng mukha at nakapag tooth brush na.

Paglabas ko ng gate ng bahay namin. Natanaw kong nakaparada na sa labas  ang Van na sasakyan nila.

Bigla akong napayakap sa sarili dahil sa lamig. Nakalimutan ko yung Jacket ko.

Jusko!

Nakita ko si Manong Kardo na lumabas ng gate.

Tumakbo ako papunta sa kanya.

"Manong. Nasaan po sila?"

MY EUPHORIA (MSAPO ending new version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon