Chapter 18 - Part 1 of 2

17.7K 329 15
                                    

Published: February 22, 2013

God bless everyone!

#dean

********

CHAPTER 18 - Part 1 of 2

 

            Pasado alas-otso na nang makarating si Liam sa party ng pinsang si Andy Woo kasama ang asawa nitong si Jade.  (Remember them? Ang love team ko sa FOREVER WITH YOU KimXi din yan. J kaya sa mga hindi pa nakabasa, cute din ang love story nilang dalawa! Hehe may plug pa talaga! ^_^v)

            “Hey, bro…”  Si Liam na niyakap pa ang pinsan.  Magkapatid kasi ang mga mother nila.  Pero dalawang taon rin naman ang tanda nito sa kanya.  “Happy Birthday!” 

            “Thanks, bro!”  Tinapik pa niya iyon sa balikat.  “Wala ka pa ring kasamang girlfriend?”  Usisa pa nito.

            Napatawa lang naman siya sa sinabing iyon ng pinsan.  “May nilakad kasi sila nung mother niya and besides, ang kulit mo lang kasi kaya ako pumunta.  You knew too well that I hate parties.”

            “I know,”  Tumango rin naman ito. 

            “You’re looking great, ate Jade.”  Bati naman niya sa magandang asawa nito.

            “Thanks, Liam…”  Matamis namang ngumiti si Jade.  “Sayang naman kagwapuhan mo kung wala ka man lang pang-display ngayon.”

            “Oo nga e…”  Napakamot pa siya ng ulo.

            “Nandito nga pala si Sarah a.”  Luminga pa ito sa paligid para hanapin ang ex-girlfriend nito.

            “'Wag ka na maghanap, bro.”  Saway pa niya dito.  “I don’t have any  plans to rub elbows with her.”  Umiling pa siya dito.

            Si Andy naman ang napatawa nang malakas.  “Seems to me that you’re not interested to see her anymore.”

            “Well, it’s not like that but past is past diba, ate Jade?”  Kumindat pa ito.

            “I agree.”  Tumango rin naman si Jade.

            “Well then, suit yourself.”  Si Andy.  “Balikan kita, okay?  Kumain ka lang muna d'yan.”

            “Sure. Oh here!”  Inabot pa niya dito ang mamahaling alak.

            “Liam, bawal na sa akin ‘to,”  Napakamot pa siya ng ulo.  “Pinagbawalan ako ng misis ko.”

            “Really?”  Napakamot rin naman siya ng ulo.  “E 'di kayong dalawa ang uminom. Most probably, it can boost your stamina on--”  Ibinitin pa niya ang salita.

            “I got that!  Jeez...” Muli ay napatawa ito nang malakas.  “I am a feisty person, but thanks anyway.”  Muli ay tinapik niya iyon sa balikat.  “I’ll get back to you, okay?”

            “No prob.”  Tumango lang din siya at nakipag-kuwentuhan na lang muna din sa iba pa niyang kakilala.  Wala rin naman siya sa kundisyong kumain lalo pa nga’t alam niyang mapapasabak din siya sa inuman.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon