Chapter 27 - Part 2 of 3

15K 358 16
                                    


so... paano ba? basa na lang? hehe :) bitin pa rin eh! haha salamat po sa lahat ng readers ko! super happy na napapasaya ko kayo at napapasaya nyo rin naman ako! God bless po!

<3 ate dean :)

*********

 CHAPTER 27 - Part 2 of 3

            Kaya naman matapos ang insidenteng iyon ay nag-focus na lamang din si Corine sa trabaho.  Ayaw na lang din niyang mag-isip dahil kahit na ano pa man ang masakit na sinabi ng nobyo, hindi niya kayang sukuan ang pagmamahalan nila.  Pero panandalian muna rin siyang magpapahinga. Panandalian lang.

            “Hi Corine!”  Si Gerald na mas madalas nang dalawin siya sa opisina niya.

            “Hi.”  Alanganin pang bati niya sa lalaki.  Gusto man sana niyang iwasan ito upang hindi siya pag-isipan ng nobyo pero hindi naman siya nagiging fair dito lalo pa nga’t nakikipag-kaibigan lang naman talaga ito.

            “Sama ka sa gimik namin later?”

            “Gimik?”  Wala pa sa loob na napatingin sa papadaang nobyo.  Nagkunwari na lang siyang hindi ito nakikita at mabilis ding sumagot sa tanong na iyon ni Gerald.  “Sure!  Sama ako sa gimik na 'yan!  Count me in!”  Sadya pa niya iyong pinadinig sa nobyo na ewan lang niya kung narinig ba talaga siya o nagpatay malisya lang.

            “Sure ka?  Sasama ka talaga?”  Agad pang nagliwanag ang mukha nito.

            “Oo naman!”  Malakas pang sagot niya.  Alam niyang sapat na ang lakas ng boses niya para maringgan iyon ng nobyo na hindi kalayuan sa kanya.  Kinakausap kasi nito ang secretary nitong medyo malapit sa pinto.

            “Sige!  I’m sure, mage-enjoy ka!”

            “Sana nga.”  Tipid pa siyang napangiti.  Sa totoo lang ay hindi naman talaga siya sigurado sa sagot pero dahil sa inis ay naka-oo tuloy siya nang wala sa oras.

            Kaya naman kinagabihan, sinundo siya ni Gerald sa apartment niya.  Simula kasi nang gumanda na rin ang kalusugan ng mga magulang ay kinumbinsi siya ng mga ito na kumuha muna nang matitirhang malapit lang sa trabaho niya para daw hindi siya masyadong napapagod sa byahe.

            “Okay na ba ‘tong suot ko?”  Alanganin pa si Corine lalo pa nga’t hindi naman talaga siya sanay ng nakamini-skirt.  Akala kasi niya’y may malinis pa siyang pants iyon naman pala ay wala na.

            “You look beautiful.  Tara na!”  Hindi naman nito alintana na naiilang iyon sa suot.

            Pagbukas pa lang ng van ay binati na rin siya ng mga kasamahan niya sa trabaho na kasama rin sa gimik na iyon.  Pero gayon na lang din ang gulat niya ng saktong sasakay na siya ay tsaka na lang niya napansin si Liam na nag-iisang nakaupo sa unang row ng upuan sa van.

            “Niyaya ko nga pala si sir Liam kaya join na rin siya!”  Nakangiting sabi pa ni Gerald.

            “Good evening, sir…”  Mapait na bati lang niya dito at naupo sa ikalawang row.

            “Corine, ako na lang d'yan, dito ka na sa tabi ni sir.”  Si Gerald na palihim pa siyang kinindatan.

            “Okay na ako dito. Ikaw na lang diyan.”  Sagot naman niya at wala siyang balak na magpapilit.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon