Chapter 25

14.9K 299 11
                                    

Published: April 21, 2013

like i said before, hanggang chap 30 na lang po ito.  yung remaining chapters, medyo mahahaba pa (sa tantiya ko lang wahahaha)... still, long way to go hehe but thank u, from the bottom of my heart. pang famas lang ang peg wahaha oh well, basta salamat po sa mga inabala ko sa pagbabasa nito. :)  for now, enjoy! :)

will liam regain his memory again?  agad-agad kaya? :)

*********

CHAPTER 25

 

            Hindi naging madali ang mga sumunod na araw kay Corine.  Papaano naman kasi’y tila mapanadyang lahat na lang ng mga empleyado doon ay inuutusan siya.  Pakiramdam niya’y may nag-uutos sa mga ito na pahirapan talaga siya!

            “Hello Corine!”  Si Ian!  “Have you been enjoying yourself lately?”  Nakangisi pang tanong nito.

            “Oo naman!”  Masaya pang sagot niya.  Gusto lang niyang ipakita dito na hindi siya basta-basta susuko.

            “Really?”  Duda pang tanong lang nito.  “We’ll see about that. Besides, ilang days ka pa lang naman dito. More to go.”  Makahulugan pang bitaw nito.

            Sa mga pagkakataong iyon ay gusto niyang manapok ng tao.  Pero pilit pa rin niyang pinakalma ang sarili at pinagtuunan na lang nang pansin ang ginagawa.

           

            “Ms. Corine.”  As usual, si mang Arturo.

            “Coffee po ba mang Arturo?”  Hindi pa man natatapos ang ginagawa niya ay panibagong utos na naman ulit.  Gayon pa man, ang pagdadala ng kape sa nobyo ang pinaka-gusto niya sa lahat.

            “Pasensya ka na, Corine. Napag-uutusan lang.”  Pabulong pang sabi nito.

            “Okay lang po,”  Tipid pa siyang ngumiti dito. 

            “Kina sir Liam at ma’am Sarah,”  Mahigpit na bilin pa nito.

            “Mang Arturo, puwede pong magtanong?”  Sumimple pa siya dito.

            “A-ano 'yun?”  Luminga-linga pa ito sa paligid sa pag-aalalang makita siya ni Sarah o kaya ni Ian.

            “Palagi po bang nandito ang Sarah na 'yan even before mapunta ng America si sir Liam?”  Kaswal pang tanong niya.

            “Ay oo!”  Mabilis din namang sagot nito.  “Major stockholder din kasi ang family nila sa company nila sir Liam.  Balita ko nga, banko nila ma'am Sarah ang nagpautang sa company para sa business expansion nito.”

            “Talaga?”  Sa pakiwari niya’y pader talaga ang binabangga niya.  Gayon pa man, hinding-hindi siya susuko!

            “Pero dati, parang casual lang sila. Alam ko pa nga noon may ibang girlfriend si sir Liam.”  Napaisip pa ito.

            “Talaga po?”  Bigla siyang na-excite sa maaaring naikuwento nang nobyo tungkol sa kanya.

            “Oo, palagi ngang masaya 'yun kapag tinatawagan ang girlfriend niya.  Tapos palagi ring nagpapa-deliver ng roses para dun sa babae.”  Pagku-kuwento pa nito. “Iyon nga lang hindi ko naman din nakikita pa 'yung babae.  Pero sabi ni sir Liam, sobrang ganda ng girlfriend niya.”

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon