Chapter 27 - Part 3 of 3

15.6K 369 32
                                    


Since ang bilis nyo naman nag-vote ngayon, eto na!  tantananan!!! bitin pa rin! wahahaha :D happy weekend guys!

*********

CHAPTER 27 - Part 3 of 3

            Nagpasya naman si Liam na sa condo unit na lang niya dalhin ang nahihimbing pa ring babae lalo pa nga’t tila wala sa hitsura nitong maituturo ang tamang daan pauwi sa apartment nito. 

            Maingat pa niya iyong inihiga sa bed at matapos ay napahiga lang din sa tabi nito dahil pagod sa pagbuhat dito.  At nang bahagya na siyang ma-relax ay wala pa sa loob na tinitigan ang nahihimbing pa ring babae.

            “I-I think I’m inlove with you.”  Pabulong pang sabi niya dito.  “…I don’t know for how long I’ve been in love with you but I wish to remember soon…”  Mataman pa niya iyong tinitigan at may kung ano siyang dinukot sa kanyang bulsa… ang necklace.  Pasikreto kasi niya iyong kinuha kay Sarah lalo pa nga’t unti-unti na rin siyang nagdududa kung talaga bang ito nga ang girlfriend niya.  Matapos na bahagyang matitigan ang necklace na may pendant ngang LC ay agad pa niyang isinuot iyon sa leeg ng babae.  “I think this is really yours. Please don’t let anybody claim that until the day comes that I’ll remember it all.”  Muli ay sabi niya sa tulog pa ring babae.  Wala pa sa sariling hinaplos ang mukha nito at nang mapadako ang tingin sa labi nito ay hindi niya napigilan ang sariling halikan iyon.

            “Liam, babe… I love you…”  Si Corine!

            Bahagya namang napaatras si Liam sa pag-aakalang gising na ito. 

            “I love you, Liam. I miss you…”  Dugtong pa nito.

            Napatitig lang si Liam dito at hindi naiwasang mapangiti nang mapagtantong nananaginip lang ito.  Muli niya itong ginawaran nang halik sa labi at gayon na lang din ang gulat niya nang bigla iyong tumugon sa halik niya.  Ibinuka nito ang labi na tila binibigyan siya nang pahintulot na palalimin ang paghalik.  Umikot ang kamay nito sa kanyang batok at sa halip na tumigil ay itinuloy pa rin niya ang ginawang paghalik dito.  Hindi niya naiwasan ang makaramdam nang init sa mga pagkakataong iyon pero siya na rin ang pumigil sa sarili lalo pa nga’t ayaw naman niyang pagsamantalahan ang kalasingan nito.  Bumangon na rin muna siya at iniayos nang higa ang himbing pa ring babae bago tuluyan iyong talikuran at isara ang pinto ng kanyang kwarto.

            Nahihilo pang bumangon si Corine ng umagang iyon. Pero gayon na lang din ang pagkamangha niya nang mapagtantong wala siya sa kwarto niya!  Agad niyang tiningnan at kinapa ang sarili, sa pakiwari naman niya’y wala namang masamang nangyari sa kanya.  Kaya naman agad din siyang bumangon at nagmamadaling lumabas ng kwarto.  At gayon na lang din ang gulat niya ng abutan ang nobyo na nasa kusina at naka boxer shorts lang!

            “Good morning,”  Nakangiting bati pa niya sa babae na noo’y halos mamula nang husto ang mukha.

            “A-anong ginagawa ko dito?”  Iniiwas na lang niya ang tingin sa nakalitaw na katawan ng nobyo.

            “You don’t remember?”  Isang pilyong idea pa ang pumasok sa isip niya.

            “R-remember w-what?”  Agad pa siyang napalunok at wari ay tapang-tapangang tumitig sa mukha ng nakangiting nobyo.

            “You were so drunk last night and you fell asleep at the main entrance. You don’t remember that?”  Mas lumapit pa siya dito.

            Pasimple naman siyang umaatras habang ang papalapit nang papalapit ang nobyo.

            “W-wala akong maalala. Paano ako napunta dito?”  Iwas ulit ang mga tingin niya.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon