Chapter 30

21.4K 382 16
                                    

Published: June 10, 2013

Supposedly, ending talaga ito... but since I came up with another idea nadagdagan pa siya ng isang kilig chapter hehe :)

So, paano ba? maraming thank you talaga!

<3 ate dean :)

********

CHAPTER 30

May kung ilang linggo pa ang nagdaan bago makakuha nang pagkakataon si Liam na palihim na makuha si Karen. Lingid sa kaalaman ng mga taong may kinalaman sa lahat nang gulong nangyayari sa kanilang pamilya, napa-imbestigahan na niya lahat nang sangkot, maging ang itinuturing na kapatid niya. At ngayon nga ay haharapin na niya ang mga iyon.

"What is this all about, Liam?" Ang kuya Ian niya na agad pang nataranta nang dumating rin ang tunay niyang ina na si Marie! Kasalukuyan silang nasa opisina nito kasama rin sina Sarah at Corine.

"Family meeting I guess..." Seryoso namang sagot lang niya sa kapatid.

"This is a complete nonsense and a waste of my precious time, Liam." Galit na sabi pa nito.

"This is very important, kuya." May diin pa ang salita nito.

Pamaya-maya ay may pumasok na ring abogado niya at pati na rin ang family lawyer ng mga Monteverde na si Atty. Pecson na putlang-putla sa mga pagkakataong iyon.

Agad namang nagkatinginan ang mag-inang Ian at Marie.

"What's happening?!" Wari ay galit pa si Ian na tinitigan ang kapatid.

"Before I start," Buwelo pa ni Liam. "I would like to inform everyone, that I remember everything. I mean everything." Makahulugan pa itong napatingin sa nagulat namang si Sarah na agad ding napayuko. Matapos ay sa kapatid siya tumingin na alam niyang namangha rin sa ipinagtapat niya at kasunod ay sa kanyang aunt Marie na mabilis ding lumapit sa kanya.

"Oh my God, Liam..." Ang kanyang aunt Marie na manghang-mangha pa at wari ay mahigpit pa siyang niyakap. "I'm glad to hear that Liam. Thank God."

Sa halip na sumagot ay inalalayan lang ulit niya itong maupo at tsaka muling nagsalita.

"And I remember too well, that Corine is my girlfriend and not Sarah." Makahulugan pa nitong pinagpalitan nang tingin sina Ian at Sarah na kulang na lang talaga ay malusaw sa mga tingin niya sa mga pagkakataong iyon.

"I-i--" Hindi naman malaman ni Sarah ang isasagot kaya't itinikom na lang muna rin niya ang bibig. Kulang na lang talaga ay lumubog na rin siya sa kinakaupuan.

"Just cut the drama, Liam! And, go straight to the point." Pilit pa ring nagpapakatapang si Ian.

"You're the one who fed me that Sarah was my girlfriend. Why do you have to do that?" Hindi na nga siya nagpaliguy-ligoy pa.

"She's the right girl for you. Masama na bang isipin ko ang mas makakabuti sa'yo?" Kunot-noo pa siya dito.

"Why do you have to keep Karen away from me?" Kasunod na tanong niya.

"I-i--" Nangangapa siya nang isasagot lalo pa nga't nawawala rin si Karen ilang araw na ang nakakalipas. "I was just too busy at work!" Mabilis pang pagdadahilan niya. "Hindi ko ba siya na-mention sa'yo? I am really sorry bro." Alanganin pa itong napangiti. "But she's safe with me. Don't worry about her." Makahulugan pa itong napatingin sa ina na noo'y namumutla na rin talaga.

"Really?" Nagtaas siya ng kilay at muling bumuwelo nang salita. "I knew everything, kuya." Malungkot pang sabi lang niya dito. "Everything." Unti-unti ring tumalim ang mga tingin niya sa mga ito.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon