MAXSPAUN MOON : PART 6

179K 5.8K 6.5K
                                    

CHAPTER 11 : MAXSPAUN MOON PART 6

"DADDY, CAN you get my chess board please?"pakiusap ni Maxspaun habang nagpapahinga matapos ang nakapapagod nitong ensayo sa maghapon. Naroon sila sa sala at nanonood ng kids show tungkol sa Math.

Nagkasulyapan ang mag-asawa saka pabuntong-hiningang lumapit si Deib Lohr sa anak. Nahiga siya sa tabi nito sa sofa.

"Spaun..." inayos niya ang bagsak na buhok ng anak sa gilid ng noo nito. Napangiti siya nang matitigan ang tila kumikinang na kutis ng anak. "Ano'ng sinabi ni mommy tungkol sa paglalaro?"

Natigilan si Spaun, nawala ang excitement. Mukhang nalimutan nito ang napag-usapan tungkol sa paglalaro. Bagay na kailan lang nang mapag-usapan nila.

"But...it's just chess, daddy," napabuntong-hininga si Spaun at ngumuso. Maging ang kaniyang mga kilay ay salubong.

"Spaun, listen," inakbayan ni Deib Lohr ang anak. "Pinili mo rin ang ensayo, hindi ba?"

"Yes, dad."

"Ibig sabihin, tinanggap mo rin ang kondisyon na hindi ka pwedeng maglaro habang nag-eensayo." Ang tono ni Deib Lohr ay nagpapaintindi pero ang awa para sa anak ang nakarehistro sa buo niyang mukha.

"But I'm not doing anything, papa. Can't I play chess for a while? Before we go to sleep."

"Kailangan mo rin kasing magpahinga dahil bata ka pa. Hindi madali 'yong ginagawa mo sa ensay, kailangan mo ring magpahinga. Darating ka sa point na kahit pagod ka na, hindi ka makapagpapahinga. Trust me, pinagdaanan ko rin 'yon."

"But...papa...it's just chess." Mapilit si Spaun. "Hindi naman po nakakapagod 'yon. Nakaupo po ako kapag naglalaro ng chess, papa."

"Spaun?" nakakabilib ang pagiging mahinahon ni Deib Lohr. "Napag-usapan na natin ito, hindi ba?" mahirap para sa kaniya na ipilit ang kultura ng kinabibilangan nitong pamilya. Gayong napakadali para sa kanyang ibigay ang gusto nito.

Kung si Deib Lohr ang papipiliin, mas gugustuhin niyang umuwi nang marungis at pagod ang anak niya galing sa magdamag na paglalaro sa kalsada kasama ang ibang bata.

Pero hindi lang siya ang magulang. Hindi lang siya ang nagdedesisyon. Naiintindihan niya na rin ang ilan sa mga batas ng kaniyang asawa at lumalaki nilang pamilya. At sigurado siyang ito ang makatutulong kay Spaun. Bukod sa ito rin ang pinili ng kaniyang anak at talagang katuwang ng ginagawa nito ang sakripisyo at ilang mga kondisyon.

"Chess lang 'yon pero kailangan mong mag-isip sa chess. Nakakapagod din 'yon. Kakainin lang ng paglalaro ang energy mo, anak."

"But that's what normal kids do, tatay. Naglalaro po sila kapag bored."

Nasasaktan siya pero hindi niya 'yon maaaring ipakita sa anak niya. Masakit marinig ang linyang iyon mula sa anak niya.

"Listen, Spaun. Nang sandaling piliin mo ang ensayo, naging iba ka na sa mga normal na batang tinutukoy mo. Naiintindihan mo ba si tatay?"

Lumaylay ang mga balikat ni Spaun. Ang totoo, hindi niya naiintindihan kung bakit. Naiintindihan niya ang ama kung bakit siya nito pinipigilan. Pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi pwedeng maglaro ng chess habang nagpapahinga.

Hindi niya nauunawaan ang batas. Pero alam niyang kailangan niyang sumunod sa mga magulang. Gusto niyang maglaro. Pero ayaw rin niyang huminto sa ensayo.

Tumitig si Spaun sa ama saka nag-iwas ng tingin. "Fine. I understand, papa."

Napabuntong-hininga na lang si Deib Lohr. "Get some rest, son. Bukas lang, babalik ka na ulit sa practice mo."

MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon