MAXSPAUN MOON : PART 9

129K 3K 1.8K
                                    


CHAPTER 14 : MAXSPAUN MOON PART 9

"GOOD MORNING, Uncle Maxwell." Binati agad ito ni Maxspaun nang maratnan sa sala na nagkakape. Tumango siya nang malapitan ito.

"Good morning, Maxspaun." Ngumiti si Maxwell saka sumulyap sa relo. "You're a little early."

"It's my first day with the cheotjae."

"Hmm." Sumulyap si Maxwell sa ikalawang palapag ng bahay, naroon na ang cheotjae, kalalabas lang mula sa kuwarto. "That means you're excited?"

Ngumiwi si Spaun. "More like anxious."

"What makes you feel that way?"

"You know how good she is, uncle."

"You're right." Humalakhak si Maxwell. "Listen, they're not going to go easy on you, none of us actually will. But trust me, and I promise you, they'll protect you. We will protect you."

Ngumiti si Maxspaun, nireshistro sa isip ang ibig sabihin ng tiyuhin. Madaling pakinggan ang mga gano'ng salita. Pero mahirap na 'yong tandaan kapag nasa ensayo na siya. Hindi niya malimutan ang pinagdaanan sa kamay ni Heurt. Hanggang sa sandaling 'yon, may masakit sa katawan niya mula sa ensayo kasama ang lola sa ina. Pero heto, ang cheotjae naman ang haharapin niya.

Gayunman, tama ang tiyuhin, halatang ginagawa ng pamilya ang lahat para protektahan siya. Kailan lang nang malito siya kung sino ang unang sasagutin nang magsipagtakbuhan papalapit ang mga ito nang mahulog siya mula sa sanga ng puno. Hindi niya rin malilimutan nang magalit ang tiyuhing ito nang minsang mahirapang asikasuhin ang sugat niya dahil nakaharang ang nag-aalalang pamilya.

Hindi nga lang maintindihan ni Maxspaun kung bakit siya isinalang sa ganitong kultura ng kanilang pamilya kung mag-aalala rin lang nang gano'n ang mga ito. Ano ba naman iyong pinalaki-laki muna siya ng kaunti, para mas may kakayanan siya sa maraming bagay.

"Good morning, sweetheart," bati ni Yaz.

"Good morning, Aunt Yaz." Ngumiti si Spaun at sinuyod ng tingin ang kambal. "Hello, Maximillian, Maximilienne. Are you going to stay here for good?"Masaya lalo si Spaun kapag naroon ang kambal, lagi niyang napapangiti ang mga ito.

"No, we're not." Nalungkot man, naro'n pa rin ang ngiti ni Yaz.

"Why not?"

Ngumiti nang walang mata si Yaz. "Hindi ko kasi gusto ang design ng bahay ninyo. Masyadong plain. Madilim din, dahil sa theme na siguradong choice ng mommy mo. Lalo na 'yong kitchen, ang dilim at napaka-dull."

"Ha?" napakainosente ni Maxspaun.

Nilingon ni Yaz ang asawa matapos nitong haplusin bewang niya. Nakangiti at maamong sinita ng tingin ni Maxwell ang asawa, sa gano'ng paraan pinipigilan si Yaz na laitin ang bahay ng kapatid. Walang palitan ng salita pero nagkaintindihan ang dalawa.

"I mean, may sarili kasi kaming bahay, Spaun. Nandito lang kami para sa 'yo na practice."

"But you're not doing anything to help me with my practice," deretsong tugon ni Spaun, umawang ang labi ng mag-asawa. "You're just sitting and watching me, right, Aunt Yaz?"

Umarko ang kilay ni Yaz pero napilitang ngumiti. Normal kay Spaun 'yon, ang magsabi nang totoo kahit nakaiinsulto. Isa pa, nasa dugo 'yon ng mga Moon.

"I mean, you need a doctor. Si Maxwell ang gumagamot sa mga sugat mo, hindi ba?"

"Yeah, but...my mom's a doctor too."

"You're not actually trying to question my presence here, 'no, kid?" ngisi ni Maxwell.

MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon