Chapter 16 - Mother

53 15 9
                                    

Chapter 16 - Mother


THIRD PERSON'S POV

TAIMTIM na napapa-isip si Rhianne ngayong wala na siyang makuhang balita tungkol sa kalagayan ng isa pa niyang anak. Ngayong pumanaw na si Fely Gamboa, wala rin siyang koneksyon tungkol sa nurse kung saan iniwan niya si Emmanuel. Alam niyang malaki ang kanyang pagkakamali at utang sa anak, at kung nabubuhay man ito ngayon ay hiling niya'y nasa maayos at mabuti itong kalagayan.

Kasalukuyang nasa sementeryo si Rhianne upang dalawin ang kanyang namayapang ina. Habang-buhay niyang dadalhin ang pagsisisi sa lahat ng nagawa niyang pagkukulang bilang anak matapos piliin ang desisyon na bumago sa estado ng kanyang buhay. Hindi man lang siya nakahingi ng tawad bago ito mawala kaya't labis ang sakit na dulot nito bilang isa na ring ina.

Maaliwalas ang sikat ng araw at preskong-presko ang dala niyang mga bulaklak. Siya mismo ang pumitas nito at naghanda bilang pasalubong sa malinis nitong puntod. Napapalibutan ito ng bermuda grass at bakante rin ang lupang katabi nito.

Ilang saglit lang ay narinig ni Rhianne ang paghinto ng isang sasakyan. Wari niya'y sinusundo na siya ni Scott.

"Ma, sana pumasa ako sa MCAT (Medical College Admission Test), I'm planning to proceed to med school sana."

Bahagyang napakagat ng ibabang labi si Rhianne matapos marinig ang inihaing balita ng anak. Ngayon ay nasa daan silang dalawa at hinahatid siya nito pauwi. Maluwag din ang daloy ng kanilang biyahe at walang gaanong sasakyan sa paligid.

Tunay ngang namana ni Scott ang pagkahilig nito sa siyensya at pagtulong sa kapwa. Ganito rin kasi ang kinalakihan niya kasama ang kanyang pamilya simula ng sumali siya bilang isang volunteer sa mga programa ng kanilang kompanya.

*Flashback*

Kasama ang kanyang mga kapatid na sina Irene at Ivy ay naging lantad ang kanilang kaalaman sa mga voluntary activities. At sa hindi inaakalang pagkakataon ay doon unang nagtagpo ang landas nila ni David.

Lingid sa kaalaman ni Rhianne ay dati palang nobyo ni Irene si David. Matagal na panahon na rin silang magkahiwalay kung kaya ay naibaon na rin ang mga ala-ala nila sa limot.

Hindi nagtagal ay nahulog ang loob ni Rhianne kay David. Sobra ito kung msgsumikap upang maipanalo ang inaasam niyang 'oo'. Si Irene rin ang una niyang sinabihan tungkol sa relasyon nila at masaya itong nagbigay suporta para sa pagmamahalan nilang dalawa.

Subalit mapait ang tadhana para sa kanila. Tutol ang kanyang ama sa dahilang hindi ito mayaman. Pina-imbestigahan nito si David at napag-alaman na anak ito ng isang serial killer. Isang malaking malas ang pagtingin nito kay David ngunit hindi ito nagbigay ng dahilan para itaboy niya ang nabuo nilang pagsasama.

*End of Flashback*

Hanggang sa ngayon ay naka-ukit pa rin sa isipan ni Rhianne ang tanong kung bakit bigla-bigla nalang nagbago si David. Kung marahil ay mabibigyan siya ng tamang kasagutan ay matatanggap niya kung bakit umanib nalang ang loob nito sa kadiliman.

"Ayaw mo bang mag-trabaho sa Premiér? Pwede naman kitang maipasok don." suhestyon niya kay Scott upang hindi na ito masyadong mapagod kaka-aral.

Matapos malaman ang nangyari sa isa sa mga kaibigan ng kanyang anak ay hindi niya mapigilang kutuban ng masama. Dasal na lamang niya na hindi magiging totoo kung anoman ang tumatakbo sa kanyang isipan.

Na sana hindi makuha ni Scott ang serial killer gene mula kay David.

"Ma, alam mo naman na I'm planning to be the first neurosurgeon sa pamilya natin 'di ba? Ayaw mo non, may doctor ka ng anak?" pagbibiro pa nito sa kanya.

SuspectsWhere stories live. Discover now