Kabanata 2

391 20 18
                                    


Fear not

MABILIS SIYANG napabangon sa kama at hingal na hingal pa habang hawak ang dibdib na malakas ang pagkabog, another dream woke her up. Hindi niya alam kung panaginip lang ba iyon o isang alaala ng kanyang nakaraan. It was her and her husband Gael, under the same umbrella while the rain was pouring.

Napatingin siya sa orasan, tanghali pa lang pala at wala pang kalahating araw mula nang umalis si Gael. Nakatulog siya dahil sa pagod sa ginawa nila buong umaga nina Lolita at Mandy. Ang dalawa ay nagtungo na bayan para maibenta ang mga ginawa nilang mga accessories. Siya ay nanatili sa bahay kagaya ng mahigpit na bilin ni Gael. Ang alam niya ay matiyagang nagtatrabaho ang asawa para may pangkain sila at makabili ng mga gamot na iniinom niya.

"Viana!"

May kumatok sa pinto ng bahay nila kaya naman napilitan siyang lumabas ng kwarto at puntahan iyon, it was Manang Lucil, Lolita's mother. May dala itong isang plastic container na alam niyang ulam ang laman.

"Bilin ni Gael na ipagluto kita ng tanghalian at hapunan dahil maghapon siyang mawawala. May kanin na rin 'yan. Mamaya ay babalik ako para sa iyong hapunan." Inabot nito sa kanya ang hawak.

"Salamat po," sabi niya at kumaway sa matanda nang paalis na ito.

She sighed, she didn't want to be just like this. Hindi niya gusto kung paano tumatakbo ang buhay niya ngayon. She felt like something is wrong with her surroundings, even with her. Just her whole existence in this place was underwhelming, it didn't match her energy. Hindi siya naniniwalang ganito lang siya noon pa man o noong simula nang pakasalan niya si Gael. Tanging iisang litrato lang ang pinapakita nito sa kanya at hindi niya maalala kung saan iyon kinuhanan. Ang alam niya lang ay kapwa silang masaya sa litratong iyon. Her smile was true and the way how he looked at her on that picture was full of affection while also smiling so wide. Siya lang ang nakatingin sa kumukuha ng litrato habang si Gael ay nasa kanya ang buong atensyon at malaki ang ngiti. He looks like he is happy when she's happy. Magkahawak ang kamay nila, parang walang makapaghihiwalay sa kanila.

He said that was his favorite photo of them. Iyon lang ang may hard copy siya out of those picture na nasa cellphone lang nito. He said it was a special day for both of them, but she didn't know what happens in that photograph.

She ate the food Manang Lucil brought to her. Ang pamilya ni Lolita ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni Gael pagdating sa kanya. Minsan nga ay kapag hindi talaga ito makauwi ay sa bahay pa ng mga ito siya pinapatulog ng asawa o si Lolita at Mandy minsan ang kasama niyang natutulog sa bahay nila.

"Adi."

Mabilis niyang naingat ang ulo niya nang marinig ang boses ni Gael. She smiled at him and surprisingly, he smiled too. Mabilis itong lumapit sa kanya at hinalikan ang noo niya. Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na tansi at mga beads, mabuti na lang ay nahila niya ang kaluluwa niya pabalik sa katawan niya.

"Napaaga ang uwi mo," sabi niya sa asawa.

"Maagang natapos ang trabaho ko. Ayaw mo ba iyon? May oras na ulit ako sa iyo," sagot nito at may dinukot sa bulsa ng maong na shorts.

Nanliwanag ang mga mata niya nang makitang dala nito ang ipinangakong pasalubong sa kanya.

"Of course, I won't forget that. Bumili rin ako ng snacks, you can call your friends to join us," sabi ni Gael at pinagmasdan si Adi na wala na sa kanya ang atensyon kung hindi nasa mga asul na beads na. Iba't iba ang laki ng mga iyon. She can make a lot of beautiful bracelets through that.

"Adi," malambing niyang sambit sa pangalan ng asawa na siya lang ang may karapatan tawagin ang dalaga ng ganoon.

She is smiling while using those blue beads. Hinayaan niya muna ito at pinanood na lang, he was so glad that her playful personality came back. It was a right to decision to move out from that toxic place that almost killed his Adi. Sana lang ay noon niya pa ginawa, hindi na sana pa umabot sa ganito ang lahat. Nagsisisi siya na palagi siyang wala sa tabi ng asawa noong mga panahong kailangan siya nito. Her first pregnancy was a rough one, she didn't even...

Aligning The Stars (After School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon