Kabanata 27

242 6 17
                                    

The Three of Them

Gael

Present...

Isa iyong napakasamang panaginip, bangungot kung tawagin dahil hindi mo na naiisin pang maulit iyon o kahit dumaan lang sa iyong isipan. Hindi ko alam kung paano ko nakayang buhatin ang walang buhay na katawan ng asawa ko noong panahong iyon. Sigaw nang sigaw sa akin si mommy pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya dahil sa sobrang pagkataranta.

Why did she do that? Wala akong ideya. Wala akong alam, siguro dahil wala ako sa tabi niya noong mga oras na kailangan niya ako. I never meant to make her feel neglected. I was feeling guilty the whole time because I was blaming myself for not being there, her miscarriages brought a lot of pain in my heart. I failed to be a husband and a father, too bad that she shouldered all the sufferings.

"Gael..."

I was in deep slumber when I heard her voice. Am I dreaming again?

Then, a memory of her, in my arms, holding her to her last thin lifeline. My poor Adi...

"Gael!"

Napabangon nang wala sa wisyo at muntik pa akong matumba dahil sa naramdamang hilo sa biglaang pagtayo. Kaagad na dumapo ang mga mata ko sa asawa kong dilat na dilat ang mga mata at parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Mabilis kong tinungo ang kama niya kahit wala pa sa ulirat. Labis-labis ang pagkasabik ko sa kanya at wala na yatang mapagsidlan ang kaligayahan ko sa loob at umapaw na iyon sa labas sa pamamagitan ng mga luha.

"Adi, oh, thank God, you're awake." Mahigpit pero maingat ang pagyakap ko sa kanya.

"Gael, I miss you," napapaos niyang bulong habang nakakapit sa akin na parang anumang oras ay mawawala ako.

I missed her too, so much. Akala ko ay mawawala na naman siya sa akin sa pangalawang pagkakataon. Milgro na lang na kinaya ko noong una pero kung mauulit ay gusto ko na lang ding sumama sa kanya. I can't bear seeing her in that state once again, parang pinapatay ako bawat oras na lumilipas, parang kandilang nauupos.

"Wala bang masakit sa iyo? Ayos ka lang ba?" tanong ko at pinindot ang buton sa uluhan niya para tumawag ng nurse.

Kailangan niyang matingnan nang mabuti lalo na at buntis siya ngayon. Hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa kanya ang balitang iyon, sigurado naman akong matutuwa siya ngunit magtatanong din kung paanong nabuntis pa siya sa kabila ng pangingialam ko sa buhay niya. Hindi ko dapat iyon ginawa, masyado akong nagmagaling at pinangunahan pa ang napakalaking desisyon na dapat siya ang gumawa. Puro na lang pagkakamali ang nagagawa simula nang ikasal kami. Ang pagpili lang yata sa kanya bilang asawa ko ang nagawa kong tama.

"Gael, nakakaalala na ako," biglaan niyang sabi na ikinagulat ko pati na ang mga doktor na tapos na sana siyang tingnan.

"You what? Come again?" Lumapit ako sa kanya kahit pa nasa palibot pa niya ang mga doktor at nurse.

"Para kang sira, sabi ko nakakaalala na ako. Hindi ba dapat ay matuwa ka?" Nanunukso ang mga ngiti niya pero hindi ako natutuwa.

Walang nakakatuwa na nakakaalala na siya, ibig sabihin lang ay naalala na rin niya kung paano ako naging pabayang asawa noon. Hindi ko na iyon mababawi at maalis sa isipan niya.

"Wala namang masakit sa akin. Okay lang ako, Gael," sabi pa niya ulit. Tumingin siya sa mga doktor na may tinanong ulit sa kanya bago siya pinakawalan.

Ako naman ang magtatanong ngayon. Pagkatapos ng mga nalaman ko sa Psychiatrist niya noong isang araw, hindi na naubos ang mga hinuha ko at mga tanong. Sa dami ng mga pinagdaanan niya, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong unawain.

Aligning The Stars (After School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon