Wakas

450 17 21
                                    

Aligned Stars

Aliviana

"How's the case of Mr. Morales? Did you win?" tanong ko kay Gael na kauuwi lang mula sa hearing.

Ngumiti siya. "Of course, ako pa ba?"

Pabiro ko siyang inirapan. "Ang yabang! Ano ang nangyari?"

"Si Bryce ay mapupunta sa Rehabilitation Center, 2 years siya doon sa loob o hanggang sa gumaling siya." Nag-inat siya at kaagad na lang binagsak ang katawan sa kama.

"Just like how they wanted. Congratulations, Attorney Veda, you did great!" Dahan-dahan akong yumuko sapo ang hindi kalakihang tiyan para tanggalin ang sapatos niya.

"Adi, don't do that, maiipit ang tiyan mo. Hayaan mo na ako," sabi niya at inalalayan akong umupo sa kama.

"Pagod ka, hindi ba? Gusto kitang asikasuhin," sabi ko at ngumuso. Napapabayaan ko na naman siya.

"I'm okay, Adi. Pinahinga ko lang ang likod ko, hindi naman ako masyadong pagod. I am used to it. Buntis ka at ikaw dapat ang inaalagaan." Inalis niya ang sapatos at dumiretso ng banyo para maglinis ng katawan.

Binalikan ko naman ang kanina kong ginagawa. Huminga ako nang malalim at pinakatitigan ang flash drive na binigay sa akin Dr. Maricar, nandito kasi ang mga ni-record na message namin nina Mia at Klare. This is the first time the I will see them talking and acting their own persona. Kinakabahan ko pero hindi rin maalis sa akin ang excitement na sa wakas ay makikita at makikilala ko na sila nang lubos.

Kinuha ko ang laptop ni Gael at bumalik sa ibabaw ng kama. Nanginginig pa ang kamay ko habang sinasaksak ang flash drive sa laptop. Naramdaman ko ang paglabas ng asawa ko sa kwarto, ang mga mata niya ay ramdam na ramdam ko ang pagtitig sa akin.

Mayroong dalawang folder na laman ang flash drive at nakapangalan ang bawat isa kay Mia at Klare. Tumabi sa akin si Gael at pinagmasdan ang ginagawa ko.

"Are you okay?" tanong niya at pinasandal ako sa katawan niya.

"I'm shaking," sagot ko na malayo sa tanong niya.

"Relax, this wil be fun. Kanino mo gustong magsimula?" He takes over.

"Kay Klare, I want to meet her first." Siya talaga ang gusto kong makita. Sabi ni Dr. Santos ay maaaring nabuo siya dahil sa unang miscarriage ko.

"Okay, I'll play her video." Inayos muna ni Gael ang pagkakaupo ko bago inumpisahan ang video.

Sa simula pa lang ay ramdam ko na kakaibang emosyon lalo na nang makita ko ang sarili ko na naka-pigtail at may yakap na stuffed toy na bibe.

"What is this?" tanong ko at tinuro ang camera. No, this is Klare.

"This feels so odd." Suminghot ako at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. "That's me but it's not."

Hinagod ni Gael ang likod. "Yes, it is."

Nagpatuloy ang video at ako naman ay nag-focus na sa panonood.

"Say whatever you want to say to your mommy, she will watch this after," sabi ni Dr. Maricar.

"Oh, really? What should I say?" Klare asked in a very cute yet sweet voice.

Aligning The Stars (After School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon