Kabanata 9

228 12 24
                                    

First Dance

Aliviana

Class 2008

Ilang araw yata akong hindi nakapasok dahil sa sama ng pakiramdam ko, nakakulong lang ako sa kwarto at nakatulala sa kisame. Natulog lang yata ako buong oras nandito ako sa loob pero sabi naman ni Ate Neri ay bumabangon ako para humingi ng pagkain. Hindi ko maalalang ginawa ko iyon, siguro dahil wala na ako sa sarili, wala nang pumapasok sa utak ko.

Nagpadala ng mensahe sa akin si Caeli na marami nga raw akong na-miss na lesson at quizzes. Hindi na nga nakapagpadala ng excuse letter dahil biglaan ang pagkakasakit ko. Umalis din si mommy at daddy para sa business trip. Gusto kong humingi ng sorry dahil sa ginawa ko at sabihin ang totoo na hindi ko talaga matandaan na ginawa ko iyon. Kaya ba ganoon na lang ang mga kaklase ko sa akin? Totoo pala na malandi ako kasi kung sinu-sinong lalake ang hinahalikan ko? Bakit hindi ko alam?

Sobrang nalulungkot ako kasi wala namang makakaintindi sa akin. Hindi rin maniniwala sa akin si mommy at daddy dahil imposible naman ang sinasabi ko. Sa tingin ko ay may mali sa akin, hindi ko alam kung ano pero dumadalas ang pagkawala ng memorya ko. Sana makapagpadoktor ako para malaman ko.

Napagdesisyunan ko nang pumasok sa school nang mag-Miyerkules na. Kailangan ko nang pumasok dahil masyado na akong nahuhil, malapit na rin ang final exam at kailangan kong magsipag mag-aral para makapasok sa University na gusto ko.

"Hiramin mo na lang ang notes ko para makopya mo. Mag-che-check si Ma'am Garcia bukas, mababa raw ang grade ng hindi makakapagpasa. Ang dami pa man ding pinasulat," sabi ni Caeli at nilahad sa akin ang mga notebook na pinagsulatan.

"Thank you, sisimulan ko ng magsulat mamaya. Mamayang recess kasi ang special quiz ko kay Ma'am Marquez at Sir Gonzalez." Hindi ko na ng alam kung ano ang uunahin kong i-review.

Kinalabit ako ni Yena at pinakita ang isang letter na nakasulat sa isang short bondpaper, kinuha ko iyon at binasa. Nanlaki ang mga mata ko nang malamang excuse letter ko iyon. Wala naman akong natatandaang nagbigay ako nito.

"Gawa 'yan ni Gael. Nag-aalala kasi kami na baka hindi ka bigyan ng Special Quiz kapag wala kang excuse letter kaya gumawa siya," paliwanag ni Caeli.

Oo nga pala. Hindi ko pa siya nakakausap dahil busy na naman siya sa event next week, Junior and Senior Prom Night na kasi sa lunes. Last event para sa aming mga senior na at ga-graduate na ng high school. Sana ayain ako ni Gael na maging partner niya.

"Kung hindi nakiusap si Gael ay hindi na sana kita bibigyan ng quiz. May balak ka bang mag-kolehiyo, Viana?" tanong ni Ma'am Marquez pagkatapos ibigay ang quiz ko.

"Opo, mag-e-entrance exam po ako sa TSU at sa TAU na rin," sagot ko.

Kailangan kong magsipag mag-aral para kahit papaano ay mapantayan ko naman si Gael. Gusto kong maging deserving para maging girlfriend niya. Ayokong lait-laitin siya ng mga tao kung bakit ako pinili niya. Gusto ko ring patunayan kina mommy at daddy na kaya kong makapagtapos. Iniisip kasi nilang mahina ako at hindi ko kaya, nakakalungkot lang na wala silang tiwala sa akin.

Aligning The Stars (After School Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon