CHAPTER 16

60.7K 1.9K 1.4K
                                    

3 years later



"Sigurado ka ba talaga dyan sa desisyon mo ha, Ri?" eto ang labag sa loob na tanong sakin ni ate Yen habang nasa loob kami ng kusina ng restaurant niya. Dito agad ako dumeresto after a long tiring day of training at flight school. Sinabi ko kasi sakanya ang plano kong mag-summer job dahil malapit na mag-end of school year. Mukhang hindi nito nagustohan ang plano ko kahit ano pang explanation ang gagawin ko.

"Ate, 2 months nga lang yun. Para ka namang hindi sanay sakin e." reklamo ko habang nakaupo sa stool at lumalantak ng cake.

"Ri, pumayag akong mag-summer job ka noon kasi nasa loob lang ng campus yung naging trabaho mo. Pero yang sinasabi mong mag-aaply ka 'don sa Aviation business sa may Ortigas Center? Hindi ako papayag dyan. Aware ka naman sigurong admin staff ang kailangan nila diba? Anong alam mo sa gawaing pang-opisina?"

Nag-kibit balikat ako sabay subo sa kinain kong graham cake. "Wala. Pero kasi yung hinahanap nilang qualifications is computer literate lang. Saka contractual lang siya, 2 months to be exact. Saktong pang summer job kaya pumayag ka na please?"

"Ayoko pa rin." inoff ni Yen ang gas-stove saka hinubad ang suot na apron. "Bakit kailangan mo pang mag-trabaho? Eh financially supported naman kita? Anong point mo sa pag-trabaho 'don sa kompanyang yun?"

Uminom muna ako ng tubig bago siya sinagot. "Air Freight business kasi yun. Although malayo yun sa pinag-aralan ko kasi more on Logistic Operations yung way of management nila. But at least related parin siya sa Aviation. May matutunan parin ako 'don kahit papaano."

Napaling si Yen. "Yang mukha mo Rivah nagmumukha ng eroplano. Tumigil ka. Dito ka nalang sa restaurant ko mag-summer job. Saktong kailangan ko rin nang taga slice ng gulay at mga rekados. Less hassle na, double pay pa. Gusto mo yun?"

"Ate naman eh seryoso ako, gusto ko talagang mag-trabaho 'don. Pumayag ka na kasi."

"Ayoko nga, ano ba?"

Sumimangot ako. "Sige na pleaseee." nag-puppy eyes ako. Alam kong bibigay din 'to sakin mamaya. Si Yen pa? Konting lambing lang dito ay rurupok agad. Proven nayan sa drama nilang dalawa ng ex-girlfriend niyang si Vaughn.

"Rivah, isa. Huwag kang makulit. Huwag mo 'kong pilitin."

"Ah ganon?" naka-isip agad ako ng magandang idea. "What if sabihin ko kay Vaughn ang tungkol 'don sa---" di ko natapos ang ibang sasabihin ko dahil nilagyan ni Yen ng cake ang bibig ko. Muntik na'kong mabilaokan sa ginawa niya, buti nalang at may tubig kaya agad akong naka-inom.

"Don't even go there." aniya habang masama akong tinignan.

"Payag ka na kasi." pangungulit ko pa. "Madali lang naman yung 2 months e."

Yen sighed in defeat. Ibinalik niya ang atensyon sa nilulutong omelete saka tumango. "Sige na nga. Payag na ako."

Nakadama agad ako ng saya. "Thanks ate!" tumayo ako mula sa pagkaupo sa stool at niyakap siya ng mahigpit. Sabi ng bibigay din 'to e.

"Basta umayos ka 'don ha? Huwag kang gumawa ng kabalastugan. Huwag karing mag-pa uto sa mga lalaking trabahante 'don. Summer job ang ipinunta mo doon, Rivah at hindi makipag harutan sa mga empleyado gets?" I'm already 24 years old pero daig ko pang bata sa tuwing sinesermonan ni Ate Yen. Masyado itong overprotective pagdating sa'min ni Dalhya kaya minsan hinayaan ko nalang maging OA minsan.  

"I will." I gave her a quick kiss on the cheeks bago masayang bumalik sa stool at kinuha aking cellphone para i-text si Billie. Kaso naisip ko mas mabuti kung personal kong sasabihin rito ang tungkol sa pag-payag ni ate Yen sa pagtrabaho ko sa kompanyang ito ang nag-suggest. 

Runaway Girl  (ɢxɢ / ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon