05

77 11 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Habang buhay na maghihintay
Sa muling paghawak ng kamay
Patuloy na maghahanap
Hanggang muling makaharap






LUNA'S POV.




I am having doubts while staring at the water we boiled at the palayok. What if sumakit nga ang tiyan ko? Is this even safe? What if yung loob ng palayok ay marumi rin?


"Mayroon bang problema?" Tala suddenly asked. I faked a smile and shook my head. Nakakahiya naman sabihin na I don't trust even the palayok. Siguro I just need to be less maarte while I'm still here. 


"Gusto mo ba na gawan kita ng salabat? Maaari kita na kuhanan ng pulot pukyutan upang mas mapasarap ang salabat."


I looked at her weirdly and she looked at me the same.


"Ano ang nais mo gawin dito sa kumukulong tubig? Akala ko ay may balak ka gumawa ng tsaa o hindi kaya ay kape?"


"Iinom ako ng tubig. Tubig lang." 


"Kumukulong tubig?"


I chuckled. "Mag hihintay ako na lumamig ito." 


She said the longest 'ah' upon realizing and that made me chuckle again. She's genuinely so innocent.


"Sa susunod ay dadalhan kita rito ng tsaa at kape sa oras na makauwi ang ama ko mula sa siyudad," she said with a smile. "Gusto ko rin makatungtong sa siyudad kung saan ka nag mula."


"Bakit hindi mo tanungin ang iyong ama na isama ka roon?"


Her smile turned bittersweet. "Hindi ako makakaalis sa Pahimakas. Lalo nang hindi niya ako isasama pagkat napaparoon lamang siya para sa responsibilidad niya rito."


"Don't worry," I gave her a reassuring smile. "Dadalhin kita roon."


Umiling siya, nanatili ang ganoon na ngiti sa kanyang mga labi. "Hindi ako makakaalis sa Pahimakas, Luna. Hindi pa ngayon."












Kahimanawari, DiwaWhere stories live. Discover now