Sabi nila love is about making sacrifices, about giving and taking. After almost 2 years of being in a relationship with Cody, ngayon ko napatunayan na totoo nga ito. I think we're sacrificing a lot now dahil busy kami pareho with school and after-school activities that we hardly see each other anymore. Ngayon ay phone pals at text buddies na lang kami. Malapit na nga 'ata ako madevelop sa phone ko eh. I don't blame him though. Kahit naman din ako ay walang masyadong time at hindi makapag-effort to be with him.
And because school and school work take most of my time, ang palagi kong kasama ay ang mga classmates ko, particularly si Venice at Martin. We are almost always with each other that we became a legitimate barkada. Meron pa kaming ibang kabarkada pero kaming tatlo ang talagang naging super close. This part I never hid from Cody. He knows that I've been spending a lot of time with these two. I don't want him to find out that I've been hanging out with Martin from somewhere else and make something out of it.
Sa ilang buwan na nakakasama ko si Venice at Martin ay natutunan ko nang makisakay sa mga pahaging ni Martin. I know I should be bothered but no. Dinadaan ko na lang din sa biro ang pagpaparinig n'ya. 'Yung ibang kabarkada namin ay nagtatanong na rin. Sinasabi ni Martin that he has a crush on me pero dinadaan ko sa pagjojoke ang lahat para pagmukhaing joke lang din ang paghangang 'yon. Napapatahimik ko sila sa pagtatanong hanggang may gagawin na naman si Martin para magduda na naman sila.
Kung sila ay napapatahimik ko, ang fans club naman ni Martin ay ayaw pa rin tumigil. Tuwing nakikita nila akong mag-isa, at minsan kahit kasama pa si Venice, ay nagpaparinig sila. Never akong pumatol sa kanila kahit sumasabog na ang dibdib ko sa pagtitimpi. Pero kung ako ay tahimik, si Ven ay very vocal about how much she wants to get back at them. Kaya lang napansin ko na sa bawat araw na tumatahimik ako ay lalong lumalakas ang pagpaparinig nila.
********
"Di ba may boyfriend ka? Eh bakit panay pa rin ang pa-cute mo ha, Chloe?"
Nandito kami sa canteen ni Venice ngayon, hinihintay si Martin dumating, bago kami pumunta sa library to do a group project. Narinig ko ang lahat nang 'yon na nanggaling sa kabilang table. My name may not have been mentioned but I really have this strange feeling that it was me they're talking about. Ven discretely checked out who were at the next table and made a face when she saw them.
"Seriously Clarq, papayag ka na palagi ka lang nilang ginaganyan? Ako napupuno na sa kanila. Akala siguro nila hindi ko sila papatulan. Isang taon ka na nilang pinariringgan ah."
"Isang taon na pala 'yun? At hindi pa rin sila napapagod?"
"Ikaw din naman hindi pa napapagod eh. Hindi ka pa napapagod sa pagtanggap sa mga parinig nila."
"Hi Martin!" ang dinig kong bati ng mga haliparot sa kabilang table.
"O ayan na pala ang crush ng bayan," sabi ni Ven.
I stood up and walked up to Martin. Venice hurriedly gathered her things and followed me.
"Mr. Crush ng Bayan, late ka na. Wala na tayong matatapos n'yan. Kung makikipagharutan ka pa sa fans club eh mauuna na kami ni Ven sa lib. Sumunod ka na lang." I started to walk away but turned back around para magparinig din, "Oh and please tell your fans club that I hear everything they say. Tell them also na kanilang-kanila ka lang. Oo may boyfriend na ako at wala akong balak ipagpalit s'ya para sa 'yo. Hindi ako malandi at hindi rin ako marunong manlandi. Kung dumating ang panahon na kakailanganin kong maging malandi, sabihin mo sa kanila na sila ang una kong lalapitan para magpaturo."
