It Started With...

985 72 27
                                        


 

 

 

Part of our agreement about working on friendship is to make time for each other again. Kahit gaano ka-busy ang schedules namin sa school ay naghahanap kami ng middle point para lang makapagkita. The day after our talk, we had lunch. He said he has a long lunch break so he went to my school to have lunch with me. Pagkatapos ay bumalik din ulit s'ya sa school n'ya. 'Yung mga sumunod na araw naman ay after classes na kami nagkikita. Madalas ay sa bahay na. Mas maaga kasi ang uwian ko sa kanya kaya dumederecho na lang s'ya sa bahay namin. He even eats dinner with me and my mom.



Bumabalik na kami sa dati, 'yung nagkukulitan at naghaharutan. Nakikita ko sa kanya ang effort na itrato akong katulad ng dati. Kaya lang minsan ay bigla akong natitigilan dahil dadapuan ako ng pagkailang hanggang pati na rin s'ya ay maiilang na rin. Pero bukod sa mga ganung moments ay I'm happy to say that we're starting to laugh like we used to.




"Poopie, gusto ko ng icecream," ang sabi ko na may kasamang paglalambing.



"Icecream na naman? Hindi ka pa ba nagsasawa?"



Nandito kami ngayon sa tree house namin. Kauupo lang namin nang bigla akong nagcrave ng icecream.



"Kahapon pa 'yung last kain natin ng icecream eh."



"Kaya nga. Kahapon. Araw-araw na tayong kumakain ng icecream."



"Sige na please. Drive thru na lang tayo sa may McDo. Please..."



It didn't take long before he gave in. Nagbeautiful eyes kasi ako sa kanya habang nagmamakaawa. He really can't resist my pacute face. Ha... ha... ha!



Mga 20 minutes later ay nakabalik na ulit kami sa tree house at nagkekwentuhan habang kumakain ng sundae.



"Anong plans natin for tomorrow?" he suddenly asked.



"Ay oo nga pala. May lakad pala ako bukas. May mini reunion 'yung high school batch namin tomorrow night. Kaya wala ako dito bukas. May free time ka ba bukas ng tanghali?"



"Wala eh. One hour lang ang lunch break ko. That wouldn't be enough time to go to your school to have lunch. Male-late ako for my next subject."



"Ganun ba? Eh di sige, sa isang araw na lang tayo ulit magkita."

Each Day with HimOù les histoires vivent. Découvrez maintenant