"How was your day? Did you break any hearts today?" ang bungad sa akin ni Grant nang magkita kami sa tree house that night.
"Ako? Hindi ako heartbreaker 'no. Ikaw kaya 'yun. So, may bagong member na naman ba ang fans club mo?"
"Fans club? What are you talking about?"
"Hoy lalaki! Don't pretend like you don't know that girls are drooling over you. At ang mga babaeng 'yon ay nagtayo na 'ata ng fans club para sa 'yo."
"Tsss! Lokohin mo ang lelang mo!" he said then stuck out his tongue at me.
'Yan si Grant eh. Alam na alam n'yang maraming nagkakacrush sa kanya pero he remained humble. Ni minsan ay hindi s'ya nagyabang tungkol sa physical qualities n'ya. Minsan nga 'pag tinutukso ko pa s'ya kung gaano s'ya kagwapo ay nagbublush pa. And he never took advantage of those girls crushing on him. He respects them at kahit kailan ay hindi ako nakarinig ng pambabastos sa kanila galing sa kanya.
"Kaya ang daming nagkakagusto sa 'yo eh. Gwapo ka na, humble pa. Siguro kung naging masipag ka lang mag-aral tapos naging honor student ka eh naging complete package ka na."
"You know what they say, you can't have it all."
"Oh but there is always an exception to the rule."
"At sino naman 'yan? Si Cody?"
"O bakit, hindi ba? Ikaw na rin ang nagsabi na approve s'ya sa 'yo."
"Teka nga pala. So what's up with him? Bakit parang hindi ko naman kayo nakikitang magkasama sa school? Secretly lang ba ang panliligaw n'ya?"
"Hindi s'ya nanliligaw," ang mahinang sagot ko.
"What?! Eh ang hina naman pala talaga n'yan! Babawiin ko na 'ata ang approval ko sa kanya."
"Nag-usap kami."
"O, ano daw ang sabi?"
"Pinahiya ko daw s'ya. Napahiya daw s'ya sa 'yo."
