BTS 53- YOUR friends are my friends :)

230K 624 50
                                    

Kath’s P.O.V

Yeaaaah Home Sweet Home. Sobrang nakakapagod bumiyahe no? Naninibago yung katawan ko kasi sobrang lamig sa pinanggalingan naming tapos ang init naman dito sa Manila. Kumain muna kami ng bago kami naghiwa-hiwalay. Hindi nakami masyadong naghintay kasi after naming makuha yung mga baggage namin saktong sakto dumating yung mga sundo namin.

Namiss ko itong bed na to. Ang sarap sarap matulog dito. Hmmmmmm..

*toot*

From: Babe :*

Good Night babe :*  Ingat ka sa Nueva Ecija ha? I Love You :)))

 

To: Babe :*

Opo :) Ikaw din ingat sa Subic ha? Walang pasaway pwede? Good Night! :*

 

From: Babe:*

Hahaha yes baby good night na wag ka nang magreply :*****

Kailangan ko nang matulog kasi gigising pa ako ng maaga mamaya. Sabi kasi ni papa dapat maaga daw kami kasi namimiss na daw niya ang kanyang munting prinsesa XD

……..

Jane(maid): Kath, kath.. pinapagising ka na ng mama mo..

Kath: hmmm..

Jane: Bunsoo gising ka na dali.

Mas nagtalukbong ako ng kumot..

Kath: Ate 5 minutes please.

Jane: *labas ng kwarto*

Naaantok pa ako eeehh -_____- ano ba naman yan! Bumangon na ako tinitignan ko lang yung sarili ko sa salamin.. Ano bay an wala na ngang work may eyebags pa rin ako. Sinsuklay ko yung buho----

Ano yun? Familiar sa akin yung tunog ng sasakyan na yun?

Nagmadali akong nag wash-up tapos bumaba agad ako.. Sinalubong naman ako ni ate Jane..

Jane: Oh gising ka na pala. Lika na kain ka na tapos maghanda na sabi ni ate.

Kath: Ate may bisita ba ako?

Jane: *giggle* Bakit naman?

Kath: Wala lang. Meron ba? Meron?

Hindi nagsasalita si ate Jane, nakangiti lang siya kaya nagpunta ako ng living room.. May nakita akong bouquet ng red roses. Napangiti ako at pinuntahan ko yun.

May kasama siyang nakafold na paper. Agad-agad ko namang binuksan..

Babe,

Good Morning miss beautiful! Dumaan ako kaso tulog ka pa raw. :(   Sayang kasama ko pa man din sina Seth diba sabi mo namimiss mo na sila? Dibale may next time pa naman. :)   Babe papunta na kami ng Subic \m/ ienjoy mo new year mo at behave ka ha? I loooooooooooooooooooooooooooooooooooove you baby!

Behind the ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon