BTS 109- DATE?

175K 760 248
                                    

Kath’s P.O.V

Aalis na bukas sila DJ. Kahit isang araw nalang pinipilit pa rin talaga niya ako. Pinaalam nga niya ako kina mama eh. Sabi naman nila mama ako nalang daw tanungin. Kung ano daw gusto kong gawin papayag sila. Eh kaso iniisip ko naman na quality time niya yun with his family and friends. Ayoko namang andun pa ako na inaalala niya. Siyempre namiss siya ng family at friends niya halos hindi na nga nila makita sa bahay nila si DJ eh. Ako naman lagi ko siyang nakikita tska hindi kasi talaga pumapayag si DJ na hindi niya ako nakikita ng kahit isang araw lang.

Ano ba naman yung 1 week na wala ako diba? Alam ko namang kaya niya yun eh nagiging clingy lang talaga siya lalo na nung naging kami na. Kapag nasa taping kami, isang iglap lang na wala ako sa tabi niya naghahanap na siya ng Kathryn. Siyempre naf-flatter naman ako at hindi ko maikakailang kinikilig talaga ako.  :’>

So kahit anong pilit niya sa akin at halos parang batang hinihiwalay sa mommy ang itsura niya tuwing pinaguusapan namin ang Hong Kong, hindi talaga ang sagot ko sa kanya. Hindi naman magandang lagi nalang ako, dapat bigyan niya rin ng time ang family and friends niya. Isa pa gusto kong magpamiss sa kanya hahahaha! Joke lang! Siyempre ayoko rin na 1 week kaming hindi magkikita no kaya nga hindi ko na iniisip para hindi ako maapektuhan eh.

Dahil talang nakapagdecide ako na hindi talaga ako sasama, humingi nalang ng isang favor sa akin si DJ. Gusto raw niya bago sila umalis lumabas daw muna kaming dalawa para hindi raw niya ako gaanong mamiss. O diba ang clingy niya sobra. Ang usapan namin 4:00 susunduin na niya ako para matagal daw kaming magkasama, so 3:00 palang nagbihis na ako and I started to wait for him. I’m wearing a pink dress na 2 inches above my knees. Nagflats lang ako and hinayaan kong nakabagsak lang ang buhok ko. And of course, I’m wearing the necklace he gave me. Siyempre kailangan magayos ako date kaya namin to :’)

Tinext ko siya.

To: Babe :*

Baby saan ka na? :*

Hindi siya nagrereply kaya flinood ko siya.

To: Babe :*

Yuhoooo! Babe? :*

 

To: Babe :*

Tuloy pa ba tayo? :)

 

To: Babe :*

Honey… Baby…. Babe…

 

To: Babe :*

Reply naman dyan.

 

To: Babe :*

Naiinis na ako :) Pero okay lang love pa rin kita basta magreply ka. ;)

 

To: Babe :*

You know I’m not patient honey ;)

 

To: Babe :*

Wag nalang nating ituloy ha? Sige bye.

Behind the Scenesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن