BTS 136- Boyfriend duties

105K 1K 229
                                    

Sa mga hindi po nakakabasa ng ibang chapters, prinivate ko po yun. :D
Sa mga hindi nakakabasa ng mga chapters na private kahit finallow na ako, try niyo pong idelete yung story sa library niyo then isave niyo ulit. :) I hope naka tulong ako. Thank you po! Enjoy! Sorry kung hindi masyadong maganda ang chapter na to. Bawi ako next time. Sa 19 pa po pasukan namin! :P Sa mga papasok na galingan niyo ha?

Shoutout to the ff:

Hyasine Vasquez
Mariah Leal
Danica Mae Ronquillo

DJ’s P.O.V

Maaga akong nagising ngayon para sa photo shoot. Buti nalang half-day lang ang trabaho ko ngayon. Kahapon kasi mga alas dos na ako nakauwi ng bahay tapos early call time nanaman ako ngayon. Buti nalang talaga maaga mamatatapos ang schedule ko ngayong araw na to, mamayang hapon kasi susundin ko sina Kath sa airport. Makikisabay ako kay kuya Mar para hindi na makagawa pa ng kung ano mang issue. Pagkatapos ng mga nangyari, mas pinili ko nalang na maging mas private yung relationship namin ni Kath. Sa lahat kasi ng gagawin naming dalawa laging may masasabing masama kaya kung minsan hindi na namin alam kung saan kami lulugar. Lalo na ngayon. Okay lang sa akin na ibash nila ako. Murahin, ubusin nila yung oras nila sa twitter para itweet sa akin kung gaano ako kasamang tao sa paningin nila. Okay lang yun sa akin. Hindi naman ako naaapektuhan eh—osige naapektuhan pero hindi sila uubra sa akin. Kaso nahihirapan ako kung pati si Kath, sina mama, tita Min, yung buong pamilya ko dinadamay nila. Ang alam ko naman pagkakamali ko to ah pero bakit pati si tita Min sinasabihan na walang kwentang ina dahil sa ayos na ulit kami ni Kath? Sinasabihan sina tito Robin at Papa na sa kanila ako nagmana at pare-pareho lang ang mga Padilla. Na si mama wala nang alam gawin kundi pagtakpan yung pagkakamali ko. Ang malala pati sa twitter at instagram ni Magui kung ano anong sinasabi nila. Ano namang malay nung bata sa ginawa ko?

Humarap na nga ako sa media diba? Inamin ko na, oo nagkamali ako at hindi ko na mababawi yun. Hindi naman ako inosente at manhid para hindi malaman at maramdaman na marami kaming fans ni Kath ang bumaliktad. Lahat sila sa panig ni Kath napunta. Okay lang yun sa akin. Kahit lahat ng fans ko mapunta pa kay Kath, basta sa kanya. Wag lang sanang umabot sa pati mga magulang naming dalawa at pati siya dinadamay nila.

Oo hindi natin maalis lahat ng sakit agad kahit na ilang sorry ang hingiin ko. Lalo na sa mga fans. Tanggap ko naman yun eh. Alam kong nagdududa sila sa lahat ng ginagawa ko ngayon. Alam ko ring alanganin na yung MMFF entry namin. Sigurado ako walang manonood sa kanila. Hindi ko nalang pinapahalata na naaapektuhan ako. Yun din ang lagi kong pinapaalala kay Kath na wag nalang magpapaapekto, wag ipakitang naapektuhan. Lalo na’t ito yung time para tirahin kami ng mga haters. Sabi ko nga sa kanya wag muna magtwitter at instagram eh. Madali pa man ding masaktan yun. Minsan nagttwitter siya tapos magugulat nalang ako umiiyak na. Ako nga balak kong wag nang gumamit ng twitter. Hindi ko rin naman talaga hilig. Hindi nila kami masisisi ni Kath kung gusto naming maging private kung anong nangyayari sa amin.

Minessage na ako ni Kath sa facebook kanina. Mas nauna pa nga siyang gumising sa akin eh.

Kathryn Chandria Manuel Bernardo

Bi airport na kami. Photo shoot ka ngayon diba? Wake-up na ha? Ingat! I love you bi!

Sinagot ko naman siya agad pagkagising ko.

Daniel John Ford Padilla

Hello baby! Opo photo shoot ako ngayon. Kumain ka na ba? Ingat ka ha? Wag ka na maglalaro ng ipad sa plane tulog ka nalang agad okay? Para makapagpahinga ka. I love you so much baby! I miss you! :*

Behind the ScenesWhere stories live. Discover now