BTS 131- Round 2

51.2K 832 245
                                    

Kath's P.O.V

 

From: Kelv Kobe

Hi ganda! Nandito ako sa bahay ni bugok ngayon. Kung ayaw mong maniwala magsesend pa ako ng pictures namin. Tignan natin kung sinong sinungaling ang pinagdidiinan mo. ;)

Wala akong pakialam sayo okay? Hindi ko nalang siya nireplyan para hindi na magpapansin.. Illock ko palang yung phone ko, meron nanaman siyang message.

From: Kelv Kobe

Anong huling habilin mo sa boyfriend mo?

 

Napikon ako sa sinabi niya. Anong huling habilin ang sinasabi neto?! Siya kaya ang patayin ko?!

To: Kelv Kobe

What are you talking about?! Tumigil ka na. Naiirita na ako sayo. Kung totoo mang kasama mo si DJ ngayon, huwag na huwag mo siyang sasaktan. Well kung kaibigan mo nga talaga siya wala akong magagawa at wala akong pakialam kaya tigilan mo na kaming dalawa.

 

From: Kelv Kobe

Ikaw bahala Ms. Beautiful!

 

To: Kelv Kobe

And please lang, please stop calling me Ms. Beautiful.

 

From: Kelv Kobe

Anong gusto mo? Ms. Gorgeous?

 

To: Kelv Kobe

If you think you’re funny well you’re not.

 

From: Kelv Kobe

Napansin ko sayo englishera ka. Paano kayo nagkasundo ni DJ? Hindi marunong mag English yun ah?

 

To: Kelv Kobe

Stop describing yourself.

 

From: Kelv Kobe

Hahaha! Ay oo nga pala hindi kayo magkasundo ngayon.

 

To: Kelv Kobe

It's none of your business.

 

From: Kelv Kobe

Hahaha! Tibay! Testing nga natin kung gaano ka katibay.

Nauubos na talaga ang pasensya ko sa taong to. Hindi ko na siya naiintindihan kung minsan. Siguro baliw talaga to. Kung totoo mang kaibigan to ni DJ, never kong gugustuhin na mameet siya. Never ever. As in NEVER.

After dinner umakyat na ako ng room. Sabi kasi sa akin ni Miles tawagan ko raw siya. Nanlalambing to. Miss na miss na raw niya ako sabi niya eh. Ako rin naman kaso hindi talaga nagtatagpo yung schedule naming dalawa. Habang kausap ko sa phone si Miles kanina ko pa naririnig yung laptop kong tumutunog. Parang may nagnnotify sa facebook ko. Siguro yung baliw na Kelv Kobe nanaman yun. Hay bahala siya sa buhay niya hindi siya nakakatawa.

Behind the Scenesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें