Kabanata VIII

42 13 0
                                    

“ANG sabi sa akin ni Mama ay ipinanganak na akong ganito. Isang taong lobo na namana ko ang pagiging isa mula kay Papa. Iyon namang pagiging lobo ni Papa ay hindi ko alam kung paano nagsimula. Sinubukan kong tanoongin si Mama tungkol d’yan pero sabi niya mas mabuting hindi na raw namin ungkatin ang nakaraan,” pagkwekwento sa akin ni Akira.

Kasalukuyan kaming nasa bahay at magkatabing nakaupo sa couch. Parehas kaming nakatingin sa malaking TV screen na nasa harapan namin. The TV was playing a video of ‘endlessly’ song with lyrics on it. Nakapatong ang ulo niya sa aking kanang balikat. Dito namin napagpasiyahang pag-usapan ang lahat. Since wala naman si Ate, I think this is the safest place to talk about his secrets.

“Alam ba ‘to nila Lance at Jeremy?” I asked him.

“Hindi pa. Hindi ko ito sinabi sa kanila dahil sa natatakot ako na baka kamuhian nila ako at masira ang aming pagkakaibigan o ipagkalat nila ang totoo kong pagkatao. Ayoko lang talaga silang i-involve sa mundo ko. Mas magiging ligtas sila kung mananatili silang walang alam. Iyan ang payo sa akin ni Mama,” paliwanag niya. He started squeezing my right hand. I can feel the roughness of his hands but it feels so nice.

“How about your transformation?” I asked him. This conversation between us was only like hearing a fantasy bedtime stories. Ang akala ko ay manginginig ako sa kaba habang pinapakinggan ang mga confession sa akin ni Akira. But I was wrong, and instead having him besides me makes me comfortable in any kind of situation.

“Kapag sumasapit ang kabilugan ng buwan kagaya ng nangyari noong debut mo, oras na magpakita na sa kalangitan ang bilog na buwan ay kusa na kaming magtra-transform sa pagiging lobo at hindi namin iyon mapipigilan. Ngunit kontrolado na namin ang aming lobo at sa pagkakaalam ko, sa unang beses na nag-transform kami sa pagiging lobo ay ang lobo pa namin ang mamamayani sa amin. Sa mga pagkakataon na gano’n, wala pang kontrol ang aming lobo. We can go run wild. Eat and kill everything that goes on our way. But this worse scenario commonly happens sa mga tao na nakagat ng isang lobo at naging ganap na lobo na rin,” mahabang paliwanag niya.

“How about the mate thing?” I asked him without hesitation. This is the question I have been wanting for an answer since I learned that he’s a werewolf. I have read a book that werewolves has their mate and it can be from any blood race. But I read it from fiction so who knows if it is true of false.

Namayani ang matinding katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kinabahan ako nang hindi agad ako nakatanggap ng tugon mula sa kaniya. So, I’ll bet the mate thing is true.

“Do you have a mate already?” I asked him again this time but through another question. Inalis ko ang kaniyang ulo na nakapatong sa aking balikat at iniangat iyon hanggang sa magkapantay ang aming mga mukha. I look straight to his brown eyes hoping to find an answer to my questions.

“Maybe yes, I’m not sure. But the only thing I’m sure of, is that my mate would be a werewolf too. I’m sorry Jennifer for this. Pero huwag kang mag-alala, I won’t consider that mate thing. You’re the only one for me,” he confessed. He cupped my face and gave me a reassuring look. As I heard those words from him, I felt a dagger being buried deeply on my chest. It hurts knowing that the man you loved was destined to another woman. That the truth, Akira was destined to a woman of his race too and not to an ordinary girl like me.

“You can’t resist your mate. You can’t avoid her. Anytime soon you’ll start wanting her Akira,” I told him with my eyes started crying tears. Now I began to question things. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng maging taong lobo sa mundo bakit si Akira pa?

He started wiping my tears. At habang nakikita niya akong lumuha ay hindi na rin nagtagal pa at parehas na kaming umiiyak ngayon. I hugged him tightly. I don’t want to lose him, please God. He hugged me back tightly that makes me cry louder. I’ll do whatever it takes just to be his only mate.

“Kagatin mo ako,” I said in between of my sobs.

“Hindi, Jennifer!” Matigas na sabi niya. Naramdaman ko ang pagtigil niya mula sa pag-iyak. He pulled himself away from me. Then he faced me with a serious look on his face.

“Bakit hindi?” Pagmamatigas ko. That’s the only thing I know to save our relationship.

“Hindi ko hahayaang maging katulad kita,” he said. What about us? Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya akong gawing isang taong lobo kagaya rin niya. Does he want me to just sit down while waiting for the day to come when his mate would show up and she would take him away from me?

“Gagawin mo lang naman akong lobo kagaya mo. Kagat lang Akira!” I desperately pleaded to him but it ended up in a yelling tone.

Akira’s face lost its emotion. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at tumalikod sa akin. I hold his left hand ngunit kaagad din niya itong binawi.

“Akala mo ganoon lang ‘yon. Akala mo okay lang sa’kin ang pagiging taong lobo ko kaya mo nasasabi ‘yan. Maswerte ka nga dahil normal na tao ka lamang kaya dapat piliin mong manatili sa ganiyan. I love you, Jennifer. Just please! I hope you can trust me with this matter,” he voiced out. After that, he stormed out of my house without goodbye.

Realization hits me as I recall his words. Hindi ko na binalak pa siyang habulin. I just lay myself in the couch, staring at the wall and thinking how we end up to this situation.

“ANYARE sa inyo ni Jennifer?” Nagtatakang tanong sa akin ni Lance. Sumubo muna ako ng isang pirasong fries bago ko sinagot ang kaniyang tanong.

“Wala. May hindi lang kami pagkakaintindihan,” sagot ko.

Pinagtaasan ako ng kilay ni Jeremy. Nang makita namin ni Lance ang mukha niyang iyon ay nagkasabay pa kami sa pagtapon ng fries sa mukha niya.

“Remedios kana yata,” pang-aasar ni Lance kay Jeremy na ngayon ay masama ang tingin sa kaniya.

“Baka gusto mo ng remedios mamaya pagkatapos kitang bugbugin,” maangas na pangbabara ni Jeremy. Kahit kailan ay aso’t pusa pa rin itong dalawa. Hindi yata natapos ang araw na hindi nag-away ang dalawang ito.

“Eh, tarantado ka pala, eh!” sagot ni Lance habang ginagaya ang boses ni Robin Padilla, isang sikat na action star.

“Kawawa naman si Jennifer hindi mo pinapansin.” Kapagkuwan ay ibinaling sa akin ni Lance ang kaniyang atensyon, ganoon din si Jeremy.

Naisip ko si Jennifer. Naglalaro sa isipin ko ang kaniyang imahe na kahit gusto niya akong kausapin ay hindi niya magawa. Masyado yata akong naging cold ang pakikitungo sa kaniya kaya umabot sa puntong nahihirapan na siyang i-approach ako.

WE’RE in the same spot again. The spot where I saw Akira turned into a werewolf creature.

“Anong gagawin natin dito? Gabi na! Paano kung may nangyari sa’yo sa daan habang papunta ka dito!” Nag-aalalang bungad sa akin ni Akira pagkadating niya.

He was Ignoring me for the past days. Though he was still always beside me, ngunit kakaunti lamang ang lumalabas na salita mula sa bibig niya kapag kakausapin niya ako. He was really upset to me. But I have already decided for myself. I fully trust him, but not the nature of their race. Sa ayaw at sa gusto niya ay pipilitin ko siyang gawin akong taong lobo. And this is the right night to do the thing dahil visible ang buwan ngayon.

“Walang mangyayari sa akin dahil ala-una naman ako nagsimulang umakyat dito,” saad ko. That was a long journey at nakakapagtaka kung bakit noong debut ko ay tila naging mabilis lamang na nakarating ako rito sa tuktok. That remains a mystery to me.

“Kahit pa. Umuwi na tayo,” aya niya sa akin. Hinila niya ang aking kaliwang kamay ngunit nang nagsimula na siyang humakbang ay nagmatigas ako at hindi nagpatangay sa kaniya. Humarap siyang muli sa akin at ngayon ay seryoso na naman ang kaniyang mukha.

“Turn me into a werewolf, right now!” I demand. Napatampal na lamang siya sa kaniyang noo dahil sa kakulitan ko.

“No!” Matigas na saad niya.

“Then I’ll stay here until you agreed!” pagmamatigas ko pa. Marahas kong hinila mula sa kaniya ang aking kamay at umupo sa damuhan ng nakasimangot.

“Kelan mo ba ako maiintindihan?” he asked, frustrated. Pinanuod ko siyang isuklay ang kaniyang mga daliri sa mahaba niyang buhok. He looks hot doing that even though he’s angry.

“I trust you, maniwala ka. But please Akira, I want to take chances. Let’s be real. Kapag naging lobo ako kagaya mo, may chance na ako ang maging mate mo o kung hindi naman, you can reject your mate and we’ll find out how can I become your mate instead of her,” I explained. Hoping that he will agree. Nabasa ko lang din sa isang fictional novel ang tungkol na maaari na i-reject ng isang werewolf ang kaniyang mate. Now I’m thinking maybe the one who introduce the werewolf topic to this human world was a werewolf too. Dahil lahat ng tungkol sa kanila na inakala namin ay isang fiction lang ay totoo pala.

“Ayokong sirain ang tiwala ng ate mo,” saad niya sa ngayon ay malumanay na boses.

“Ate would understand my choices. Please Akira let’s take chances,” pangungumbinse ko pa. Nasundan iyon ng isang nakabibinging katahimikan. At makalipas ang ilang minuto ay lumuhod sa harap ko si Akira upang magpantay ang aming mga mukha.

“Are you ready?” he asked me. Looking straight into my eyes.

“Yes!” matapang na sagot ko at dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata. A loud growl of a werewolf reigns over the silent of the night.

Before Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now