Kabanata XII

41 12 0
                                    

ANG underworld ay naka lokasyon sa lugar na tinatawag na Eastfox. Walang kakayahan ang isang normal na tao na makita ito sapagkat nananatiling invisible ito sa mga mata nila gamit ang malakas na kapangyarihan ni Amara. Nagtungo kaming tatlo roon habang nakasakay sa isang mas mahabang sanga. Ang kapangyarihan ko ang nagpalipad sa sinasakyan namin habang si Ate Clara naman ang nagpapanatili ng pagiging invisible namin sa mata ng mga normal na tao. Habang si Kuya Vince naman ang siyang naging gabay namin upang maarating ang lugar na iyon. Nagawa niya pang kumain ng fries sa mismong biyahe namin.

Mahaba-haba rin ang oras ng aming paglalakbay dahil sa malawak na karagatan pa ng Europa nakatayo ang lugar. Aakalain ng normal na tao na totoong dagat iyon ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay isang lungsod iyon na pinaninirahan ng mga taong lobo. Ang dagat na nakikita ng mga mortal ay isa lamang na ilusyon na likha ni Amara. Ang paggawa ng ilusyon ay isa sa mga karaniwang kakayahan ng isang witch na kagaya ko.

Nang tuluyan na naming matanaw ang lugar ay napansin ko ang tila usok na itim na nakapalibot sa kabuuan nito. Marahil ay ito na ang kapangyarihan na nagmumula kay Amara. I dare not to call her Tita dahil hindi niya deserve na tawagin at galangin ko siya sa ganoong paraan, after what she did to me, to Akira and to my parents.

Bumaba kami di-kalayuan sa border ng Eastfox. Hindi kasi kami maaaring pumasok ni Ate roon na ginagamit ang aming kapangyarihan dahil malaki ang tiyansa na malaman ni Amara ang aming pagdating at pagpasok sa kaniyang teritoryo. Nang masiguro namin na walang mortal sa kinaroonan namin ay nagsimula na kaming lumakad papasok sa lungsod. Nauuna sa paglalakad si Kuya Vince tutal siya naman ang may alam sa lugar na ito. Si Ate ay ni-minsan ay hindi pa siya nakakapunta rito. Wala raw siyang balak sumugod dito hanggat hindi ko pa natutuklasan ang totoo kong pagkatao.

Nang makaapak na ako sa lugar ay sumalubong sa akin ang maalikabok na pamilihan. Kaliwa’t kanan ang mga kargador na abala at nagmamadali sa pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay. Ang mga mabibigat nilang mga yapak ang nagdudulot upang magsiangatan at sumama sa hangin ang mga alikabok. Bahagya akong nabuo dahil doon.

Dumaan kami sa gitna ng pamilihan at paminsan-minsan ay nabubunggo ako o kaya naman ako ‘yong nakakabunggo ng mga abalang kargador at mamimili. Ngunit hindi man lamang ako nakatanggap mula sa kanila ng matatalim na titig at hindi magagandang salita taliwas sa inaasahan ko. Dire-diretso lang sila na para bang walang nangyari. Mas malala pa pala iyong rush hour dito kesa sa mundo namin.

Nakarating kami sa tapat ng isang may kalakihang bahay. Gawa iyon sa solid na bato at napakasimple lamang ang istruktura. Hindi na sakop ng pamilihan ang lugar na ito. May sumalubong na isang magandang dalaga kay Kuya Vince at pagkatapos ay malakas siyang kinurot nito sa tagiliran. Napabaluktot siya sa sakit at halos hindi na maipinta ang kaniyang mukha. Tumingin ako kay Ate. Gusto kong malaman ang reaksyon niya.

“Hindi ako magseselos kasi kapatid naman niya iyan. Nakwento na niya sa—

“Sabi na gusto mo si Kuya Vince,” pagpuputol ko sa sinasabi ni Ate. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa akin ng ma-realize niya ang kasasabi niya pa lang.

Tinawanan ko lang si Ate dahilan upang mapatingin sa akin si Kuya Vince at iyong kapatid niya. Lumapit sa amin ni Ate kasama kapatid niya at pinagpapalit-palit kami ng tingin.

“So, sino po sa inyo ang mate ni Kuya?” Diretsahang tanong nito. Napatingin akong muli kay Ate at tila malungkot na ngayon ang kaniyang mukha ngunit pinilit niyang ngumiti.

“Mga kaibigan lang kami ni Kuya mo. Ako nga pala si Clara at ito naman si Jennifer, bunsong kapatid ko,” tugon ni Ate.

“Nice to meet you po. Ang gaganda niyo!” Masiglang bati sa amin ni—

“Ako naman po si Vanessa,” pagpapakilala niya at isa-isa niya kaming niyakap ni Ate.

Pagkatapos ay pinatuloy na kami ni Vanessa at Kuya Vince sa loob ng kanilang tahanan. Naabutan namin ang Mama nila na naghahain sa lamesa at ‘yong ama naman nila ay abala sa pagsisibak daw ng kahoy sa kanilang bakuran na nasa likod ng kanilang bahay.

Sa upuan sa may hapag-kainan na kami pinatuloy dahil sakto at dinner na ngayon. Nakahain sa lamesa ang madaming kanin, adobong karne ng baboy at iba’t ibang klase ng gulay na ginawang salad. Walang pinagkaiba ang buhay dito sa buhay sa labas nila. Kaya naman hindi kami mahihirapan ni Ate na makibagay sa lugar na ito.

Ang pagbabalat-kayo naman namin bilang isang taong lobo kagaya nila ay nagawaan ng paraan ni Ate. Nagawa ng kaniyang kapangyarihan na ikubli ang totoong amoy ng dugo namin at pinalitan niya iyon ng sa taong lobo. Hindi na rin nakakapagtaka na ganoon kalakas ang kapangyarihan ni Ate upang magawa ang mga bagay na iyon sapagkat siya ang successor ng aming mga magulang na kilala bilang isa sa mga natanghal na pinakamakapangyarihang putting mangkukulam sa kanilang henerasyon ng itim at puting lahi. Ang unang anak ang laging nagiging tagapagmana ng buong kapangyarihan at lakas ng mga magulang nito.

“Ma, Pa, mga kaibigan ko po. Si Jennifer saka si Clara. Magkapatid po sila. Dito muna po sila makikituloy dahil wala pa po silang pansamantalang matitirhan,” saad ni Kuya Vince sa kaniyang mga magulang. Ngumiti sa amin ang kaniyang Mama habang ang kaniyang ama ay tumango-tango lamang.

“Welcome kayo dito sa bahay ha. ‘Wag kayong mahihiya,” malambing na wika sa amin ng mama ni Kuya Vince. Nahihiyang ngumiti ako sa kaniya.

“Salamat, ho,” si Ate na ang tumugon.

“Aba ay kumain na tayo. Masamang pinaghihintay ang pagkain,” saad naman ng Papa ni Kuya Vince. Kaboses niya ‘yong paborito kong artista, si Ace Vergel.

Nagsimula na kaming kumain. Madaming tanong sa amin ni Ate ang Mama ni Kuya Vince at mataman naman na nakikinig ang kaniyang ama. It feels so good to be belong in someone’s family. Para na ding nararanasan namin ni Ate ang magkaroon ng isang ama at ina.

NAPAGPASIYAHAN kong gumala muna sa palengke at tumikim ng mga pagkaing paninda roon. Kahapon kasi pagdaan namin ay madami akong nakitang kakaiba at nacu-curious ako kung anong lasa ng mga iyon. May bitbit akong maliliit na piraso ng bilog na ginto dahil ito raw ang nagsisilbing pera sa lugar na ito.

Magiliw at patalon-talon akong naglibot sa kabuuan ng palengke. Maalikabok, maingay at may mga bahaging siksikan dahil sa dagsaan ang tao. Madami ding bata ang naglalaro sa gitna ng daan na nakakaabala sa mga ibang dumadaan. Pero bata kasi iyon. Kahit nakakaabala nakakatuwa pa ding tingnan at hindi mo talaga kakayaning pagsamaan ng loob.

“Ate bili na po kayo! Sariling gawa ko po itong mga bracelet,” alok sa akin ng isang batang lalaki. Napatingin ako sa mga bracelet na nakalagay sa kaniyang bitbit na basket. Kakaiba ang hitsura ngunit magandang tingnan.

Bumili ako sa kaniya ng isa at inabutan ko siya ng tatlong piraso ng bilog na ginto. Siya na rin mismo ang nag-presinta na isuot sa aking kanang kamay ang bracelet na binili ko sa kaniya. Kulay red iyon na gawa mula sa kahoy.

Nang makaalis na ang batang lalaki sa harapan ko ay nagpatuloy na ako. Huminto ako sa isang food stall na nagtintinda ng isang kulay brown na pagkain na animo’y gitnang bahagi ng katawan ng puno ang disenyo. Sakto at iisa na lamang pati ang natitirang tindan no’n. Nag-angat ako ng tingin sa babaeng tindera na medyo may edad na at saka ngumiti.

“Ano pong tawag dito at saka ilang ginto po ito?” tanong ko.

“Aba ngayon lang yata ako nakakita ng kagaya mo na hindi alam ang tawag diyan. Di yata’t isa ito sa mga pinakasikat na dessert. Ang tawag rito iha ay Salted Vennison. Sampung ginto lamang ito,” mahabang sagot ng ale. Salted Vennison. Hmm, sound sosyal ang isang ‘to. Marahil ay napakasarap nito.

“Bayaran ko na po ito.” Halos magkasabay na saad namin ng boses na nagmumula sa isang lalaki. Bigla akong natigilan. Imposible!

Napalingon ako sa tabi ko ng dahan-dahan. I was expecting to see the man whom I know that those voice are coming from. Nagulat ako nang masilayan kong muli ang kaniyang mukha. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pinaghalo-halong emosyon. What should I do first? Say hello? Yayakapin ko ba agad siya? Or this is only a dream.

“Ipaubaya mo na ‘yan sa kaniya. May susunod pa naman,” wika ng isang babae. Ngayon ko lang napansin na may kasama pala siyang magandang babae. Bumaba ang tingin ko sa nakapulupot niyang mga kamay sa braso ni Akira. And seeing that scenario made my heart feels like being stab again and again.

“Sige. Sa’yo na iyan, Miss,” saad ni Akira at binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Miss? Bakit sa ikinikilos niya parang hindi niya ako kilala. And who’s this girl? Sa pagkakaalam ko ay wala siyang kapatid na babae. Solo lang siyang anak.

“Hey, are you ok? Umiiyak ka,” puna sa akin ng babae na kasama ni Akira. Pinahid ko ang mga luhang kusang naglandas na lamang sa aking pisngi.

No! Hindi siya si Akira. Kamukha niya lang. There’s no way na mabubuhay siya ulit. Hindi nga ako kilala nitong lalaki na nasa harap ko kaya sigurado akong hindi siya ang boyfriend ko. Ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kaniya? Baka nagkakamali lang talaga ako.

“Okay lang ako. Iwan niyo na ako,” saad ko at inalis ko na sa kanila ang tingin ko.

Nang marinig ko ang mga yapak nilang papaalis ay tumingin akong muli sa kanila. I watch their backs as they leave. Napansin ko ang suot ngayon na bracelet ng lalaking kamukha ni Akira and it looks familiar. Napatingin ako sa suot kong bracelet din at doon ko napantanto na parehas pala kami ng suot.

Before Us (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu