Kabanata XVII

30 9 0
                                    

“AMARA!”

Biglang humangin ng malakas. Isang hangin na sumira ng mga istruktura na nakatayo sa buong paligid. Napakalawak ng nasakop na pagkasira nito. Maririnig sa buong paligid ang paghiyaw sa sakit ng mga nadamay na taong-lobo. Hapon pa lamang ng mga oras na ito ngunit kaagad na nagdilim ang kalangitan kasabay ng buong pangyayari. Halos wala akong makita sa aking paligid.

Hindi ko alam kung saang lupalop ako tumilapon ngunit natitiyak ko na napakalayo ng aking naabot. Napahawak ako sa kaliwang hita ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, ito sa ilalim nang malaking sementadong nawasak mula sa mga bahay. Sinubukan kong magbagong anyo sa pagiging lobo ngunit hindi kinaya ng katawan ko. Kaya naman wala akong choice kundi gamitin ang aking kapangyarihan.

Itinutok ko ang palad ko sa malaking bagay na nakapatong sa aking kaliwang binti. Naglabas ako ng aking kapangyarihan at unti-unti ay naiangat ko sa ere ang bagay na iyon. Pagkatapos ay iginiya ko ang aking kamay sa kabilang direksyon at buong pwersa na itinulak ng kapangyarihan ko ang bagay na iyon palayo sa akin.

Gamit ang aking kapangyarihan ay nagpaulan ako ng kulay kahel na magic dust na nagliliwanag upang magkaroon ng kahit konting liwanag ang buong paligid. Alam kong habang tumatagal ang pag-ulan nito ay humihina rin ako at kapag nasagad ang paggamit ko ng aking kapangyarihan ay maaaring mawalan ako ng malay. Ngunit ito lang ang paraan na natatangi kong alam upang mahanap ko pa ang iba kong mga kasama.

Napatingin ako sa binti ko na ngayon ay sugatan at walang humpay sa paglabas ang aking dugo. Napangiwi ako sa hitsura nito. Masakit at mahirap man ay sinubukan kong ulit na magbagong-anyo. Kung wala lamang sana akong sugat ay wala na akong mararamdaman na sakit sa aking pagpapalit ng anyo.

Matapos kong maging lobo ay dinilaan ko ang aking sugat na hindi nagtagal ay naghilom din. Pinagmasdan ko na ang aking paligid. Ngayon na nasa anyong lobo na ako ay malaya ko ng nakikita ng malinaw ang aking paligid kahit pa napakadilim. Tinanggal ko na ang umuulan na magic dust sa paligid. Kailangan kong magtipid ng kapangyarihan hangga’t maaari.

Magsisimula na sana akong humakbang nang mapatigil ako dahil sa aking naramdaman. Unti-unting bumagsak muli sa lupa ang aking katawan at bumalik akong muli sa aking normal na anyo. Dahil sa matinding pagkakabagsak ko nang tumilapon ako ay tila nag-crack ang mga buto ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Idagdag pa na nawawalan na talaga ako ng lakas dahil sa matinding pangyayari sa aking katawan. At sa isang iglap ay unti-unting nanlabo ang aking paningin hanggang sa mawalan ako ng malay.

“VANNESSA?” Pagtawag ko sa pangalan ng kapatid ko.

Halos limang hakbang ang layo niya mula sa akin. Wala siyang malay at sugatan ang kaniyang buong katawan dahil sa mga malilit na piraso ng mga matutulis na bagay na nagkalat sa ibabaw ng kaniyang katawan. Nanginginig man ay sinubukan kong makatayo upang daluhan ang aking kapatid. Ngunit tanging mabagal na paggapang lamang ang aking nagawa.

“Vanessa please gumising ka!” pakiusap ko sa kaniya. Ngunit wala akong nakuhang pagtugon sa kaniya.

Mas lalo kong binilisan ang aking paggapang. Hindi ko ininda ang mga matutulis na bagay na tumutusok na sa aking katawan dahil sa aking paggapang. Ang pinaka-importante lamang sa akin ngayon ay masigurong buhay at ligtas ang aking kapatid. Kanina nang tumama sa amin ang napakalakas na pwersa ng hangin ay mabilis kong nayakap ng mahigpit ang aking kapatid upang maprotektahan siya.

“Vanessa!” Tinawag kong muli ang kaniyang pangalan. Nang tuluyan akong makalapit sa kaniyang katawan ay kaagad kong hinawakan ang kaniyang pulso upang masigurong humihinga pa siya. Nakaramdam naman ako ng kaunting ginhawa nang maramdaman ko ang kaniyang pulso.

Napatingin ako sa kaniyang mga sugat na bagaman ay maliliit ngunit madami. Wala ding awat ang pagdugo ng mga iyon. Kailangan magising ni Vanessa upang magamot niya ng tuluyan ang kaniyang mga sugat. Walang pag-aalinlangan na pinunit ko ang aking damit at tinalian ko gamit niyon ang kaniyang mga sugat. Salamat sa umuulan na nagliliwanag na magic dust dahil kahit madilim ang langit at walang mga ilaw sa paligid ay nagagawa ko pa ding makita ang buong paligid lalo na si Vanessa.

Ngunit hindi din nagtagal iyon at bigla na lamang naglaho. Binalot ulit ng matinding kadiliman ang buong paligid. Walang buwan o star na makikita sa kalangitan. Naipikit ko na lamang ang aking mga mata dahil sa kawalan ng pag-asa sa sitwasyon namin ngayon.

Naisip ko ang iba naming mga kasama. Asan na kaya sila? Sana naman ay buhay pa sila hanggang ngayon. Si Mama at Papa ay masyado ng matanda kaya naman mas lalong nakakabahala sa akin ang tungkol sa kanilang kalagayan ngayon. Si Akira at Jennifer, nasisiguro ko na makakaligtas sila sa nangyari dahil malalakas sila. At si Clara, nararamdaman kong nasa mabuti siyang kalagayan. Alam kong hindi siya basta-basta mapapatumba ng ganoong kalakas na hangin.

Napahawak ako sa aking dibdib. Sumasakit iyon dahil sa kaisipan na baka mamatay ako ngayon dito ng hindi man lamang nasasabi kay Clara ang aking nararamdaman. Hindi ko inakala na magkakagusto ako sa babaeng iyon. Basta isang araw, natagpuan ko na lamang ang sarili ko na ngumingiti kapag nasisilayan ang kaniyang mukha. At bigla-bigla ay napapaisip na lamang ako ng tungkol sa future naming dalawa.

NANG muli akong magkamalay ay madilim na ang buong paligid. Wala akong masilayan. Para akong bulag sa lagay ko ngayon. Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan na para akong naparalisa.

Naaalala ko pa ang mga nangyari. Kaagad ko namang namalayan ang panganib na paparating ng mga oras na iyon. Mabilis pa sa kisap ng mata na nagpalit ako ng anyo at gamit ang aking telepathy ay sinabihan ko ang mag-asawa na kaagad sumakay sa akin na kanila namang sinunod ng walang pagtatanong. At ang mga sumunod ay napakabilis na halos hindi ko na nasubaybayan ang buong pangyayari.

“Tito? Tita?” Mahinang tawag ko sa kanila. Pati pagsasalita ko nawalan na din ng lakas. Paniguradong hindi rin naman nila maririnig ang pagtawag kong iyon. Sana lamang ay nasa mabuti silang kalagayan.

Wala akong magawa kundi maidipa na lamang ang aking mga braso. Mabibigat ang aking paghinga na mas lalong nakalala dito ang pag-aalala ko sa mga kasama ko at lalong-lalo na kay Jennifer. Nasaan na kaya siya ngayon? Sana ay nasa mabuti siyang kalagayan. Gustuhin ko mang hanapin siya ay sumusuko na ang aking katawan. Dito na ba ako mamamatay?

Naalala ko rin si Papa. Ano kayang nangyari na sa kaniya? Mabuti na lamang at malayo ang kaniyang tinitirhan na palasyo mula sa amin upang hindi gaanong kalakas ang pinsalang matatamo niya. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan na mag-isip ng mga malalang senaryo. Paano kung napapailalim siya ng gumuho ang buong lugar? Kaunti lang ang tiyansang makakaligtas siya kung nasa anyong tao siya.

Kaming mga lobo, oras na masugatan kami ng pisikal ay mahihirapan kaming mag-anyong lobo upang gamutin ang aming sariling sugat. Kung malalang masyado ang natamo ay napakaliit ng tiyansa na makapag-palit ng anyo. Kapag nasa anyong-lobo naman kami, madali lamang sa amin na magamot ang kahit gaanong kalalang sugat. Iyon nga lang, ang lakas na naubos namin at ang sakit na naidulot samin ay hindi namin mapapagaling gamit ang aming sariling mga laway.

MY eyes were violet as well as my long hair. Nakapalibot sa akin ang kulay lila na tila manipis na usok na nagsilbi kong panangga mula sa malakas na hangin na inilabas ni Amara. Andito pa rin ako sa pwesto ko noong bago pa mangyari ang lahat. Ni isang hakbang na paatras ay walang nangyaring ganoon sa akin. Hindi ako basta matitinag ng ganoong klaseng hangin lamang.

“You’re quite strong, huh!” saad ni Amara sa akin. Walang emosyon ang mababakas sa kaniyang magandang mukha.

Pinagmasdan ko ang kaniyang totoong anyo. Mataas ang kaniyang height para sa isang babae. Kahit pa may edad na ay makikita pa rin talaga ang mala-hourglass na hubog ng kaniyang katawan. Nakasuot siya ngayon ng isang fitted na itim na halter dress. Makinis at maputi ang kaniyang balat. Habang ang kaniyang mata naman ay purong itim na lamang na kung makikita ng isang normal na tao ay baka nahimatay na sa sobrang pagkatakot.

“Strong enough to end your life, Aunt Amara!” I talked back. A grin formed into my lips.

I may look like a saint woman. Sa mga nakalipas na mga taon sa aking buhay ay naging mabait ako sa lahat. Kilala ako bilang isang successful na babae pagdating sa larangan ng negosyo at isang mapagmahal na ate kay Jennifer. Ngunit hindi ako magiging mabait sa taong pumaslang sa mga magulang ko. Matagal ko na siyang nahanap sana kung ginusto ko lamang na hanapin siya. Ngunit mas pinili ko ang hintayin si Jennifer. Gusto ko kapag ginawa ko na ang bagay na ito ay nasa maayos na siyang kalagayan. Makakaya na niyang mabuhay ng mag-isa na wala ako sa tabi niya. At gusto ko ding magpakasaya kahit sa konting panahon ng aking buhay. Hinayaan ko muna ang sarili kong makalaya mula sa pagpipighati at matinding pagkasuklam.

“Matalas ang iyong dila, pamangkin,” walang emosyon na saad sa akin ni Amara.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at bumulong sa kaniyang tainga. “Be ready as I take your worthless life.” Tiim ang bagang na saad ko. Mabilis ang aking sunod na naging kilos.

Kagaad kong itinutok ang isang kamay ko sa aking likod at humila iyon ng isang matulis na bagay. Nang dumikit na sa aking mga palad ang malamig na hawakan ng espada ay kaagad ko itong itinusok sa tiyan ni Amara. Hinawakan ko ang kaniyang balikat upang mas lalong isagad sa kaniya ang espada. Tiningnan ko ang kaniyang mukha na mababakasan ng matinding sakit.

Nang bitiwan ko na siya ay unti-unti na siyang napaluhod sa harapan ko habang sapo-sapo niya ang espada sa kaniyang tiyan. Tumalikod ako sa ilusyon ni Amara at saka ako humarap sa totoong siya. Binigyan ko siya ulit ng isang ngisi ngunit kagaya ng dati ay parang robot lamang siya. Mas may emosyon pa nga yata ang robot kesa sa kaniya.

“Ganyan ang magiging hitsura mo anytime right now,” saad ko habang itinuturo sa kaniya ang ginawa niyang ilusyon ng kaniyang sarili. Tumingin siya roon at nang ibalik niya ang kaniyang tingin sa akin ay walang pinagbago ang kaniyang hitsura.

Nang magsalubong ang aming mga mata ay parang bigla akong nawalan ng kontrol sa aking katawan. Unti-unti ay umaangat ako sa ere at naninikip ang aking paghinga na para bang sinasakal ako. Nagsimulang maglabasan sa kaniyang mukha ang itim na mga litid na mas lalong nakadagdag sa kaniyang nakakatakot na hitsura.

Pinilit kong kumala mula sa kaniyang kapangyarihan. Sinubukan ko ngunit panahon na yata upang gamitin ko na ang kapangyarihan na taglay ng pagiging kalahating itim na mangkukulam ko sa totoong katawan ni Amara. Namana ko ito sa aking ama.

I gather all my strength to release my power.  Lumabas mula sa aking katawan ang lilang liwanag na kumalat sa buong kapaligiran na para bang dumaan lamang na eroplano sa himpapawid. Nang makalapat na muli ang aking mga paa sa lupa ay napatingin ako sa aking paligid na bagaman madilim ay nagagawa kong makakita ngunit kulay kahel ang aking paningin.

Pagkatapos kong pagmasdan ang buong paligid ay tumingin akong muli kay Amara. Alam kong nanganganib ang mga buhay ng aking kasama ngayon kung nasaan man sila ngunit hindi ko kayang ipagpaliban ang pagkakataong ito. I waited for so many years for this moment at hindi ko ito palalampasin.

Gamit ang aking kapangyarihan ay ginawa ko itong isang espada at nagpalit ang aking kasuotan sa pang-digma. Kaming mga witch ay may kakayahan kami na gawin na kahit anong bagay ang aming kapangyarihan. Kaya din namin magpalit-palit ng aming armas kung kelan namin gugustuhin at ang aming kasuotan ay umaayon ang pagpapalit sa kasalukuyang gamit namin na armas.

Mabilis ang mga paang tumakbo ako patungo sa kaniya upang sumugod. Binigyan ko siya ng isang diretsahang attack. Isang hiwa pataas patungo sa midsection ng kaniyang katawan. Kaagad niya iyong nasalag ng kaniyang javelin at pagkatapos ay malakas na itinulak niya ang aking armas. Napaatras ako ng isang hakbang at nang mag-angat muli ako ng tingin sa kaniya ay nakatutok na sa leeg ko ang matulis na dulo ng kaniyang javelin.

Before Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now