Kabanata XVIII

30 8 0
                                    

Nanlalabo ang aking paningin ng muli akong magising at imulat ang aking mga mata. May nakatutok sa mukha ko na liwanag na nanggagaling sa flashlight. Nang maka-adjust na ang aking mata ay napatingin ako kay Dani. Inalis na niya ang flashlight sa mukha ko at inilapag niya iyon sa may tabi ko na hindi pinapatay ang ilaw nito.

Tinulungan niya akong makabangon. Masakit pa rin ang buong katawan ko. Napatingin ako sa mga sugat ko na ngayon ay nababalutan na ng puting tela. Wala ng mababakas na tumutulong dugo sa aking buong katawan tanging sa damit na lamang na may mantsa ng mga dugo.

“Mas madali sanang babalik ang lakas mo at gagaling ang mga sugat mo kung gagawin ko iyong natural na paraan sa’yo ngunit mahal ko pa ang buhay ko. Mahirap ng galitin ang isang witch na taong-lobo,” pabirong saad ni Dani sa akin.

Hindi ko na rin maiwasan ang mapangiti kapag naiisip ko ang magiging reaksyon ni Jennifer kapag nga ginawa ni Dani iyon. Ngayon ngang magkasama ulit kami ay paniguradong awtomatikong sisimangot ang kaniyang mukha sa oras na masilayan niya kami.

“Salamat nga pala at dumating ka,” saad ko sa kaniya.

“Of course, dadating ako kasi nasa panganib ka na naman. Akala ko dati nakatadhana akong maging asawa mo dahil sa mag-mate tayo. Iyon naman pala ay nakatadhana akong maging nurse mo,” kunwari ay iritadong niyang saad na ikinatawa ko.

Tinapik ko ang kaniyang balikat. “Ang mahalaga may ambag ka sa mundo,” biro ko na ikinairap niya.

Inaya ko si Dani na hanapin ang mga magulang nila Vanessa at Kuya Vince. Nasisigurado ko na malapit lang sila sa amin. Nagpalit ng anyo si Dani at kahit mahirap ay pinilit kong sumakay sa kaniyang likod. Nagsimulang lumakad at umamoy ang kaniyang itim na lobo. Bitbit ko ang flashlight na kanina ay dala-dala niya. Hindi na ako nag-abalang pailawin pa iyon para makatipid.

Mayamaya ay tuluyang huminto si Dani. Binuksan ko ang hawak kong ilaw at nang itutok ko iyon sa unahan namin ay nakita ko ang mag-asawa na walang malay at nakahiga sa nagkapira-pirasong mga istruktura. Naliligo na sila sa sarili nilang mga dugo. Kaagad ako na bumaba kay Dani. Habang si Dani naman ay kaagad ding nag-anyo bilang tao.

“Patay! Naubos na iyong gamot na dinala ko mula sa mundo ng mga tao. Akala ko kasi ikaw lang ang nasa panganib.” Problemadong saad ni Dani habang nakatingin sa dalawang matanda.

Lumuhod ako sa kanilang tabi upang alamin kung may pulso pa sila. “Buhay pa sila,” saad sa akin ni Dani. Oo nga pala at malakas ang pangdama kapag nasa anyong lobo at pati ang pagtibok ng puso ng ibang tao ay naririnig namin kung aming gugustuhin.

Hinubad ko ang aking t-shirt at pinunit ko iyon. Gumawa ako ng mahahabang piraso mula dito at itinali ko iyon sa malalang sugat ni Tito Rogel upang kahit papaano ay makatulong ito upang bumagal ang paglabas ng kaniyang dugo. Habang si Dani naman ay bumalik sa kaniyang anyong-lobo upamg paghilumin niya ang sugat ni Tita Elena. Nang matapos siya sa kaniyang ginagawa ay unti-unting nagkamalay si Tita Elena.

Kaagad na nabaling ang atensyon niya sa kaniyang asawa na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Kung nakakapagpalit lang sana ako ng aking anyo ay magagawa ko ding magamot ang kaniyang asawa ngunit kahit anong subok ko ay talagang hindi pa kaya ng aking katawan. Si Dani naman ay hindi niya magagamot ang sugat ng isang lalaki na hindi naman niya mate ngunit kung kaparehas niya ng kasarian ay magagawa niya iyon, ganoon din sa aming mga lalaki.

“Mabubuhay pa ba ang asawa ko?” Naluluhang tanong ni Tita Elena sa amin ni Dani. Pinagsalit-salitan niya kami ng tingin habang humihingi ng sagot sa amin.

Hinawakan siya ni Dani sa kaniyang mga kamay. Nginitian niya ang ginang kahit nasa ganitong sitwasyon na kami. “Huwag po kayong mag-alala. Mabubuhay siya dahil kakayanin niya ‘yan,” pagsagot ni Dani. Nakikita ko na sigurado si Dani at alam niya ang kaniyang mga sinasabi.

Inilagay na muna namin sa maayos at ligtas na lugar ang mag-asawa. Kailangan pa naming hanapin ang iba at hindi naman sila maaaring isama dahil baka kung mapano lang sila sa aming gagawing paghahanap. Tiyak na hindi rin kakayanin ng kanilang katawan na sumakay sa likod ni Dani.

KUMIROT sa sakit ang puso ko nang makita ko ang kalagayan ni Jennifer. Walang siyang malay habang nakahiga ang kaniyang katawan sa malamig na lupa. Kaagad akong bumaba sa likod ni Dani upang lapitan siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at nakuluhang hinagkan ko ang kaniyang mapuputlang labi.

“Andito na ako. Gumising ka na,” mahinang pagkausap ko sa kaniya. Wala akong nakuhang tugon mula sa kaniya. Naghintay pa ako ng ilang minuto upang magkamalay siya. Sinubukan ko siyang kausapin.

Pinagmasdan ko ang kaniyang kabuuan. Bagama’t duguan ang kaniyang kasuotan ay walang mababakas na sugat sa kaniyang katawan. Marahil ay nagawa niya pang gamutin ang kaniyang sarili.

Napatingin ako sa kaniyang mukha nang maramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang mga braso. Kasunod no’n ang dahan-dahang pagmulat ng kaniyang mga mata. Napangiti siya nang makita niya ako.

“Gising na siya. Kailangan na nating magmadali!” saad naman ni Dani. Nabaling ang tingin ni Jennifer sa kaniya at nang makita siya nito ay awtomatikong nawala ang ngiti sa kaniyang  mga labi. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin ng masama.

“Pwede bang mamaya ka na magselos? Hanapin muna natin iyong iba.” Nakangiwi kong saad. Mas lalo niya akong pinanlakihan ng mga mata.

“Bakit?” Nagtataka kong tanong.

“You’re touching my boobs, Akira!” sigaw niya. Nagulat ako sa kaniyang sinabi at kaagad akong napatingin sa kamay ko na nakahawak na pala sa kaniyang hinaharap. Pinisil ko pa iyon para malaman kung totoo ba ito o isang panaginip lamang.

“Hoy!” Nanggigil na sigaw pa niya dahil sa ginawa ko. Marahas na tinanggal niya ang kamay ko sa kaniyang katawan.

“Malalagot ka sa akin pagkatapos nito!” Pagbabanta pa niya.

“Noted, ma’am!” Kunwari ay seryosong saludo ko ngunit sa huli ay hindi ko mapigilan ang matawa sa kaniyang hitsura na galit na galit na sa akin. Inirapan niya lamang ako.

Dahan-dahang ko siyang binuhat upang isakay sa likod ni Dani. Nang mahawakan ko pa ang kaniyang likod ay napa-aray siya dahil sa sakit. Nang makasakay na kaming dalawa ay sinimulan na ulit namin ang paglilibot. Madaming mga sugatan na taong-lobo ang aming nadaanan at lahat sila ay tinulungan namin sa abot ng aming makakaya upang gamutin sila. May iilan na sa sobrang lubha ng sinapit ay hindi na namin nagawa pang iligtas.

Masakit sa kalooban na makita ang iba sa mga kauri ko na nag-aagaw buhay sa mismong harapan ko at wala akong magawa dahil kahit ako ay isang mahinang nilalang lamang ng mga oras na ito. Napatayo ako at pinagmasdan kong muli ang aking paligid kahit hindi ko iyon aktuwal na nakikita. Napatanonh ako sa aking sarili.

Paano ako magiging karapat-dapat na maging Alpha ng lahi namin kung ako mismo ay hindi ko kayang protektahan ang aking mga nasasakupan? Mahina ang aking pangangatawan sa ganitong sitwasyon sapagkat hindi naman ako nahasa simula bata pa. Nang makarating naman ako sa mundong ito ay hindi ko naman nagawang magkapagsanay dahil nagpapagaling ako.

Ngunit ngayon, ako ang kasalukuyang Alpha. Dapat maging matapang ako para sa kanila. Dapat kayanin ko dahil nakaya nga nila. Sinubukan kong magbagong-anyo kahit pa sobrang napakahirap at napakasakit niyon sa akin. Umalingawngaw sa paligid ang napakalakas na sigaw ko na sa huli ay unti-unting naging malakas na ungol ng aking lobo.

“Grooowl!”

Malinaw ko ng nakikita ang aking paligid kahit pa sobrang dilim. Sinimulan ko ng lawayan ang lahat ng sugat ko at hindi nagtagal ay kaagad na naghilom ang lahat ng ‘yon. Matapos ay iniwan ko na si Jennifer kay Dani. Sila na ang bahalang maghanap kay Vanessa at Kuya Vince. Habang ako naman ay gagawin ko ang aking tungkulin. Magagawa ko ng mapaghilom ang sugat ng mga taong-lobo na lalaki ang kasarian. Mabilis ko na din na madadala sa ligtas na lugar ang mga babae, bata, matatanda at mga lalaki.

NAPAPIKIT na lamang ako nang biglang may tumamang ilaw ng flashlight sa mga mata ko. Ayst! Bakit sa mata ko pa talaga niya itinutok iyon. Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Jennifer.

“Kuya, ako ‘to!” saad niya. Nang imulat kong muli ang aking mga mata ay sa ibang direksyon na nakatutok ang flashlight. Napatingin ako kay Jennifer na ngayon ay nakasakay sa likod ng isang itim na lobo.

Pinanuod ko lamang siya na makababa at lumapit sa akin. Hindi ko magawang tumayo o gumalaw ng malaki dahil sa malalang sinapit ng aking katawan. Gamit ang kaniyang kapangyarihan bilang isang witch ay nagamot niya ang aking mga sugat. Ang kaunting porsyento ng kaniyang kapangyarihan ay ginawa niyang isang massage chair at doon ay inihiga niya ako upang mabilis na makabawi ako sa aking lakas.

Sunod naman niya na dinaluhan ay si Vanessa. Pagkatapos ng paggagamot niya sa aking kapatid na ngayon ay nagsisimula ng magkamalay ay nahimatay siyang bigla. Mabuti na lamang at kaagad siyang nasalo ng kasama niyang babae na kaagad nakapagpalit ng anyo. Napaiwas kaagad ako ng tingin mula sa hubad niyang katawan. Hindi din nagtagal at bumagsak muli ang aking katawan sa mabatong lupa dahil nawalan na ng bisa ang kapangyarihan ni Jennifer.

“Kuya? Anong nangyari?” Naguguluhang tanong ni Vanessa. Napahawak siya sa kaniyang ulo na para bang sumasakit iyon.

“Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ko. Lumapit ako sa kaniya at hinilot ng dahan-dahan ang kaniyang sentido.

“Okay lang ako Kuya. Huwag ka ng mag-alala.” Nakangiting saad niya sa akin. Alam kong sinasabi niya lang ‘yan para hindi na ako makadagdag ng problema sa kaniya.

“Ano nga pala ang nangyari? Hindi ko kasi maalala ng maayos?” tanong niyang muli.

“Nahanap na natin siya!” Seryoso kong saad. Napatingin ako sa napakaliit na lilang liwanag sa malayo, nararamdaman kong si Clara iyon. Kasalukuyang gumagalaw sa mabilis na kilos ang liwanag na iyon. Ano na kayang nangyayari sa kaniya? Marahil ay nakikipaglaban na siya sa kaniyang tiyahin. Malaki ang takot ko para sa kaligtasan ni Clara sapagkat ang kaniyang kalaban ay isang nilalang na wala ng puso para sa kaniyang kapwa.

“Aming Luna, maaari niyo po ba akong dalhin sa kinaroroonan ni Clara?” Magalang na tanong ko sa kaniya. Hindi ko man lamang siya tinapunan ng tingin at nanatiling nakatingin sa ibang direksyon ang aking mga mata.

“Ngunit paano si Jennifer? Wala siyang malay,” saad niya.

Tumingin ako kay Vanessa at tumango siya sa akin nang maintindihan niya ang nais kong ipabatid. Dahan-dahan siyang tumayo upang lumapit sa pwesto ng dalawa.

“Ako na pong bahala muna sa kaniya. Iwan niyo na po kami dito, Luna,” narinig kong saad ni Vanessa kay Dani.

Inakay ni Vanessa ang walang malay na si Jennifer at inihiga niya ang katawan nito sa mas maayos na lugar. Pagkatapos ay naupo siya sa tabi nito upang magbantay.

“Maaari ka ng sumakay sa akin,” saad ni Dani sa akin. Hinagkan ko muna sa noo si Vanessa bago ako tuluyang humarap sa aming Luna. Maliksing umakyat ako sa kaniyang likuran. Salamat kay Jennifer at unti-unti ng nakakabalik ang aking buong lakas.

Matulin na tumakbo ang lobo ni Dani patungo sa kinaroroonan ni Clara. Mahigpit na napakapit ako sa kaniyang katawan. Sumasalubong sa amin ang malalakas na pwersa ng hangin. Unti-unti ay natatanaw ko na ng malapitan si Clara na nakikipaglaban kay Amara. Tila bumagal ang mundo sa amin nang makita ko kung paano lagyan ng malaking hiwa sa likod si Clara ni Amara.

Napatigil sa paglapit si Dani. Mabilis na nagpalit ako ng anyo sa pagiging lobo at magkasabay kami ni Dani na sinugod si Amara bago pa niya maitusok muli sa katawan ni Clara ang dulo ng kaniyang itim na itim na javelin. Ngunit bumagsak lamang kami sa hangin. Hindi ko namalayan kung kailan nagsimulang maging ilusyon na lamang ang imaheng iyon ni Amara.

Napatingin ako kay Clara na ngayon ay nakaluhod lamang at nakatukod ang mga kamay sa lupa. Maraming dugo na ang nawawala sa kaniya ngunit hindi pa rin siya natutumba sa lagay niyang iyon. Napatingin siya sa gawi namin ni Dani at nang magtama ang aming mga mata ay ngumiti siya sa akin. Isang napakagandang ngiti na parang iyon na ang una at huling sandali na masisilayan ko iyon.

Before Us (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon