Chapter 08.03 : The Case

47 2 0
                                    

Duguan ito. Tadtad ng saksak ang iba't ibang bahagi ng katawan at nakatali pa ang mga paa't mga kamay. Higit sa lahat, nawawala ang ulo nito.

Nagpahugot ng malalim na buntong hininga at napapikit nalang ng mariin si Officer Oregon matapos tanggalin ang suot na salamin sa sariling mata. Naisandal n'ya ang ulo sa headboard at naibaba ang mga larawan ng kahindik-hindik na sinapit ng isang matandang babae.

Walang ganang napasulyap s'ya sa kasama na kasalukuyang nagmamaneho ng sinasakyan nilang itim na Frontier.

Walang ganang napasulyap s'ya sa kasama na kasalukuyang nagmamaneho ng sinasakyan nilang itim na Frontier

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkunwa'y ibinalik n'ya ang tingin sa harap at pipikit-pikit na sinuot ang salamin sa mata.

"Walang pattern ang panahon ng pagpatay. Walang koneksyon ang mga biktima. Hindi ko rin maintindihan kung gusto n'ya bang pahirapan sila o talagang nangongolekta lamang talaga s'ya ng mga ulo. Pero pare-pareho silang itinali, sinaksak at pinutulan ng leeg..."

Unti-unti s'yang napatulala sa kalsadang tinatahak nila at mahina na lamang natapatanong sa sarili.

"Gano'n ba talaga kadali kumitil ng buhay?"

Pilit n'yang inilalagay ang sarili sa sapatos ng kriminal. Ngunit kahit anong gawin n'yang pagtitig sa bawat larawang nakita nya'y hindi n'ya matuntun ang mga kasagutan.

Ang tanging alam lamang n'ya ay ang may kagagawan lamang makasasagot ng mga iyon...

Isang banayad tawa ang pumutol sa paglalakbay ng kan'yang isipan. Bagama't sumasakit na ang ulo n'ya sa kaiisip, tila'y singgaan pa rin ng isang balahibo ng ibon ang boses na iyon kung kaya't dahan-dahan na lamang s'yang napalingon sa katabi.

"Sir. . ." mahinang sambit n'ya.

Sumilay ang isang kaaya-ayang ngiti sa labi ng kasama at sandali na lamang napatanaw sa katabing bintana.

Bako-bako man ang daan ngunit napakalinis at presko ng paligid, napaliligiran rin ito ng nagtatayugang punong kahoy.

Napakurap s'ya.

There's no way that a sane person would smile after all the deaths of those humans...

Nagpakawala s'ya ng mabigat ng buntong hininga. Sa katunayan nga'y ito na ang ikalimang biktima at papunta sila ngayon sa pamilya nito. Hindi na maganda ang lagay ng imbestigasyon mula pa man sa ikatlong biktima, na kung saan maaari na pagpasyahan bilang isang serialmurder case ang magkakasunod na krimen. Kaya't kahit malayo ang probinsyang ito'y kinakailangan pa nilang sadyain.

Pinatay ng huli ang switch ng aircon at binuksan ang mga bintana kung kaya't napapikit at napangiti nalang ito nang maramdaman ang banayad na salubong ng sariwang hangin sa katabing bintana pagkunwa'y muling nagmulat. Dahil doon ay hindi napigilan ni Naive ang mapatitig rito...

THE EX-CONVICT RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon