Chapter 12 : Not a police officer who loves a chocolate ✓

68 9 0
                                    

"Reporting! PO1 Perry sir! From the former, Special Investigation Unit 2!"

"Unit 2? Ang balita ko nabuwag na sila at ikinalat ang mga miyembro nila sa iba't-ibang division. Oy, Oregon diba galing ka do'n?"

"Kung gano'n sa'n napunta ang lead detective?"

"Si Detective Hamada? Ang balita ko in-assign s'ya sa bagong Special Security Squad. Ang balita ko pa'y isa s'ya sa mga pumigil sa malaking pagsabog sa sunod-sunod na pagbomba ng terrorista noong nakaraang linggo."

"Kung gano'n, mukhang naging stepping stone n'ya lang talaga ang unit 2. Parang 'yung nangyari lang rin sa kaso n'ya sa bayan ng Castillejos. Ang sabi pa nga, namatay 'yung partner n'ya dahil sa pagiging iresponsable n'ya pero inilipat lang s'ya ng division pagkatapos may kaso na naman s'yang hinawakan. Grabe nakakatakot maging partner ang tulad n'ya."

"Gano'n talaga, kapag may kapit sa itaas. Nahahawakan n'ya ang mga kasong gusto n'yang hawakan. Tatay-tatayan n'ya yata yung isa sa mga Gregorian."

"Sugar daddy ang puta. Pfft!"

"Gago! May makarinig sa'yo d'yan!"

Alas neube pa lamang ng umaga ay maririnig na ang ingay ng mga opisyal sa lobby ng presinto na abalang nagaasikaso ng mga papeles at mga bagong dating na mamamayan mula sa iba't-ibang sulok ng sentro habang sa hall naman nito ay paroon-parito ang mga abalang opisyal.

"Sir, pwede po magtanong, sa'n po makakakuha ng police clearance?"

"Ah, do'n pumila ka do'n."

"Eh, gago ka pala! Ikaw itong nanggugulo umagang-umaga!"

"Anong!? Sir! S'ya itong bigla akong tinadyakan habang natutulog!"

"Natutulog!? Nasa harap ka ng tindahan namin nakahilata na parang aso!"

"Sir!?"

"Ah! Ewan ko sa inyo! May gagawin pa akong report! Hoy! Kayo nga muna ang magasikaso sa mga 'to!"

"Yes, sir!

Ang lahat ay abala sa kan'ya-kan'yang gawain habang ang ibang opisyal naman ay nagagawa pang magkwentohan at magtawanan kaya't hindi maiwasang magsalubong ang kilay ng ilan sa mga taong nakapila para kumuha ng police clearance at kung ano-ano pang papeles ngayong umaga. Gayunpaman, sa pinaka-sulok-sulokan ng gusali, sa dulo ng hall matatagpuan ang silid ng Homicide Investigation Department Unit 4.

Kumpara sa lahat ng parte ng gusali, makikitang tanging ito lamang ang tahimik na silid at wala rin itong katao-tao, mistulang hindi ito dinadalaw kahit ng multo. Ngunit oras na itulak mo ang pinto nito ngayong alas-nuebe ng umaga, makikita mo ang isang lalaking nakatayo sa loob nito...

Nakasuot s'ya ng puting longsleeve na pinaresan ng stripe blue at white na necktie habang ang kan'yang suot na trouser ay kulay asul rin.

Nakasandal s'ya sa lamesa habang pinagmamasdang mabuti ang mga larawang nakadikit sa whiteboard na nasa harapan n'ya. Nakahalukipkip ang kan'yang mga kamay habang ineeksaminang mabuti ang limang mag-kakaibang crime scene. Gayunpaman kahit saan man anggulo n'yang tingnan, literal at pare-parehas lamang na pinutulan ng ulo ang mga biktima, higit sa lahat ay wala pang natagpuan ni isa sa nawawalang bahagi ng labi ng mga ito.

Mahigit dalawang buwan na 'rin simula nang ibigay ang kaso sa Homicide Investigation Department ng unit 4. Ayon rin sa mga balita'y nagkaroon ng mga sunod-sunod na pagpapasabog sa sentro noong nakaraang buwan lamang at naging target ang ilan sa mga senador na tatakbo para sa darating na halalan. Marami ang naging napinsala, mapa mamamayan man at pampublikong lugar kaya bigla ang naging pagbuo sa isang Special Security Squad na binuo ng mga elite at outstanding officer mula sa iba't-ibang Division at isa na nga roon si Detective Hamada. Ang mabuti na lamang talaga ay kahit papaano'y naagapan ng buong squad bago pa mangyari ang mas malaking pagsabog nitong nakaraang linggo. Sa kabilang banda, wala pa rin itong interes na kunin ang kaso. Nabigyang atensyon man ito ng publiko ay isinantabi pa rin ito.

RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon