Chapter 11 : A smile under a moonlight

65 4 1
                                    

'Hindi ang mga larawan ang tinutukoy ko, kun'di si Naya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


'Hindi ang mga larawan ang tinutukoy ko, kun'di si Naya... At ang pamilya sanang nabuo n'yo...'

Ala-syete pasado na ng gabi.

Ibinato ni Kian sa tubig ang kinuha n'yang nakadikit na sea shell sa kinauupuang bato at napabuntong hininga na lamang. Kasalukuyan s'yang nakaupo sa isang malaking bato kung saan malakas na humahampas ang alon ng karagatan. Tinanaw n'ya ang dulo nito at pinakinggan ang bawat hampas ng tubig sa batuhan. Bilog na bilog ang buwan mula sa kalangitan kaya't kitang-kita n'ya ang mga nag-lalakihang bato sa kan'yang paligid. Ang tubig sa paanan nya'y kumikintab na parang crystal kaya't siguradong makakaramdam ng kapayapaan ang sino mang naririto.

Gayunpaman, kahit anong gawin nya'y hindi n'ya matanggal sa kan'yang isipan ang malungkot na larawan ni Naya kaninang tanghali kaya't maging si Johan ay tila naglalaro na rin sa kan'yang isipan. Kanina nang makaalis ang mga pulis at nakita n'ya kung paano wala sa sarili si Naya kaya't mas minabuti na lamang n'ya ring umalis na muna, at magpunta sa dagat kung saan sila mag-kaibigan na palaging naglalaro noong mga bata pa lamang sila.

Marami na ang mga nag-bago sa lugar na ito ngunit kahit papaano'y buo pa rin ang bundok na nasa tabi ng dagat. Marahil ay gawa ito sa bato at unting lupa lamang. Gayunpaman, ang dating mga puno at damong tumutubo rito noon ay nag-laho na kung kaya't mas pinili na lamang n'yang magpalipas oras sa ibaba at likuran nito kung saan wala s'yang ibang makikitang tao. Sa likod at ibaba ng isang talampas kung saan bibihira lamang bisitahin ng mga tao dahil sa mga matutulis at naglalakihang bato na nakakalat sa tubig. Masyadong delikado ang lugar na ito kung tutuusin kung kaya't masasabi mong ito lamang ang hindi nagbago. May mga plastic at kung ano-ano na ring nakakalat na makikita sa buhanginan bago s'ya nakarating rito kumpara noon ay napakalinis ng karagatang ito. Ang dalampasigan, tanging ang mga nag-kalat at makukulay lamang na mga sea shells ang makikita noon rito-hindi basura. Ngunit ngayon, ni isang coral o sea shell, wala ka nang makikita. Tanging ang lugar na lamang na ito mismo ay may mangilan-ngilan kang makikita na may nakakapit na mga buhay na shell sa batuhan. Napakatahimik at kalmado rin ng paligid kaya't kahit papaano'y naging komportable s'ya. Isang lugar na tahimik kung saan malayo sa mga tao...

Ilang oras na rin ang itinagal ni Kian sa lugar na ito. Nakaupo sa bato, pinapanood ang paglubog ng araw at pinakinggan ang paghampas ng mga alon sa batuhan ngunit dahil tila isang sirang plakang naglalaro sa likod ng isipan n'ya ang mga boses ni Johan ay napagdesisyonan n'yang tanggalin ang mga butones ng polo nya't hinubad ito saka bumaba ng batuhan. Nag-lakad s'ya patungo sa mas malalim na parte ng tubig pagkunwa'y huminto. Tanaw ang dulo ng karagatan ay ipinikit n'ya ang mga mata at walang ano-ano'y inilubog ang sarili. Sa lamig ng panahon at ng tubig ay talagang nakakapagpakalma ito sa kan'yang sistema upang makapagisip-isip s'ya ng maayos.

'Bakit bumalik ka pa?'

Nanatili s'ya sa ilalim ng tubig.

'Huwag mo 'kong sisihin dahil pinakasalan ko sya.'

THE EX-CONVICT RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon