Chapter 13 : Attacked

58 5 0
                                    

Makalat. Hindi maganda ang amoy.

Iyon ang bumungad kay Naya oras na makapasok sa loob ng bahay ng yumaong asawa. Kaparehas na kaparehas ng sinabi ng abogadong dumalaw sa kan'ya sa Zambales.

Nang buksan n'ya rin ang ilaw ay nag-patay sindi ito pagkunway bigla nalang pumutok. Dahilan upang maitakip n'ya ang sariling mga kamay sa tainga at napayuko. Halos mapasigaw s'ya sa gulat kasabay ng malakas na pagkabog ng kan'yang dibdib kung kaya't nakagat na lamang n'ya ang sariling labi. Ilang sandali ay muling nag-dilim ang paligid.

'Johan...!' inis na inis n'yang reklamo sa sarili.

Sinindihan n'ya ang flash light ng hawak n'yang cellphone at nag-lakad patungo sa mga bintana at isa-isang hinawi ang mga ito. Nang ilibot n'ya rin ang kan'yang paningin ay binati s'ya ng ilang bote ng alak sa lamesa kung saan naroon pa ang mga picture frame na gawa mula sa kahoy at hindi pa tapos gawin. Inukitan rin ang mga ito, patunay na gumagawa ng mga pag-uukit sa kahoy si Johan. Sa sahig naman ay naroroon ang mga pinag-gupitang photo paper at bakal na gunting. May mga random pictures rin ang nag-kalat dito tulad ng mga magagandang tanawin mula sa iba't-ibang lugar na nabisita ni Johan. Isa-isa n'yang pinag-pupulot ang mga ito.

Sa kan'yang pag-hakbang ay nahinto s'ya nang bjliglang mabasag ang katahimikan sa buong bahay oras na maapakan n'ya ang isang basag na salamin. Napayuko s'ya ngunit awtomatikong napaatras nang mapansin ang mga bahid ng dugo rito, sa tabi nito ay naroroon ang isang sculpture, bahagya itong natatakpan ng maliit na tuwalya.

Nasa gano'ng katahimikan ang buong paligid nang bigla nalang umalingawngaw ang isang pares ng mga yapak.

"Si-sino yan?!" Naalerto si Naya sa narinig at napaangat ng tingin, nagmumula ito sa isa sa mga pinto di kalayuan mula sa kan'ya. Dinampot n'ya ang sculpture sa kan'yang paanan at dahan-dahang nag-lakad patungo sa pinanggalingan ng ingay. Pagkunwa'y umigpit ang hawak n'ya sa sculpture kasabay ng tila pag-bigat ng kabog ng dibdib n'ya. Nadaanan n'ya pa ang pinto ng kwarto ni Johan, makalat rin ang loob nito tulad ng sala ngunit wala naman s'yang nakita rito kaya't nag-dire-diretso s'ya sa banyo. Nakarinig pa s'ya ng kaluskus kung kaya't napalunok nalang s'ya at lalong humigout ang hawak sa sculpture, ngunitnbago pa man n'ya malaman ay napaatras na lamang s'ya at hindi na naka-reak pa nang salubungin s'ya ng isang lalaki na nakasuot ng itim na facemask at cap. Nag-katitigan pa sila ng dalawang segundo bago s'ya tuluyang banggain nito para tumakbo palabas. Natumba s'ya at napasalampak nalang sa sahig. Tinangka n'yang abutin ang facemask na suot nito ngunit hindi na n'ya nagawa pa. Nabitawan n'ya ang hawak na sculpture at agad na tumayo upang humabol.

"Sandali!" Sigaw n'ya kasabay ng pag-dampot n'ya ng isang nakakalat na bote sa bunton ng mga aklat sa lamesa.

"Sandali lang!" Muli n'yang tawag rito ngunit ni hindi man lang ito lumingon kaya't humigpit ang kapit n'ya sa hawak na bote at walang ano-ano'y ibinato ito sa direksyon ng lalaki. Mabilis at asintadong nasapol sa ulo ang lalaki sa laki ng bote dahilan upang muntik na itong madapa. Lumagutok iyon at umalingawngaw ang pagtama ng bote sa ulo nito.

Gayunpaman, hindi nabasag ang bote nang mahulog ito sa sahig ngunit sa kapal non at lakas ng pag-kakahagis n'ya ay napasapo sa sariling ulo ang lalaki nang muntikang mawalan ng balanse. Kaya't bago pa man ito tuluyang makalabas ng pinto, sinamantala ni Naya ang pag-kakataong iyon. Inilibot n'ya ang paningin sa sahig at nang makita ang gunting na nakita n'ya kanina ay agad n'ya iyong dinampot at tumakbo patungo sa lalaki. Hinarangan n'ya ito at ini-lock ang pinto. Palabang tinutukan ito gamit ang hawak na gunting, "Si-Sino ka?! A-anong ginagawa mo rito?!"

Hindi ito sumagot bagkus ay lalo pa itong yumuko at isinuot ng maayos ang hawak na cap animo'y nais itago ang pagkakakilanlan kaya't kinuha n'ya ang cellphone n'ya sa kan'yang bag at hindi n'ya maiwasang maya't-mayang ibalik ang tingin rito. Base sa itsura nitong naka-face mask at ang edad ay tamang-tama ang pag-lalarawan ni Officer Gregory. Nasa 20's ang lalaking ito... Isa pa, bigla-bigla na lamang itong pumasok sa bahay ng asawa n'ya, may karapatan s'yang tanungin ito. Gayunpaman kung totoo nga ang sinasabi ng opisyal ay hindi pa rin s'ya makapaniwalang bata pa nga talaga ang may gawa nito kay Johan, at bakit? Bakit n'ya ito gagawin kay Johan?

Sa isang iglap, nahinto s'ya nang mapag-tantong low battery na ang kan'yang selpon kung kaya't humigpit nalang ang hawak n'ya sa selpon at iningatang mabuti na hindi ito mapapansin ng huli. Bahala na. May checkpoint s'yang nadaanan kanina bago s'ya nakarating sa street na ito.

"I... I'll be calling the police-" Tinadyakan s'ya nito kaya't nagulat sya't napasigaw na lamang sa sakit at napasalampak sa sahig.

Ipinihit nito ang seradura kaya't kagat labi s'yang bumwelo agad at mabilis na ibinaon sa binti nito ang hawak n'yang gunting,

"Sandali! Gu-gusto ko lang makipag-usap sa'yo! A-ako ang asawa ni Johan. Gusto ko lang malaman kung sino ang kasamang babae ng asawa ko. Sabihin mo sa'kin! Pakiusap..." Agad n'yang binunot ang gunting at itinutok ito sa leeg  ng estranghero ngunit natawa lamang ito ng sarkastiko at tila balewala lamang na hinampas ang braso nya't agresibong hinila ang kamay n'ya paikot dahilan upang manlaki na lamang ang mga mata n'ya sa gulat.

Sa sobrang bilis at malakas na pwersa ng huli ay napasigaw na lamang s'ya, lalo na nang pilipitin pa nito lalo ang kamay n'ya saka s'ya nito malakas na binangga sa pader. Sa isang iglap ay natagpuan n'ya ang sariling tinutukan ang sariling leeg.

"A-anong?!" Gulat s'ya sa nangyari nang tangkaing magpumiglas. Hawak ng lalaki ang kan'yang kamay habang nasa likod n'ya ito. Ramdam na ramdam n'ya ang tulis at lamig ng metal na nakatutok sa kan'yang leeg nang mga sandaling ito kung kaya't napalunok nalang s'ya. Nanuyo ang kan'yang lalamunan at pilit na nagpumiglas ngunit tila wala lamang ang lakas n'ya kumpara sa huli. Madiin ang pag-kakabaon ng dulo ng gunting sa kan'yang leeg, ngunit kahit anong gawin n'ya ay hindi n'ya magawang tanggalin ito. Gipit-gipit s'ya ng lalaki at wala s'yang sapat na lakas para lumaban.

"Kapag nalaman mo ngang kung sino s'ya, anong mababago no'n?"

Nahigit ni Naya ang sariling hininga. Ang boses nito... Blanko at napakalamig.

Napapikit si Naya at nakagat nalang ang sariling labi nang maramdaman ang unti-unti pang pag-baon ng gunting sa leeg n'ya pababa sa likod n'ya. Nagiiwan iyon ng mainit na sensasyon sa kan'yang balat. Sa sobrang hapdi no'n ay wala s'yang magawa kun'di ang mapakagat na lamang ng labi habang nagpupumiglas.

"Na-nagkakamali ka... Hi-hindi magagawa ni Johan ang sinasabi mo. Hinding-hindi s'ya mambababae kaya hindi mo dapat s'ya pinatay—Aaahh!" Hindi na napigilan ni Naya ang mapasigaw nang tuluyan nang ibaon ng salarin ang dulo ng gunting sa leeg n'ya pababa sa kan'yang likod. Sigaw s'ya ng sigaw habang pilit na nagpupumiglas ngunit mas malakas ito at masyadong mahigpit ang pag-kakahawak nito sa leeg n'ya at katawan. Lalo lamang s'ya nitong itinutulak sa pader. Pasikip rin iyon na pasikip kaya't nahihirapan na s'yang huminga. Kasabay rin non ang pagalingawngaw ng pinupunit na tela sa buong bahay habang pababa ng pababa ang talim sa likod n'ya-desidido talaga itong pahirapan s'ya kagaya ng mga biktima nito.

RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon