Chapter 08.02 : A Silhouette

36 3 0
                                    

DRUG TREATMENT &
REHABILITATION CENTER

'Ang narinig ko, pinatay n'ya ang bestfriend n'ya habang tumitira sila ng droga. Grabe daw ang pagkatay... Pinutulan n'ya ng ulo.'

'Anak ng! Demonyo naman na yata ang makakagawa no'n.'

'Pero bakit nandito s'ya? Hindi ba dapat sa kabila s'ya?'

'Hala! Baka pati tayo patayin n'ya!'

'Sshh! Baka marinig n'ya kayo. May mga nagsabing nasa politiko ang magulang n'ya, iyon marahil.'

"Samantha?"

Nahinto sa pagpipinta ang isang dalawampu't apat na taong gulang na dalaga nang marinig ang boses ng kan'yang psychiatrist at napalingon sa puting pinto.

Sandali pa s'yang napalingon sa mga kapwa n'ya pasyenteng nasa loob rin ng silid, ang lahat ng ito ay may kan'ya-kan'ya pinagkakaabalahan sa kaharap na mga canvass bago n'ya tuluyang ibinaba ang hawak na paintbrush at iniwan ang sariling canvass.

"Mrs. Brown..." mahinang sambit n'ya nang lapitan ang doctor. Nginitian lamang s'ya nito sandali pagkunwa ay inakay s'ya palabas bago pa maistorbo ang iba.

Dinala s'ya nito sa cafeteria kung saan malayo pa lamang ay tanaw na n'ya ang naghihintay na isang pares ng mga pamilyar na kalalakihan sa lamesa dahilan upang mahinto na lamang s'ya.

Lihim n'yang naikuyom ang sariling mga kamao.

"It's okay. It's okay... They're not gonna ask you questions. They're here to see how you're doing."

Liar. Napalingon s'ya sa doktor n'ya na pilit s'yang inaalo. Ang mga ngiti nito at mga salitang araw-araw nalang nagmamanipula gamit ang mga tinatawag nilang kabaitan at pagtulong. Para s'yang nasusuka.

Sa huli, wala s'yang ibang mapagpipilian. Maliban nalang kung nais n'yang dagdagan pa nila ang atensyong ibinibigay sa kan'ya. Hindi pwede. Kailangan nilang makitang okay na s'ya.

"Ms. Samantha Lee Guerrero..." Agad na tumayo ang isa sa mga pulis at nakangiti s'yang binati saka inabot sa kan'ya ang sariling palad,

"Ako si Officer Gregory, ang isa sa mga officer na in charge sa kaso ni Ashly Andersen. Narinig kong ikaw ang matalik n'yang kaibigan kaya..."

Hindi n'ya kilala ito, ngunit 'yung kasama nito... Ilang beses nang nagpabalik-balik rito para guluhin ang utak n'ya. Kung kaya't imbis tanggapin ang palad nito ay binawi n'ya ang mga tingin mula sa mga ito bago pa man nito matapos ang sasabihin.

Bumaba ang tingin n'ya sa lamesa kung saan naroroon ang isang sketchpad at lapis.

"Ah, pasensya na. Hindi pa s'ya masyadong nagsasalita ngunit kahit papaano ay rumeresponde naman na s'ya. Maupo kayo. Sa katunayan nga n'yan ay nag-improved na ang kalagayan ni Sam..."

Dinampot ni Samantha ang lapis at sketchpad saka naupo sa katapat na upuan ng mga pulis upang ilibang ang sarili sa pagguhit habang nagsimulang mag-usap ang mga bisita at ang doktor n'ya.

Kamakailan lamang nang muling magbalik ang gana n'ya sa pagguhit. Ang akala n'ya talaga hindi na ito babalik. Simula kasi nang sukuan n'ya ito ay nalulong na lamang s'ya sa droga. Wala rin namang nangyayari. Kahit anong gawin n'yang pagsusumikap, hindi pa rin iyon sapat. Galit pa rin ang mga magulang n'ya sa kan'ya.

Sa huli, ito lamang ang alam n'yang gawin ngunit sinukuan n'ya rin. Maliban dito, wala na s'yang silbi pa sa mundong ito. Kaya nga naging malaking dagok talaga sa buhay n'ya nang mawalan s'ya ng gana rito. Isang dagok na si Ashly lamang ang nagtakip...

THE EX-CONVICT RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon