Chapter 01 : The Young Criminal ✓

113 7 0
                                    

"Mi-Mico...!"

Bumulwak ang sariwa at maligamgam na dugo mula sa kan'yang bibig kasabay no'n ang pagbalatay ng gulat sa kan'yang mga mata. Natulala sa pares ng singkit at matatalim na mga matang iyon-ang mga iyon ay mariing nakatitig sa kan'ya pabalik. Mistulan punong-puno ng matagal nang kinikimkim na mga emosyon, at ngayon nga'y tuluyan nang sumabog.

"Hi-Hindi...! Hindi... Hindi ka pwedeng mamatay nalang ng ganito...!" wala sa sarili nitong sambit. Tuliro at di alam ang gagawin, ngunit sa bawat katagang lumabas sa mga labi nito ay puno ng matinding hin-nanakit, galit, at pagkamuhi. Mga halo-halong emosyong hindi na kailangan pang ipaliwanag pa-nais pa nitong mag-hirap ang tulad n'ya.

Hindi pa s'ya pwedeng mamatay. Kailangan pa n'yang mabuhay at magdusa.

Tinangka n'yang tumugon, itanong na bakit? Gayunpaman bumulwak lamang ang sariwang dugo mula sa kan'yang bibig kasunod no'n ang pagdantay nito pababa sa gilid ng kan'yang mga labi. Napakurap s'ya, napatitig sa patpating dise-sais anyos na ngayon ay mahigpit na nakahawak sa kutsilyong nakabaon sa kan'yang sikmura, habang nakaupo sa kan'yang t'yan at nakatitig.

Sa mga sandaling ito ay tila bagang wala ni isa sa kanilang dalawa ang nais na gumalaw animo'y walang mag-aakalang maaari ngang mang-yari ang bagay na 'to... O, di kaya'y... iyon lamang ang akala n'ya...

Napangiti s'ya ng mapait at walang lakas na binasa ng laway ang duguang labi saka ito tinangkang itulak at kausapin. Gayunpaman muli lamang bumulwak ang sariwang dugo sa kan'yang bibig.

Wala na ba talagang kapatawaran? Pagmamahal ito, bakit hindi ka naniniwala? Bakit ka sa kanila nakikinig? Hindi ba pwedeng ako lamang ang 'yong dinggin?

Napakurap s'ya. Sa bawat pag-bulwak ng dugo mula sa kutsilyong nakasaksak sa kanya'ng sikmura ay unti-unti nitong nilalamon ang kan'yang lakas. Pakiramdam n'ya ay isa-isa nitong pinapatay ang ilaw sa buong hallway at wala s'yang magawa kun'di ang tuluyang mawalan ng enerhiya, mistulang isang bumbilyang kumukuti-kutitap...

Isang beses pa s'yang napakurap. Mistulang idinuduyan sa kadiliman ang kan'yang kamalayan. Hinihila s'ya nito pailalim, pababa sa tila walang hanggang kadiliman... At kahit anumang gawin n'yang paghihikahos tila'y mas lalo lamang s'ya nitong hinihila pailalim...

Anong gagawin ko?

Napaubo s'ya ng dugo, gayunpaman nagawa pa rin n'yang mapangiti habang pinagmamasdan ang malabo nitong larawan. Patuloy lamang sa pag-daloy ang sariwang dugo mula sa kan'yang mapuputlang labi kaya't dahan-dahan at nanghihina na lamang n'yang naiangat ang sariling palad para abutin ang pisngi ng binata. Sapuin ito at sabihing, 'Patawarin mo 'ko...' Gayunpaman, ang salitang patawad ay sapat nga ba? Sa daang walang pabalik ay sapat nga ba upang tanggapin nalang ito ng gano'n?

Hindi ba't ilang beses kang pinigilan?

"Ki..." mahinang sambit n'ya ngunit bago pa man n'ya mahawakan ang pisnge nito ay tuluyan na ngang bumagsak ang kan'yang kamay kasunod no'n ang dahan-dahang pag-pikit ng kan'yang mga mata...

"Kian. . ."

Para saan ang lahat ng ito? Para saan ang ipinaglalaban? Para saan ang mga pinaghirapan? Ang mga sakripisyo makamit lamang ang inaasam na liwanag? Ang mga tinalikuran para lamang rito? Para sa'n ang lahat? Para saan? Tuluyan na nga lamang ba talagang matatabunan ng pag-kalimot ang lahat?

RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon