Chapter 07 : The Crime Scene ✓

60 4 0
                                    

"This is the third one?"

"Yes, Sir. The first one was at the Greenhill subdivision. The second was around Pasig River happened this last two consecutive month. However we cannot confirm if it's related to the two other related cases yet but if it's really the same suspect, this would be the third victim."

Malayo pa lamang ay tanaw na ni Gregory ang pagtaas-baba ng balikat ng deputy direktor, indikasyon ng isang malalim na buntong hininga ng kan'yang Uncle Tate. Nilingon nito ang kausap na hepe,

"The medias are down there, do not release any information yet. Find a way to deal with them. Masyadong malapit sa lugar na ito ang dalawang kasong iyon hindi imposibleng magkakaroon ng panic. I'll be contacting the Unit 2 to close the case immediately."

"Sir...? Pero area ng unit four ito. Besides–"

"Hindi mo ba ako narinig? The medias has already set their eyes on this."

"Pero sa tingin ko mas makabubuting ang team na ni officer Gregory ang humawak nito. Mag-aanim na taon na rin s'yang narito sa unit 4. Isa pa, ilang kaso na rin ang nahawakan ng nila. Sa tingin ko oras na para humawak s'ya ng ganitong uri ng kaso para lumawak pa ang mga kaalaman n'ya. Huwag kayong mag-alala, sa kabila ng personalidad na mayro'n si officer Gregory isa s'yang responsableng pulis. Aalalayan ko s'yang mabuti." Mababakas ang paghahangad ng sagot na oo mula sa suhestyon ng hepe. Gayunpaman ay isang sarkastikong tawa lamang ang sumagot rito animo'y isang nakakatawang bagay ang narinig ng direktor.

"Aalalayan...? Sinasabi mong isa s'yang responsable. Kung gano'n nasa'n na nga pala s'ya?"

Natigilan ang hepe sa tanong ng deputy at sandaling sinuyod ang mga opisyal na nakakalat sa lugar.

"Sa nakikita ko ngayon, wala rito ang bastardong tinatawag mong responsable."

Nang makitang wala ang hinahanap ay hindi na nakasagot pa ang hepe. Natikom ito at napatikhim nalang na napaiwas ng tingin.

"Romeo Aguilar... It's been already four years since you taked his corrupt father's seat. But it looks like there's no progress at all, hindi mo ba gusto ang kinapapaglagyan mo ngayon?"

"Hi-hindi naman iyon ang ibig kong sabihin sir–"

Tinalikuran ito ng direktor. "Forget it. I expect nothing from him. I have a bad feeling about this case, there's already three victims, you should not understimate and take this as a light matter. Unit 2 will handle this matter."

"But sir–"

"That's not your problem anymore. Just do your duty. Also... Mrs. Dizon's family is losing patience, in no time they might hire a private investigator. We cannot afford to get criticized by the public again. Be more competent this time." maawtoridad na bilin ng direktor kung kaya't hindi na nakaangal pa ang hepe kun'di ang sumaludo.

"Yes, sir."

"Good Morning, sir." Kalmado at bahagyang yumuko sa direktor si Gregory nang mapalingon ito sa kan'ya oras na makalapit s'ya kaya't sandali pa itong napatitig sa kan'ya.

Mula sa matipuno nitong pangangatawan, matikas na tindig, tangkad, at maawtoridad na awra, ay halos nakuha ni Gregory ang lahat ng pisikal na katangian rito ngunit ang mabagsik at masamang awra na bumabalot rito ay tila bagang nalalayo, animo'y total opposite n'ya ang isang 'to pagdating sa paghahandle ng mga bagay-bagay. Gayunpaman ay kitang-kita n'ya kung paano unti-unting mawalan ng ekspresyon ang mukha nito oras na makita s'ya.

Binawi nito ang tingin mula sa kan'ya at tumalikod na upang umalis. Bakas ang disgusto sa nakita, wari ay hindi na matagalan pa ang kan'yang presensya.

"The victim is from an established lawfirm. Wrap everything up as soon as possible, send the details to Detective Hamada of Unit 2. This one is for him. If you cannot prove yourself with this little responsibility, go back at the patrol division." Diretso at walang kagatol-gatol na utos nito sa kan'ya.

THE EX-CONVICT RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon