Chapter 03 : Ill Intention 2 ✓

39 4 0
                                    

"Si Naya..."

Bahagyang tumawa si Kian. Nagawa n'yang ibalik ang sigla sa mukha n'ya pagkatapos ng ilang segundo pagkunwa'y ibinalik n'ya ang tingin sa larawan, "Masaya na ka'yo. Bakit ko pa iyon sisirain?" Sinulyapan n'ya si Johan at ibinalik ang larawan sa kinapaglalagyan nito.

"Kuntento na ako sa kung anong meron ako. Nasa tamang ayos na ang lahat Johan..." Ngumiti s'ya at nagangat ng tingin sa pinakamalaking larawan ng karagatan at kalangitan na nasa silid pagkunwa ay napatulala nalang rito,

"Ang kailangan ko nalang ay magsimula ng panibago... Nagawa ko nang lagpasan ang isa sa mga bagay na nagpamulat sa'kin sa reyalidad. Hindi gano'n kakitid ang utak ko para manira ng isang masayang pamilya."

Nilingon n'ya si Johan, "Inaalagaan mo naman s'ya ng mabuti, hindi ba?"

Hindi sumagot si Johan bagkus ay napatitig kay Kian. Maraming tumatakbo sa kan'yang isipan. Hindi s'ya basta-basta naniniwalang walang galit si Kian laban sa kanila. Tao si Kian. Wala itong pinagkaiba sa kan'ya at sa kahit na sino pa man. Naniniwala s'yang kahit gaano pa man kabait o kainosente ang tao, di magtatagal, matututo ito sa mga patakaran ng mundo. Mga patakarang lumilikha ng halimaw.

Ibinuka ni Kian ang bibig sa reaksyon n'ya. Gayunpaman ay inunahan na n'ya ito. Tumango-tango s'ya at namulsa pagkunwa'y umiwas ng tingin. Nagbuga s'ya ng usok mula sa sigarilyo saka hinarap si Kian.

Bumaba ang tingin n'ya sa dibdib nito at bahagyang napatitig rito.

"Yung tattoo mo, nandyan pa?"

"Huh? Ah, O-oo..." Hinawi ni Kian ang sariling damit at ipinakita ang hinahanap ng kaibigan.

"Naalala mo pa pala ito. Pinagawa ko no'ng nasa 164 pa ako tulad ng sinabi mo." Natatawa n'yang wika.

"Pasensya na, isip bata pa 'ko no'n kaya gusto ko rin mayro'n ka." ani Johan at muling humithit ng sigarilyo saka umiwas ng tingin kung kaya't natawa nalang si Kian.

"Kung gano'n, ano nang plano mo para sa mga darating na panahon?"

Bahagyang napangiti si Kian sa tanong ng kababata at ibinaba sa upuan ang kan'yang dalang bag at naupo, "Sa katunayan n'yan ay kakakuha ko lang ng Bartender License nang matanggap ko ang sulat mo. Kasisimula ko lang pero siguro hanggang sa maka-ipon ako at mabayaran ang mga utang ko. May mga kaibigan rin ako kahit papaano na tumulong sa akin. Si Ivan, 'yung bata kanina. Nakausap mo s'ya noong nasa Juvenile Center pa ako. Naalala mo pa ba s'ya?"

"Yung bumaril sa sarili n'yang tatay?" Tumango si Johan. "Nagtatrabaho yata s'ya d'yan sa ginagawang swimming pool sa kabilang bahay?"

Tumango si Kian at natawa nalang, "Ah, oo. Maliit na mundo. Dinalaw ko s'ya kaya dumaan na rin ako rito."

"Ang alam ko, kalahating taon lang s'ya sa youth center. Mabuti't may kontak pa rin kayo hanggang ngayon?"

"Hmn. Mas nauna s'yang nakalabas sa akin pero dinadalaw n'ya ako simula nang makalabas s'ya. S'ya rin ang nag-refer sa akin sa boss n'ya kaya may trabaho ako ngayon. Si Liu pala, kamusta na s'ya?"

"Si Liu?" Natawa si Johan at tinalikuran si Kian.

"Pinaalala mo pa, hindi na talaga nagbago ang kumag na 'yon. Mas lalo pang lumambot ang gago." Nagsalubong ang mga kilay ni Johan at muling napahithit ng usok kaya't natawa na lamang si Kian. Ramdam n'ya ang pamumuo ng inis ni Johan sa ipinasok n'yang topic.

"Tinutulungan n'ya ako kung minsan sa mga gastusin ko rito. Ang narinig ko isang pulis na ang ka-relasyon n'ya ngayon. Tch. Kumpara sa'ting dalawa, noong mga bata pa tayo s'ya ang paborito ng matatanda, kahit pa ang mga kaklase nating babae. Palagi s'yang pinupuri ng lahat, matalino, gwapo at talented, palagi rin s'ya ang pinipili ng lahat sa'ting tatlo. S'ya ang higit na pinagkakatiwalaan nila. Dinaig n'ya rin si Naya." Salubong ang mga kilay na itinapon ni Johan sa ash tray ang upos ng sigarilyo sa inis, "Ang akala ko pa nga noon mas mauuna pa s'ya sa'kin makapag-asawa. Mas nauna s'yang nagka-girlfriend sa akin. Tangina sinayang n'ya. Siguradong ginagamit lang parausan ng gagong 'yon ang katawan n'ya." Muling naglabas at nagsindi ng sigarilyo si Johan saka nilingon si Kian. Unti-unti kumalma ang inis nito pagkunwa ay nagpunta sa lababo.

RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon