RETRIBUTION

413 18 0
                                    

Naya, nagsisinungaling s'ya. Hindi na s'ya ang dating Kian na kilala natin. Nagbalik s'ya dahil naghihiganti s'ya. Kapag nagpunta s'ya d'yan sa iyo, tawagan mo agad sila officer Gregory. Magiingat ka, at sana... Mapatawad mo 'ko.
- Liu

Hinampas ng alon ang kan'yang mga paa kasabay ng pagihip ng malamig na simoy ng hangin. Pagkunwa ay inalon nito ang dulo ng kan'yang puting bestida't itim na buhok.

Wala sa sarili n'yang naipikit ang kan'yang mga mata kasunod no'n ang isa-isang pagbagsak ng luha pababa sa kan'yang mga pisngi...

Siguro nga, ganito ang pakiramdam ng malamang nagsisinungaling sa iyo ang taong tanging pinagkakatiwalaan mo... Sa puntong mas nanaisin mo na lamang ang maging ignorante nang sa gayon, ay hindi gano'n kasakit.

Luhaan s'yang nagmulat, pinunasan ang nanlalabong mga mata, dala ng mga luhang tila ba'y ayaw tumigil... At tinanaw ang dulo ng karagatan...

Nagtatanong sa asul na kalangitan na tila ba'y payapa, sino nga ang dirinig sa pusong nagsusumigaw? Sa pagkadismaya, kirot at sakit. Mga sari-saring emosyon, papaano mo ito maipapadama? Paano mo mailalabas. Mawala lamang ang lahat ng ito...

Nanghihina n'yang naibaba ang hawak na liham at walang lakas na nabitiwan ito-tinangay ito ng hangin. Saan man iyon paroroon, walang sinuman ang nakakaalam... Ngunit sa katotohanan o kasinungalingan mang nakasaad roon, tila inupos no'n ang kan'yang lakas hanggang sa s'ya na mismong matagal nang naghihintay ay sumuko na... Ano pa nga ba ang silbi ng lahat? Kung ang lahat ay iisa lamang ang itinuturo?

Nanghihina s'yang napaupo sa buhanginan. Tinanaw ang dulo ng karagatan at dahan-dahang niyakap ang sariling mga tuhod pagkunwa'y hinayaan ang mga luhang muling dumausdos pababa sa kan'yang mga pisngi...

Sino ang paniniwalaan n'ya? Ano ang paniniwalaan n'ya?

Noon pa man ay minahal na n'ya ang kapayapaan ng karagatang ito, ngunit bakit tila ba'y hindi na n'ya maramdaman ang kapayapaang iyon nitong mga nagdaang araw?

Wala s'yang sakit sa puso ngunit bakit tila ba'y labis ang paninikip ng kan'yang dibdib? Napakabigat nito't wari ay pinipiga.

Samantala, ilang metro ang layo mula sa kan'yang kinauupuan, isang lalaki ang nanghihinang umahon mula sa tubig. Humahangos ito at tila matutumba anumang sandali. Taas-baba dibdib sa labis na pagkahingal. Puno ng galos at sariwang sugat ang kan'yang mukha't katawan na ngayon ay halos nakalantad na mula sa kan'yang punit-punit na puting long sleeve.

Natawa s'ya. Napangiti ng mapait. She used to admire those broad shoulders; the mole in the middle of his nostril, the smile, the laugh, and everything about him-everything about Kian Pimentel...

THE EX-CONVICT RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon