Chapter 02 : The Ex-Convict, the fourth Victim and the Letter 1 ✓

270 17 1
                                    

Kumalansing ang tarangkahan mula sa likuran ni Kian pagkalabas n'ya ng 164-ang pinakamalaking bilangguan para sa mga nagkasala't lumabag sa batas ng bansa, pagkunwa'y dumura s'ya ng dugo at pinunasan ang pumutok na labi. Sinundan iyon ng pag-alingawngaw ng nagmamadaling ambulansya palabas mula rito, wari ay mayroong naghihingalong pasyente sa loob nito at kinakailangang madala sa hospital sa lalong madaling panahon.

Sumalubong sa kan'ya ang malamig na simoy ng hangin sa b'wan ng pebrero pagkaangat n'ya ng tingin. Naningkit ang kan'yang mga mata at naitakip n'ya ang braso sa kan'yang mukha kasabay ng pagsasalubong ng kan'yang mga kilay matapos masilaw mula sa liwanag ng katanghaliang tapat.

Masyadong maliwanag ang paligid para sa kan'ya. Kumpara sa loob ng kulungan, hindi ganito ang klima bagkus ay tatlong beses ang doble dahilan upang mamamaluktot ka talaga sa gabi kahit pa'y mayroong kumot. Bukod do'n ay, bago makarating sa mismong selda ng mga bilanggo'y kinakailangan mo munang dumaan sa isang malaking gusali na gawa mula sa makapal at bakal na pintuan, bumaba ng hagdan papunta sa isang mahabang tunnel kung saan ay tila tinipid ang mga ilaw, hanggang sa mga lugar na kinapapaglagyan ng mga luma't maruming selda-malinaw na nasanay sa kadiliman ang kan'yang mga mata.

Mariin s'yang napapikit at ibinaba ang braso. Isang maluwag, kupas, at lumang maong na pantalon ang kan'yang suot na pambaba. Isang manipis at itim namang t-shirt ang pantaas na s'yang pinatungan ng kupas na jacket. Ang dati rin n'yang kalbong ulo sa loob ng kulungan ay may kahabaan na ngayon ang mga itim na buhok. Magulo at medyo kulot ito, maliban doon ay nagliwanag din ang kulay ng kan'yang balat matapos ng maraming taong pananatili sa loob kasabay ng pag-mature ng kan'yang katawan, malayo sa itsura ng dise-syete anyos na pumasok sa lugar na ito. Higit sa lahat ay kapansin-pansin rin ang sariwa't namumulang sugat sa kan'yang pisngi't panga. May mga bahid pa ng tilamsik ng dugo rito na tila bagang nagpapahayag na nasabit s'ya sa isang away at nagkaroon muna ng gulo sa loob ng selda bago pa man s'ya tuluyang nakalabas. Sa kan'yang kamao naman ay makikita rin ang mga luma ngunit maumbok na mga peklat, na para bang nahubog ang mga iyon sa pakikipagsuntukan.

Dumapo ang tingin ni Kian sa nag-beberdehan at matatayog na puno sa kan'yang paligid nang igala ang paningin at inayos ang pagkakasukbit ng bag sa kan'yang balikat. Napalingon pa s'ya sandali sa mga nakasabay n'yang bagong laya-maliban sa kan'ya, ang lahat ng mga ito ay mayroong sundo.

Binawi ni Kian ang tingin mula sa mga ito at ibinulsa ang kan'yang mga palad sa loob ng kan'yang jacket. Nagangat ng tingin sa mahabang kalsada na s'yang naghihintay sa kan'ya kapagkunwa'y nagsimulang maglakad patungo rito.

Palayo sa lugar na nagkulong sa kan'ya ng mahabang panahon...

Philippines News
xx-xx-xxxx
            Witness Carol Arabe found dead in her room this monday morning. Suspect is still on the run. Police had charged the suspects with murder. Authorities warned that despite possibly being injured, Milo Andres is still considered armed and dangerous. He currently faces three counts of first degree murder. Police described him as being 5'1" and around 180 pounds.

              Manila Police Chief Evan Ponce said Milo Andres last known sighting had been in Eastridge, the mainland, more than 200 miles away from the scene. Earlier Monday, police said a vehicle reportedly carrying the suspects had been spotted in the Eastridge area. Police said he may be driving a black Nissan.

             Police said the witness is engage in a hit and run case of Frank Santiago, a college student who died last month, August 2, 2015...

"Can I have a glass of water?" Ibinaba n'ya ang hawak na dyaryo at nag-angat ng tingin sa dumaang staff dahilan upang mahinto ito.

"Ah, yes sir. Sandali lang po." Magalang itong yumuko at umalis na agad ring nagbalik na may dalang isang baso ng tubig.

THE EX-CONVICT RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon