Chapter 10 : A husband's death

141 11 0
                                    

"Pambihira Naya! Hindi mo ba talaga ako maintindihan?!"

"Johan, please... Parang awa mo na. Siguro mas makabubuting pakinggan mo nalang muna si Aunty Maya." Pinilit n'yang tanggalin ang pagkakagipit nito sa kan'yang pulso. Pinilit ipakitang hindi s'ya natatakot o nasasaktan man lamang bagkus ay nagawa pa n'yang ngumiti.

"Magpalamig na muna tayo. Mag-focus na muna tayo sa sari-sarili nating mga buhay. Pwedeng-pwede ka namang dumalaw rito kung gusto mo. Kontakin mo 'ko kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang ako. Kokontakin ko rin si Liu na dalaw-dalawin ka at kamustahin, siguradong hindi naman n'ya ako tatanggihan. Nandito lang kami para sa'yo, pangako. Tutulungan ka rin ni Aunty Maya, ipinangako n'ya sa'king aalalayan ka n'ya kaya please, kahit ngayon lang makinig ka sa'kin..."

Natigilan ang asawa. Napatitig sa kan'ya pagkunwa'y unti-unting nagbago ang hilatsa ng mukha nito. Hindi ito makapaniwala sa lahat ng mga sinabi n'ya.

"Naya, lagi akong nakikinig sa'yo. Bakit mo gagawin to sa'kin? Alam mong halos buong buhay ko umiikot lang sa'yo. Ano pa bang dapat kong gawin para mapunta ang lahat ng atensyon mo sa'kin?"

Bahagyang napakislot si Naya. Nahihirapan na s'yang intindihin ang lalaki. Ano pa bang gusto nito?

"Johan, pakiusap... Gumising ka sa reyalidad, hindi pwedeng sa iisang tao lang iikot ang buhay mo. Hanapin mo ang sarili mo at bigyan mo ng halaga. Ilang beses ko nang sinabi sa iyong mahalin mo muna ang sarili mo nang sa gayon ay maging maayos ang lahat."

"Maging maayos ang lahat...!? Magiging maayos ang lahat kung tinanggap mo lang sana ako! Naya! Kailan ba tayo sasaya!?"

"Johan pakiusap."

Natawa ito ng malamig. "Hindi mo kasi naranasan pa. Lagi mong itinuturo ang mga bagay na iyan, ngunit hindi mo alam kung ano nga ba talaga ang tunay na sitwasyon..."

Sa huli, hindi na s'ya nakapagpigil pa... Tuluyan na s'yang sumabog...

"Johan... Pinakasalan na kita! Ano pa bang gusto mo...!?"

"Pero kahit kailan hindi mo 'ko minahal! Ano bang dapat kong gawin para mahalin mo!?"

"Johan, pakiusap. Kung ayaw mong umalis, ako nalang ang aalis kaya pakiusap, bitawan mo 'ko."

"Aalis? Tatakbo ka na naman ba?! Tatakbo ka na naman tulad ng palagi mong ginagawa...!? Naya! Bakit ba ginagawa mo 'to?!" Napasigaw na nang tuluyan sa galit ang lalaki nang dahil sa labis na emosyon. Marahas s'ya nitong binitawan at napasabunot nalang sa mga buhok saka napaatras na tila bagang punong-puno ng halo-halong galit at pagsisisi.

"Kung hindi mo kami iniwan sa simula pa lamang, hinding-hindi mangyayari ang lahat ng ito! Hanggang ngayon sana! Hanggang ngayon kasama pa natin si Kian!"

Sa puntong iyon ay tila tuluyan nang nalagot ang lubid ng emosyong matagal na itinatago ni Naya...

"Si Kian!? Si Kian na naman! Kung ganon! Anong gusto mo ang gawin ko?! Johan, tapos na ang lahat! Ano pa bang gusto mo?! Sampung taon na ang lumipas at wala ka nang maibabalik pa! Pinakasalan na kita at wala na s'ya! Nakuha mo na ang gusto mo! Sa tingin mo kung nariyan s'ya, ikaw at ako ang ikinasal—"

THE EX-CONVICT RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon