Chapter 06 : The Captain's Little Secret ✓

62 5 0
                                    

"Aiden..."

"Aiden..."

"Aiden, gumising ka. Aiden."

Nagising si Gregory nang bigla nalang may pumisil ng mahigpit sa kan'yang pisnge kaya't nagsalubong ang kan'yang mga kilay saka s'ya napamulat ng kaunti at tinanggal ang isang may kapayatan na palad sa kan'yang pisnge. Saktong-sakto ito sa kan'yang palad kung kaya't agad n'yang nahulaan kung sino ito.

Naniningkit ang mga matang napakurap s'ya nang masilaw mula sa liwanag na nangmumula sa kisame bago pa man n'ya makita ng tuluyan ang gumigising sa kan'ya. Pagkunwa ay mariin na lamang s'yang napapikit nang maramdaman ang hapdi na dulot ng liwanag. Binitawan n'ya ang kamay ni Liu at naitakip na lamang ang braso sa kan'yang mga mata.

Inaantok pa s'ya. Pakiramdam n'ya kapipikit pa lamang n'ya at ilang minuto palang ang lumipas simula nang makatulog s'ya ngunit ngayon ay ginigising na s'ya nito.

"Aiden..." muling tawag ng huli.

"Hmn..." salubong ang mga kilay n'yang hinawi ang kamay nito nang tangkain nitong tanggalin ang mga braso n'ya sa mga mata n'ya. Hinawi nito ang ilang hibla n buhok na tumatakip sa kan'yang noo kung kaya't inaantok na lamang s'yang napaungol at dumapa.

"Aiden?"

"Ano ba... Ang aga-aga, patulugin mo muna ako..." Namamaos ang boses n'yang reklamo. Nagtalukbong s'ya at isinubsub ang mukha sa unan, dahil do'n agad namang hinablot ng huli ang kumot.

"Aiden naman..." Hinila s'ya ng huli paharap kaya't salubong ang mga kilay na napakurap s'ya at mariing napapikit ng mga mata.

"Patayin mo 'yung ilaw..." Paos ang boses n'yang utos at hinila pabalik ang kumot.

"Aiden, gumising ka naman na..."

Nagrereklamong napaungol si Gregory, "Mamaya na, inaantok pa ak..." Gayunpaman ay nahinto s'ya nang maaninag ang nanlalabong imahe ng isang lalaking walang pang-itaas. Sa paglaylay pa lamang ng buhok nitong itim na hanggang baywang ay tila ginising na ang kamalayan n'ya.

Oo, nga pala...

Wala s'ya sa apartment n'ya ngayon...

Unti-unting sumilay ang isang pilyong ngiti sa mga labi ni Gregory nang mga sandaling iyon. Gayunpaman bago pa s'ya makagawa ng anumang kalokohan ay naging blanko na  lamang ang mukha ng huli at malamig na nagwika,

"Huwag kang ngumiti. Para kang takas sa mental. May mga pulis sa labas." Flat nitong pahayag.

"Pulis...?" Namamaos ang boses na natigilan si Gregory. Nawala ang ngiti sa labi n'ya at napabangon ng wala sa oras ngunit agad rin s'yang napadaing at napahilot nalang sa kan'yang sentido nang  makaramdaman ng matinding pagikot ng paligid at pananakit ng ulo.

"Anak ng! Bakit ba sila narito?" reklamo nya't inaantok na lamang bumaba. Umiikot pa ang paligid n'yang nang magpunta s'ya sa pinto dahil doon ay natawa ng malamig ang huli. "At ngayon ka lang talaga babangon? Ibang klase ka talaga. Kung 'di ko pa sinabing may mga pulis hindi ka na naman babangon. Kapag may nakakita talaga sa'yo rito, ano na namang gagawin mo?" Sumunod sa kan'ya ang huli.

"Ang alam ko may nangyari sa itaas na palapag kaya kunin mo na ang tyansang ito na makaalis bago ka pa nila makita."


THE EX-CONVICT RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon