Chapter 04 : The Captain 1 ✓

163 15 4
                                    

"Pambihira! Lycan! Pinagloloko mo na naman ba ako?!"

"Oo na! Oo na! Nandito na ako! Ang aga-aga ang init ng ulo mo!" Agad na bumaba ng tricycle ang isang lalaking may anim na talampakan ang taas nang itapat sa kan'yang kaliwang tainga ang hawak na cellphone.

Matapos makapagbayad ng pamasahe sa driver ay inayos n'ya ang kan'yang suot na sando at isinuot ang nakasabit na jacket sa kan'yang balikat. Napakagulo pa ng kan'yang buhok, malinaw na kagagaling lamang n'ya mula sa higaan kaya't naisuklay n'ya na lamang ang kan'yang mga daliri rito, dahil doon ay bahagya na lamang lumaylay ang ilang mga hibla ng buhok sa gilid ng kan'yang mga mata, wari ay ipini-presenta ang lalaking-lalaking mukhang mayroon s'ya.

"Anong oo na! Oo na! Walanghiya ka! Sinasabi ko talaga sa'yo siguraduhin mo lang! Huwag mo 'kong pinagloloko! Ba't ba kasi hindi mo na naman dala ang motor mo!? Pagkatapos ay magdadahilan kang walang masakyan! Ah! Dalian mo! Ang mga gang na 'yan, hindi na natahimik! Lagi na lang sakit ng ulo! At isa pa ha! Sa'n ka na naman ba napadpad?! Anong oras na at wala ka pa sa trabaho mo! Huwag mong sabihing kung kani-kaninong bahay ng lalaki ka na naman nanggaling! Aba't daig mo pa talaga ang mga tandang!" Kumukulo ang dugong bulyaw ng matanda kung kaya't napangiwi na lamang siya nang harapin ang arko ng lokasyong pinuntahan n'ya.

"Chief! Nakakasakit ka na ah! Nagawa mo talaga akong ihalintulad sa manok! Atsaka, relax lang! Ang puso mo! Sige ka, hindi ka makakaabot sa promotion!" Pabiro n'yang tugon rito kaya't lalong nanggalaiti ang matanda.

"Gregorio...!"

"Oy, seryoso ako! Sa gwapo kong 'to mukha ba akong manloloko? Abangan mo lang ako, hindi ka aakyat nang dahil sa retirement ni Chief! Kun'di dahil isasara ko ang hit and run case. Tiwala lang! Isa pa Chief, Gregory hindi Gregorio–"

Napahinga ng malalim ang nasa kabilang linya. "Gregory?"

"Hmn. Tama, Gregory nga. Lucas Aiden Gregory. Masyado s'yang mahaba pero ang Deputy Director mismo ang nagpangalan sa'kin kaya—"

"Ikaw! Ginagago mo ba talaga ako...!? Wala akong pakialam! Aba't! Sinasabi ko sa'yo! Ilang linggo nang naibigay ang kaso sa'yo! Pero hanggang ngayon ay wala pa akong natatanggap na report! Ano nang nangyari? Baka nakakalimutan mo, ibinigay iyon sa'yo upang isara hindi itambak–!" Bago pa man s'ya nito muling matadtad ng sermon ay agad na n'yang pinatayan ito. Ibinulsa n'ya ang hawak na cellphone at nag-angat ng tingin sa arkong nasa kan'yang harapan kasabay no'n ay ang paglalaho ng ngiti mula sa kan'yang mga labi.

San Diego.

Bumungad kay Gregory ang isang abala't maingay na kalye oras na makaalis ang tricycle na sinakyan n'ya. Nang balingan n'ya ang daang naghihintay sa kan'ya ay napamulsa na lamang s'ya, napainat-inat ng braso na agad namang nagsilagutukan. Napahikab s'ya na pumasok sa loob ng San Diego–ang kilalang Chinatown sa buong lugar.

"Ate! Kuya! Bili na po kayo! Kamatis, 20 pesos na lang ang kilo!"

"Oh! Gulay kayo r'yan! Bagong pitas lang! Sariwang-sariwa na at murang-mura pa! Ate, papaya bili na kayo!"

"Magkano ito?"

"Limang piso na lang ang isang tali madam!"

"Sige, bigyan mo 'ko ng–Ano ba 'yan...!"

"Eh, gago ka pala eh! 'Di ka ba marunong makinig sa pulis!? And'yan sila oh!"

"Sir, tama na! Huwag na ka'yong mag-away!"

"Anak ng! Puta! Bitawan mo 'ko kung ayaw mong madamay! Baka gusto mong ikaw ang unahin ko! Makakakita ka ng tinuhog na pulis!"

'Di kalayuan mula sa nilalakaran ni Gregory ay dalawang lalaki ang lumabas na nagsusuntukan mula sa isang maliit na tindahan. Kumalansing pa ang ingay ng ibinatong bakal na tubo at kung ano-ano pang gamit na lumipad pagkunwa ay sinundan iyon ng mga kalabog ng natumbang kahon na gawa mula sa kahoy animo'y pinaghahagis ang lahat ng mga bagay na madampot.

THE EX-CONVICT RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon