Chapter 02 : The Ex-Convict, the fourth Victim and the Letter 2

179 14 0
                                    

PHILIPPINES NEWS
September 03, 2013
Friday, 09 : 18 PM
We interrupt you for breaking news... This evening, a small party is happening at the Solariega Quandragle for the senior citizens at Baranggay San Francisco. The party is personally organized by the Mayor but a dead body of a headless woman and an unconscious man was discovered at the back of bleacher when a young kid's scream echoed from the area.

Recently, there has been a continuous killings of beheaded body. The polices have sealed off the place and has began collecting evidence. But what does this unconscious man really doing at the crime scene? Does he know something about what really happened? Who exactly murdered the woman? And would this be the 4th victim of the headless victim case? Well give you a live update after the police has gotten a hold of it.

"Ang tagal n'yo! San pa ba ka'yo nagpunta?! Uy, Ivan dalian mo! Kanina ka pa hinahanap ni Sir Kurt, ikaw nalang ang hinihintay. Heto, kunin mo naayos ko na rin 'yan kaya ayusin mo nalang 'yang sarili mo at dumiretso ka na agad do'n!" Naibaba ng dalawampu't limang taong gulang na si Noe ang aklat na binabasa at inabot kay Ivan ang gitarang nakalapag mula sa lamesa saka hininaan ang ingay ng telebisyon kaya't ibinalik na lamang ni Ivan kay Kian ang hawak na helmet at nag-mamadaling nagpunta sa tapat ng sariling locker upang magpalit ng kan'yang suot.

"Kanina pa ba sila nakarating? Ah! Patay ako nito! Tangina! Kasalanan talaga 'to ng matandang kulubot na 'yon!" Pabagsak na isinara ni Ivan ang pinto ng locker habang inaayos ang sariling kwelyo pagkatapos ay tinanggap n'ya ang gitara. "Sige, salamat..."

Sinundan s'ya ng tingin ni Noe. "Nga pala, diba naghahanap ka pa ng ma-e-ekstrahan? Sa bayan ng Lawless. May ginagawa kasing swimming pool ang bayaw kong contractor. Minamadali na nila 'yung trabaho kaya kinakailangan n'ya ng karagdagang tauhan. Sayang rin yun, h'wag kang magalala malaki 'yun magbigay lalo na masipag ka naman."

"Sa Lawless... Malayo-layo ah... Kailan ba?"

"Kung gusto mo sa lunes na agad para mas malaki kita. H'wag kang magalala, sagot n'ya pamasahe at may mga barracks naman kayo ro'n."

"Hmn..."

Napansin ni Noe ang paglingon ni Ivan kay Kian kung kaya't natawa nalang ang lalaki at napalingon rin kay Kian. "Gago. Istrikto 'yung bayaw ko kaya ligtas ka ro'n. Bawal ang sigarilyo at alak sa site kahit sa barracks, kayong dalawa ah! Kaya ko nga inaalok, ako pa masama. Relihiyoso kaya 'yon!"

"Oy, Noe! 'Di pa ba dumarating 'yung dalawa-Ivan... Nand'yan ka na pala, dalian mo, kanina ka pa hinihintay. Magsisimula na."

"O-okay po-Noe! Mamaya usap ta'yo!" Nagmamadaling paalam ni Ivan at sandali pang nilingon si Kian, ang mga mata ay tila nagpapaalam kaya't tinanguan na lamang ito ni Kian saka nagmamadali nang lumabas ng locker area at sumunod sa manager nila.

Sinundan ni Noe ng tingin ang papalayong binata. "Seryoso ba talaga s'ya? Ang dami na n'yang pinapasukan ah! Oy, may tinatago bang anak ang batang iyon? Saan naman n'ya dinadala ang mga sahod n'ya? Nakakapagtaka talaga, wala naman s'yang girlfriend ni hindi naman s'ya mawaldas ah." Nilingon ni Noe ang naiwang lalaki ngunit nang hindi s'ya bigyang pansin o tingin man lamang ni Kian ay napangiti na lamang s'ya hanggang sa mawala na nga sa kanilang paningin si Ivan pagkunwa'y naupo pabalik sa mono block at muling nilakasan ang telebisyon.

"Ah! Nakakaasar! Sayang! Tapos na ang balita! Oy, Kian..." Nilingon ni Noe si Kian na naglalakad papunta sa harapan ng sarili nitong locker, isa-isang nitong inilagay sa tuktuk ang mga dalang helmet.

"Alam mo na ba? May ikaapat nang biktima. Grabe, tinatanggalan n'ya talaga sila ng ulo at wala s'yang pinipili, pati matandang babae hindi n'ya pinalagpas at sa isang pampublikong lugar pa. Grabe, ang lakas talaga ng loob n'ya... Ang sabi pa nila kapag ikatlong beses na ang magkaparehas na krimen ay matatawag na itong serialmurder..."

Sandali lamang napalingon si Kian sa telebisyon pagkunwa ay sinimulang ayusin ang sariling buhok sa tapat ng salamin. "Anong oras ka mag-i-in?" tanong n'ya kaya't napalingon sa kan'ya si Noe pagkunwa ay natawa. "Grabe ka, kaka-out ko lang, papabalikin mo na 'ko kaagad! Break time ko palang uy! Ba't gusto mo na 'ko makasama?"

"Tss." Isinara ni Kian ang locker at nagbato ng susi sa huli.

"Mago-over time ako ngayon, ikaw na ang bahalang maghatid sa kan'ya mamaya pauwi."

"Huh? Sigurado ka ba d'yan?" Unti-unting sumilay ang isang pilyong ngiti sa mga labi ni Noe nang sundan ng tingin ang papalabas na lalaki. "Ayos lang sa'yo? Baka maiuwi ko s'ya sa bahay ko-" Hindi na naituloy pa ni Noe ang sariling biro nang lingunin s'ya ni Kian ng walang kangiti-ngiti sa mga labi.

Walang kaekspre-ekspresyon ang mukha nito, ni hindi mapagbanta bagkus ay blanko ngunit tila bagang alam na alam na ni Noe ang ibig no'ng sabihin dahilan upang mapalunok na lamang ito ng sariling laway animo'y namali ng nasabi. "Sa-sabi ko nga! Ihahatid ko s'ya pauwi sa inyo! Eto naman! Di talaga mabiro!" Napahalakhak si Noe, wari ay napatiklop na tuta.

Hindi na sumagot pa si Kian, tuluyan na lamang n'yang tinalikuran ang huli gayunpaman ay agad na napatayo si Noe nang mayroong maalala. "Nga pala! Kian, sandali!" Tawag n'ya sa huli bago pa man ito tuluyang makaalis at mabilis na kinuha ni Noe ang aklat mula sa ibabaw ng lamesa, saka n'ya nilapitan si Kian at inabot rito ang isang nakaipit na sobre.

"May kilala ka bang Johan?" tanong n'ya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Kian nang tanggapin ang sobre, wari ay naglakbay sa kailaliman ng kan'yang mga ala-ala ang kan'yang isipan sa tanong ni Noe. Binaliktad n'ya rin ang sobre upang tingnan ang sender gayunpaman nang tuluyan nang maaalala kung sino nga ang nakasulat bilang nagpadala nito ay tila balewala na lamang n'ya itong ibinalik kay Noe.

Hindi ito tinanggap ni Noe. "May nagpaabot daw n'yan dito kaninang umaga. Si sir Kurt ang nakatanggap." Itinuro ito ni Noe. "Nakalagay ang pangalan mo kaya siguradong para sa'yo 'yan." aniya pa kaya't muling napatingin si Kian sa sulat kamay na ginamit sa pabalat ng sobre pagkunwa'y itiniklop na lamang ito at balewalang ibinulsa. "Salamat." Tinalikuran n'ya si Noe at tuluyan nang umalis kaya't agad namang napaangal ang huli.

"Huh...? Ano...? Gano'n nalang iyon? Uy Kian, tinatanong kita kung may kilala ka bang Johan? Hoy! Anak ng! Aba't hindi talaga namansin! Hoy! Sinasabi ko sa'yo! Hindi mo ikina-gwapo ang pagiging isnabero! Hoy! Teka...! Oo nga pala! Nasaksak ka noong nakaraan linggo diba? Aba't hoy! Magaling na ba ang sugat mo at bumalik ka na naman agad dito?! Hoy!"

THE EX-CONVICT RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon