Chapter 08 : The Case 1 ✓

108 6 0
                                    

 Alas nuebe y medya na ng umaga nang lumabas s'ya mula sa banyo habang nagpupunas ng towel sa kan'yang basang buhok.

 With nothing on but a white towel wrapped around his waist, dumiretso s'ya sa tapat ng glass wall at isinampay sa kan'yang balikat ang maliit na towel saka isa-isang pinaghahawi ang mga kurtina dahilan upang pumasok at kumalat ang liwanag sa buong silid.

 Sandali pa s'yang napasulyap sa lalaking mahimbing na natutulog sa kama nang damputin n'ya ang phone n'yang nakalapag sa sofa. Nagsimulang s'yang tumipa rito at lumapit sa kama habang pinunasan ang kan'yang buhok, pagkunwa ay itinapat n'ya ang camera sa lalaking natutulog rito...

 Napakasakit. Tila binabayo ng malakas ang ulo ni Gregory nang magising s'ya mula sa mga sunod-sunod na ingay at flash ng camera.

   Ang labi ng lalaking nakatayo sa gilid ng kama ang agad na pumukaw sa atensyon ni Gregory. Kumibot ito ng bahagya nang tingnan nitong mabuti ang mga nakuhang larawan kung kaya't unti-unti nalang s'yang napakunot noo.

 Nang mapagtanto ang ginawa nito'y nagsalubong ang mga kilay n'ya at mabilis na bumangon upang agawin ang cellphone na hawak nito. Gayunpaman, naunahan na s'ya nito. Itinaas nito ang cellphone, umatras at pinagmasdan ang larawang nakuha.

"You know. . . You're kinda cute." Nangingiti nitong sambit at ipinakita sa kan'ya ang larawan n'ya habang natutulog kung kaya't sinamaan n'ya ito ng tingin at pabagsak nalang na naupo pabalik.

 Inayos n'ya ang kumot na nakabalot sa kan'yang baywang at iiling-iling na sumandal sa headboard saka napabaling sa buong silid. Nadaanan pa ng paningin n'ya ang digital clock sa ibabaw ng bedside table kung saan nagsasabi kung gaano tanghali na kaya't naibalik nalang n'ya ang tingin sa lalaki. Gayunpaman bahagya nalang s'yang napayuko nang maramdaman ang biglang pagkahilo.

Mariin s'yang napapikit at naaasar na naihilamos ang sariling mga palad sa mukha saka naisuklay ang kan'yang mga daliri sa buhok.

Hindi n'ya maalalang nagpakilala ito ngunit tila ba'y malinaw na malinaw ang mga nangyari ilang oras pa lamang ang nakalilipas. Naaliw s'ya, lalo na sa mga ngiti nito. Sadyang napakabilis ng pangyayari kagabi.

"What do you want?" tanong n'ya at buntong hiningang nilingon ito saka muling sumandal sa headboard dahilan upang bahagyang umangat ang gilid ng labi nito.

Tinanggal nito ang tingin sa screen ng cellphone, tinalikuran s'ya at inihagis ang cellphone sa sofa saka dinampot ang ilang nakatuping damit mula rito.

"Kung pera lang ang kailangan mo, hindi mo na kailangan pang gawin ito. Madali akong kausap. Magbabayad ako, burahin mo lang yung picture—" Napaiwas ng tingin si Gregory nang bigla nalang magtanggal ng saplot ang huli.

"Anak ng!" Asar na asar s'yang napayuko saka n'ya ibinaba ang mga paa sa sahig at tinalikuran ito pagkunwa'y natutuksong ibinalik ang tingin rito. Napakurap s'ya bago muling nagbawi ng tingin. Hindi sumagot o umimik man lang ang huli bagkus ay tahimik lamang itong nagbihis kung kaya't napahilot nalang s'ya sa kan'yang sentido at muling napatingin rito.

Tila sing puti ng radish ang katawan nito. Napakalambot rin ng balat nito, damang-dama n'ya iyon bago s'ya nakatulog. Gayunpaman masyado itong nakatikom para mabasa n'ya kung ano nga ba talaga ang nararamdaman nito. Ang pilyo nitong mga ngiti at mga tusong tawa, tila ba'y hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa likod ng isipan n'ya. Napalunok s'ya.

Naibalik s'ya sa wisyo at napakurap nang biglang maghagis ng isang brown envelope ang huli sa tabi n'ya saka nito inayos ang butones ng polo kung kaya't napaangat nalang s'ya ng tingin rito.

"Hindi ko kailangan ng pera." diretso at tila balewalang tugon nito saka seryosong humalukipkip kaya't dinampot na lamang n'ya iyon ng walang tanong at tiningnan ang laman nito.

THE EX-CONVICT RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon