Chapter 04 : The Captain 2 ✓

12 3 0
                                    

"Capt!"

Pagdating n'ya sa kan'yang destinasyon ay sinalubong si Gregory ng isang babaeng opisyal na galing pa mula sa loob ng isang lumang gusali.

"Dito. Dito Capt. Nakita nalang daw s'yang biglang pumasok rito." kwento ni officer Hanniel Tolentino.

Iginala n'ya ang kan'yang paningin habang papasok sila sa isang billiard hall matapos s'yang bigyan ng ilang mga detalye ng huli. May kadiliman ang lugar na ito, dahil maliban sa dikit-dikit ang mga gusali sa paligid ay nasa looban pa ito ng eskinita. At napakaraming tambay o di kaya'y mga lasing na naabutan na ng umaga sa mga kalye. Malinaw na walang magandang nangyayari sa lugar na ito kun'di mga gulo lamang.

"Bukod rin sa walang nakakakilala sa kan'ya ay ayaw n'ya ring lumabas kaya't ang sabi ni Officer Co, maaaring bago lamang s'ya sa lugar o hindi talaga s'ya taga-rito." Nilingon s'ya ng huli at dinala s'ya patungo sa mga hilira ng tila abandonado at lumang mga gusali. Tahimik ang paligid at wala nang katao-tao sa daan kaya't tanging ang ingay lamang ng kanilang mga yapak ang maririnig habang naglalakad sila papasok sa maliit na kalye. Ilang sandali ay lumiko sila papasok sa loob ng malaking gusali.

"Uy, Capt! Kumusta ang blind date!" Nang makarating ay sinalubong s'ya ng isang opisyal na may yosi pang nakapasak sa sariling mga labi. Nagbuga ito ng usok pagkalapit sa kan'ya kaya't sinapok na lamang n'ya ito at hinablot ang hawak nitong sigarilyo. Pinisil n'ya ang baga nito saka ibinalik sa huli. "Tch. Umagang-umaga... Mamaya ka na manigarilyo kapag wala ako." aniya kaya't napasimangot na lamang ito. Ito si Officer William Co, ang kausap n'ya sa kabilang linya kanina.

"So, kamusta nga yung blind date mo?" Sabik s'ya nitong sinundan at kinapitan sa balikat kaya't napalingon pa s'ya rito at kunot noong tinanggal ang kamay nito. "Blind date?"

"Oo, yung former model... Ano? Ayos ba? Anong lebel na ka'yo? Balita ko napaka-hot talaga ng isang 'yon!" Sunod-sunod nitong tanong animo'y inabangan talaga ang kan'yang magiging balita oras na magkita sila uli kaya't napakamot na lamang s'ya ng ilong at napamulsa.

"Hot?" Natawa s'ya at nilingon ito, "Kamay n'ya lang ang mainit..." Tinapik-tapik n'ya ang balikat ng huli. "Wala ka pa talagang alam."

"Capt. naman! Alam mo naman yung ibig kong sabihin!" agad na maktol nito sa naging tugon n'ya. Marahil ay simula't-sapul ay hindi nito inaasahan ang ganoong tugon mula sa kan'ya. Isa pa para rito ay nakasisigurado itong hindi magiging gano'n ang reaksyon ni Gregory. Maraming nagkakandarapang babae sa kan'yang kapitan, iyon ang tingin ng batang opisyal sa kan'yang kapitan. Higit sa lahat, hindi ito tumatanggi lalo na kung wala namang problema. Papaanong tatanggihan nito ng isang dating model?

"Sige na, tama na ang pagiging chismoso." pigil ni Gregory rito bago pa man ito makaangal at nilagpasan ito.

"Asar!" Nagmamaktol itong sumunod sa kan'ya kaya't hindi na lamang n'ya ito pinansin pa.

"Anak ng! Bingi ka ba!? Sinabi nang kumuha ka ng tela para mapatigil ang dugo!"

"Anong nangyayari?" Pumasok sa loob ng isang maliit na silid si Gregory at natagpuan ang isang duguang lalaki. Masama na ang lagay nito at nagkalat pa ang mga dugo sa sahig. Maging sa pader ay napakaraming marka ng pulang likido, malinaw pa sa araw na nagkaroon ng sagupaan sa maliit na silid na ito. Napansin n'ya rin ang pagdausdus ng sariwang dugo pababa sa sentido ng lalaki habang nakayuko ito at sapo ang sariling tagiliran. Mabigat ang paghinga, mariing nakapikit ang mga mata at salubong ang mga kilay kaya't mabilis na hinubad ni Gregory ang suot na jacket at kalmadong itinapal sa sugat nito upang takpan at babaan ang pressure ng paglabas ng dugo.

"May tumawag na ba ng ambulansya?" tanong n'ya nang mapahawak sa balikat ng lalaki nang hindi nililingon ang mga kasamahan.

"Yes, Capt." Ang nakasunod na si William ang sumagot.

THE EX-CONVICT RETRIBUTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon