Does Age Matter? [27]

9.9K 168 11
                                    

Maaga ako nagising kaya naisip kong mag jogging sa village namin. Ang dami kong nakakasalubong na mga oldies panay naman ang mga bati nila sakin.  Mapuno sa village namin, dahil naiirita ako na laging may bumabati sakin dun ako pumunta sa wala pang masyadong mga bahay na part, at dahil 4 am ng medaling araw palang… ang dilim dun.  Pero hindi ako natakot, nag jogging pa rin ako. Eto nanaman, nag f-flash nanaman yung muka niya sa utak ko. Hindi ko mapigilang maiyak. Takbo ako ng takbo hanggang sa maging blurry na yung vision ko at naupo nalang ako sa gutter.

Nirest ko yung ulo ko sa tuhod ko habang umiiyak. Alam kong malakas iyak ko pero wala akong pakilam, wala naming makakarinig sakin eh. Inangat ko ang ulo ko at pinunasan yung luha ko, nagulat nalang ako ng may nakita akong lalaki sa unahan ko, tinanggal ko earphones ko.

“Are you ok?” tanong niya.

“Ikaw?”  siya yung nag wo-work kay dad, yung guy na mataray.

“ Nathalie?”

“Anong ginagawa mo dito?”  tanong ko.

“ I was about to ask you that, I live here. Ikaw, anong ginagawa mo dito? Delikado dito ah, babae ka pa naman.” Sabi niya. Hmm, nasan na yung mataray niyang ugali?

“ I don’t care.” Tumayo na ako at pinag pagan pants ko.

“Kung may problema ka pwede mong ishare sakin.” Sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

“ Hindi tayo close, kaya wag kang mag feeling close. “ sabi ko. Nginitian lang niya ako. He’s gwapo pero… mahangin siya.

“ Taray talaga. By the way… I’m …”

“Alexis Rodrigues, yeah I know. Pinakilala ka na sakin ni dad diba?”

“Naalala mo pa name ko?” tapos naka-smile siya.

“ Sige, I’ll go ahead na. “ sabi ko, nag simula na akong mag jog ng mag salita ulit siya.

“Okay, see you later. Sa inyo kami mag b-breakfast eh. Your dad invited us.” Dumiretso nalang ako sa pag takbo.

Habang tumatakbbo ako, may nakita akong lalaki parang same age as dad lang, gwapo rin tapos meron siyang dalang Alaskan malamute. OMY! *___* so cute…

“Awwwww. So cute.” Sabi ko… napangiti sakin yung may ari, I guess napalakas ata yung pagkakasabi ko.

Does Age Matter?(Student-Teacher Affair Book Two!) [COMPLETE]Where stories live. Discover now