Does Age Matter? [44]

7.8K 130 22
                                    

Okay na kami nina mommy... at all out support sila sa pag aalaga at pag babantay ko kay Javin. Inexplain na nila sakin lahat lahat... si javin lang daw talaga ang matigas ang ulo siya yung gusto akong taguan..

Sa tingin ko magiging ok na si javin, kasi ang lakas lakas niya he looks healthy mas muka pa siyang ok kesa sakin eh.

“ Lee, you need to rest.. mas muka ka pang may sakit kesa sakin eh.”

“Ok lang ako.. ano ba..”

“Lee, kapag gising ako.. gising ka rin. Kapag tulog ako gising ka pa rin.”

“Natatakot ako na kapag tumulog ako...”

“Lee, wag ka kasi mag isip ng ganyan. Baka maunahan mo pa ako. Ikaw rin..” biro niya.

“ Mas ok nga sana kung ganun eh.. sa tingin mo nakuha ko kaya yung sakit ni mommy? May sakit rin siya sa heart eh...”

“Lee, wag kang mag salita ng ganyan.. magagalit ako sayo.” Seryoso yung boses niya.

“I’m sorry.. hindi ko kasi kaya eh.. gusto ko nandito ka lang lagi sa tabi ko.”  Hindi na siya nag salita..

Sa hospital na ako natutulog i mean nakatambay ako ang laging nag babantay sa kanya hindi kasi ako kampante kapag wala ako sa tabi niya..

Kapag may dumadating na bisita, bumababa ako para bumili ng kape to keep me awake and binibigyan ko naman sila ng privacy.. bumabalik ako after 30 mins.

“Bakit kapag may bisita ako umaalis ka?” tanong ni Javin

“Binibigyan ko kayo ng time para makapag usap..”

“Hindi mo kelangan umalis. Ok lang kahit naririnig mo usapan namin.. wala naman akong tinatago sayo eh.  Ayaw ko ring mawala ka sa paningin ko.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Kinilig ako.

“Alam mo gwapo si Alex, at muka siyang mabait.” Sabi ni javin. Nakahiga kami pareho sa kama niya at yung ulo ko nakahiga sa braso niya.

“ Yeah, he’s a nice guy. Siya kumopkop sakin nung nag layas ako.”

Does Age Matter?(Student-Teacher Affair Book Two!) [COMPLETE]Where stories live. Discover now